0

Flores de Mayo

Noon bata pa kami ni Sungit tuwang tuwa kami kapag Mayo.  Doon kasi sa tinitirahan namin lugar may Flores de Mayo.  Tuwing hapon pupunta kami sa simbahan, magsdadasal ng rosario at pagkatapos ng bawat mystery mag aalay ng bulaklak.  Ang daming batang napupunta.  Sus, pero hindi lahat ng andoon ay nagpupunta para magdasal.  Kaming mga bata mas gustong matapos agad ang rosario dahil sa dulo may pinamimigay na candy.  Parang loot bag.

Ang masaya doon ay yung naguunahan kayo sa pila, kasi minsan kulang yung loot bag.  Sayang yung paligo mo at pag bihis wala ka naman palang makukuhang candy. 

Kapag Sunday naman mas madami ang sponsor.  Maliban sa loot bag, may pabitin. Lahat ng mga bata dapat may bulsa ang suot, saan mo kasi ilalagy yung nakuha  mo.  Pagnahulog kasi iyon free-for-all na. 

Ngayon ko lang naisip, parang party pala noon yung Flores de Mayo.  May kantahan, may dasal, may loot bag, may pabitin, at mayoon din clown - well, sort of.  Siya yung matandang babaing parang alalay ng pari.  Wow men siya kung magbihis, as in hanep sa colors.  Favorite niya ay shocking pink at nakakapurgang purple - take note, hindi siya mestiza, use your imagination nalang.  Isa rin siya sa mga maswerteng biniyayaan ng dibdib.  

Siya rin kasi ang laging namamahala sa pagbigay ng loot bag.  Eh di parang clown nga!


Kulasa:  Kulas, alam mo ba yung Flores de Mayo?
Kulas:  Oo naman.

Kulasa:  Sa inyo ba may namimigay ng candy pagkatapos ng rosario?
Kulas:  Minsan.

Kulasa:  Minsan lang?  Kasi sa amin noon araw-araw may namimigay.
Kulas:  Sus, ginagawa lang iyon para madaming pumuntang bata.

Kulasa:  Oo nga ano!  Bakit di ko naisip yon?
Kulas:  Paano, walang laman yan utak mo noon kung hindi candy!

Kulasa:  Excuse me ha, nagdadasal din naman ako.
Kulas:  Ows? 

Kulasa:  Oo naman, may time nga naisip ko maging madre.
Kulas:  What!  Ikaw!

Kulasa:  Bakit naman, naisip ko lang naman.
Kulas:  'Di nga?  Talagang naisip mong pumasok sa convento?

Kulasa:  Yup, pero sandali lang 'iyon, passing fancy.
Kulas:  Anong nagyari, bakit nagpalit ang isip mo?

Kulasa:  Kasi nag try ako magbihis ng madre.
Kulas:  Ano?  Nagsuot ka ng damit ng madre?

Kulasa:  Hindi, naglagay lang ako ng tuwalya sa ulo.
Kulas:  Dahil lang doon ayaw mo ng mag-madre?

Kulasa:  Pangit kasi eh, para akong kalbo. 'Di bagay.
Kulas:  Yun lang?

Kulasa:  Tsaka, di ko type yung damit nila, alang style.
Kulas:  Ang arte mo naman.

Kulasa:  'Di naman. Parang hindi bagay sa akin yon vocation na iyon.
Kulas: Buti alam mo!

Kulasa:  Eh paano kung natuloy ako, eh di hindi naging tayo?
Kulas:  Yuck [with matching pucking effect], your so corny!

Kulasa:  Yabang mo! Tuwang tuwa ka naman.


0

Topic

Miss yo ko ano?

Kasi naman talagang abot tenga ang trabaho ko. Pag dating sa bahay ang dami pang gagawin. I know, being busy is no excuse not to update or neglect my blog. Pero sa toto lang, minsan hindi ko masulat dito ang pinauusapan namin ni Kulas. Dead give away kung baga.

So I made a decision, siguro naman hindi ako tatamaan ng kidlat kung may ibang issulat dito. Kung sabagay, lahat naman tayo may opinion. Lahat tayo may sariling pananaw sa mga bagay-bagay sa ating paligid.

Don't worry, mga kwento din naman ito.

So tuloy pa rin ang pagsusulat ko....
 

Kulas: O ano na nangyari sa blog-blog mo?
Kulasa: Eto - di ko nau-update.

Kulas: Sabi ko na eh.
Kulasa: Eh ang dami kong ginagawa.

Kulas: Sus.
Kulasa: Hindi nga.

Kulas: Ikaw talaga, pa-excuse-excuse ka pa!
Kulasa: Talaga naman madami.

Kulas: Pag weekend naman wala kang trabaho.
Kulasa: Ano? Eh yung mga gagawin ko sa bahay.

Kulas: Ngek!
Kulasa: Kasi .....

Kulas: Kasi ano?
Kulasa: Kasi wala naman akong masulat.

Kulas: Walang masulat? Yan daldal mong 'yan?
Kulasa: Grrrrrrrr.

Kulas: Ang dami-daming pwedeng isulat 'dyan.
Kulasa: Oo nga pero gusto ko tungkol sa atin.

Kulas: Bakit?
Kulasa: Wala.
0

Scripted

Mahirap ang buhay ngayon. Marami ang tumatanggap ng kahit na anong gawain basta maranggal - kahit maliit ang sahod. Pero sana pagbutihin naman ng iba 'dyan ang trabaho nila.

Isa sa mga nakakasira ng araw ko ay ang mga taong tatawag sa telephono na kapag kinausap ka ay para kang tuod?  Yung bang mga taong may nakahandang ng babasahin. OK lang sana kung may mga pause o huminga man lang sana sila pagkatapos ng ilan salita. Hindi eh. Tuloy-tuloy na parang machine gun ang bibig at parang buang na buang sila sa kanilang ginagawa.

Yung iba naman 'dyan parang mga frustrated na call center employees. Sa sobra pa-slang ng kanilang salita hindi mo na maintindihan. Bilib ako sa pagbaluktot ng kanilang mga dila!

Masyadong automatic, masyadong robotic ang dating. Kulang na lang yung echo sound effect. Yung bang parang nag sasalita ka sa loob ng lata ng Pringles. Walang feeling, paano ka naman mag-kakainterest sa kanilang offer, eh sila mismo parang hindi bilib sa kanilang sibasabi.

Hindi ko sinasabi na magaling akong mag english, o minalaliit ko sila. Kaya lang, magpakatotoo lang sana. Pinoy tayo, hindi natin kailangan magsalita na parang taga ibang basa. Lalo na pag-obvious, ang samang pakinggan.



Kulasa: Good Afternoon.
Wersh-wersh: Good moneng, can I spik to Miz Kulaza pliz  

                     [Moneng? Ano ako pusa? at can I speak daw? May I speak - mokong]

Kulasa: Yes?
Wersh-wersh: Is dis Miz Kulaza?

Kulasa: Yes, may I help you?
Wesrh-wersh: Well Miz Kulaza, wiwoodlaketoeenformyo dat yoheybbinprey-silected ba setibenk toebeaholder op awanukerd. Dizis toetelyotoe vecame amember... [vecame?]

Kulasa: Hello, I'm sorry I cannot understand you.
Wersh-wersh: Mem,
wiwood laketoe enformyo datyo heybbin prey-silected basetibenk toebea holderop awa nukerd. Dizis toetel yotoe vecame.... 

[ah, vecame talaga]

Kulasa: Excuse me, would you mind speaking a little slower, I really cannot understand you.
Wersh-wersh: Mem, becoz,
yo heyb bin prey-silected ba setibenk toe vecame a holder op awa nu kerd. Dizis toe tel yo..
[vecame ha, hindi ka na aabot sa susunod sa vecame mo.]

Kulasa
: I'm sorry, I still could not understand you [ha, hindi umabot sa vecame]
Wersh-wersh: Yes, mem, sorry mem,
yo heyb bin prey-silected by setibenk [benk, wow]

Kulasa: Excuse me [tuloy-tuloy pa rin si mokong] EXCUSE ME [sige, tuloy pa din], HELLO!!!
Wersh-wersh: Yes, mem.

Alam na ninyo ito... Pati kayo siguro natawagan na din. Iba-ibang offer, iba-iba script. Hindi ko na itutuloy kasi baka nag babasa ng blog ko si wersh-wersh, eh makilala pa ako.
Back to Top