0

Flores de Mayo

Noon bata pa kami ni Sungit tuwang tuwa kami kapag Mayo.  Doon kasi sa tinitirahan namin lugar may Flores de Mayo.  Tuwing hapon pupunta kami sa simbahan, magsdadasal ng rosario at pagkatapos ng bawat mystery mag aalay ng bulaklak.  Ang daming batang napupunta.  Sus, pero hindi lahat ng andoon ay nagpupunta para magdasal.  Kaming mga bata mas gustong matapos agad ang rosario dahil sa dulo may pinamimigay na candy.  Parang loot bag.

Ang masaya doon ay yung naguunahan kayo sa pila, kasi minsan kulang yung loot bag.  Sayang yung paligo mo at pag bihis wala ka naman palang makukuhang candy. 

Kapag Sunday naman mas madami ang sponsor.  Maliban sa loot bag, may pabitin. Lahat ng mga bata dapat may bulsa ang suot, saan mo kasi ilalagy yung nakuha  mo.  Pagnahulog kasi iyon free-for-all na. 

Ngayon ko lang naisip, parang party pala noon yung Flores de Mayo.  May kantahan, may dasal, may loot bag, may pabitin, at mayoon din clown - well, sort of.  Siya yung matandang babaing parang alalay ng pari.  Wow men siya kung magbihis, as in hanep sa colors.  Favorite niya ay shocking pink at nakakapurgang purple - take note, hindi siya mestiza, use your imagination nalang.  Isa rin siya sa mga maswerteng biniyayaan ng dibdib.  

Siya rin kasi ang laging namamahala sa pagbigay ng loot bag.  Eh di parang clown nga!


Kulasa:  Kulas, alam mo ba yung Flores de Mayo?
Kulas:  Oo naman.

Kulasa:  Sa inyo ba may namimigay ng candy pagkatapos ng rosario?
Kulas:  Minsan.

Kulasa:  Minsan lang?  Kasi sa amin noon araw-araw may namimigay.
Kulas:  Sus, ginagawa lang iyon para madaming pumuntang bata.

Kulasa:  Oo nga ano!  Bakit di ko naisip yon?
Kulas:  Paano, walang laman yan utak mo noon kung hindi candy!

Kulasa:  Excuse me ha, nagdadasal din naman ako.
Kulas:  Ows? 

Kulasa:  Oo naman, may time nga naisip ko maging madre.
Kulas:  What!  Ikaw!

Kulasa:  Bakit naman, naisip ko lang naman.
Kulas:  'Di nga?  Talagang naisip mong pumasok sa convento?

Kulasa:  Yup, pero sandali lang 'iyon, passing fancy.
Kulas:  Anong nagyari, bakit nagpalit ang isip mo?

Kulasa:  Kasi nag try ako magbihis ng madre.
Kulas:  Ano?  Nagsuot ka ng damit ng madre?

Kulasa:  Hindi, naglagay lang ako ng tuwalya sa ulo.
Kulas:  Dahil lang doon ayaw mo ng mag-madre?

Kulasa:  Pangit kasi eh, para akong kalbo. 'Di bagay.
Kulas:  Yun lang?

Kulasa:  Tsaka, di ko type yung damit nila, alang style.
Kulas:  Ang arte mo naman.

Kulasa:  'Di naman. Parang hindi bagay sa akin yon vocation na iyon.
Kulas: Buti alam mo!

Kulasa:  Eh paano kung natuloy ako, eh di hindi naging tayo?
Kulas:  Yuck [with matching pucking effect], your so corny!

Kulasa:  Yabang mo! Tuwang tuwa ka naman.


0 ang naki-chika:

May gusto kang sabihin?

Back to Top