Katatapos lang mag celebrate ng Pasko at Bagong Taon. Ibig sabihin saksakan ng dami nanaman ang nakain namin. Ang sarap kumain, ang hirap pumayat. Bakit naman kasi all out ang mga tao pag ganitong panahon. Kahit na anong pigil ang gawin mo walang effect.
Sari-saring pagkain ang makikita mo. Andyan yung mga bagong ulam na pinagmamalaki at present din yung mga walang kakupaskupas na mga handa. Yung bang every year nalang alam mo kung ano ang dadalhin ng mga pinsan mo sa reunion.
Malamang lagi natin sinasabi, "sige titikim lang ako" pero wag ka, pagnasarapan babalikan tapos hindi titigilan. Ala sige, subo dito, subo doon. Dala lang kaya ng hiya o dala lang talaga ng katakawan? Wag ka nang mag-deny, hindi uso 'yon. Lahat naman tayo guilty ng a little gluttony during the holidays (tamaan na ng kidlat ang hindi pa rin aamin).
Kaya naman pag lipas ng ilan araw, parang ayaw na natin makakita ng mga mamantika, masarsa at masabaw na ulam. Di ba masarap naman kumain ng tuyo o daing? Tapos sasamahan mo ng fired rice, itlog, at sawsawan na suka. Naku naman, paano na tayo papayat niyan eh babanatan naman natin sa kanin?
Kulasa: Grabe, ang bigat ko na.
Kulas: Eh sino may kasalanan? Ayaw mong magpapigil kumain.
Kulasa: Eh sa mahirap pigilan.
Kulas: Tapos ngayon magrereklamo ka?
Kulasa: Paano naman, yung iba eh Pasko ko lang nakakain.
Kulas: Magtigil ka na 'dyan, pag-pasko lang.. huuu.
Kulasa: Di nga, bakit nagluluto ba tayo ng Lengua?
Kulas: Hindi, pero inoorder mo naman pag kumakain sa labas.
Kulasa; Iba iyon, not counted 'iyon.
Kulas: Pa not counted, not counted ka pa 'dyan.
Kulasa: Talaga naman ah.
Kulas: Bakit 'di ka ba kumakain ng kare-kare o lechon kahit hindi pasko?
Kulasa: Kumakain, pero iba nga 'yon.
Kulas: Ay naku, excuses, sabihin mo matakaw ka talaga.
Kulasa: Hindi ako matakaw!
Kulasa: Eh ano ang tawag mo sa iyo?
Kulasa: Hearty eater.
Kulas: Arte mo!