0

Pagkain

Iba talaga ang Pinoy pag dating sa pagkain.

Hindi lang tayo masarap kumain, mahilig tayong kumain. Aminin na natin, mahirap pigilan ang gutom.

Ugali na din yata natin ang pagkwentuhan ang pagkain habbang kumakain. Hindi lang nga lahat ganito. Yung iba parang nauumay na kapag pagkain ang pinaguusapan. Pero ako, sabay kwento, sabay subo.

Pagkain at pagluto ay isa sa mga gustong-gusto kong pagusapan. Kahit wala akong masabi o ma-share, may natututunan ako. Hilig ko kasing magluto. Minsan masarap ang kinalabasan, minsan naman palpak.

Ang mga kamag-anak ko, sa side man ng tatay o sa nanay ko, ay mahilig magluto (at kumain). Kaya pag nag re-reunion kami, samu't saring ulam ang dala. Bawat taon may bagong inihahain sa mesa. Pag hit, hala, labasan na ng mga papel at ballpen at hihingin na ang recipe.

Miss ko na nga yung ibang kong pinsan na nasa malayong lugar. Pero kahit saan lugar sila ng daigdig, talagang luto at pagkain Pinoy pa din ang gusto nila. Salamat nalang sa technology at nakakausap at nakikita ko sila.

Siyempre, hindi mawawala sa usapan ang pagkain. Kaya naman pagkausap ko sila, kung ano-ano ang pinapakita ko sa webcam.

 


Kulas: Huy, ano ba 'yan?
Kulasa: He he.....

Kulas: Sino ba yan kausap mo?
Kulasa: Mga pinsan ko.

Kulas: Eh bakit galit 'ata.
Kulasa: Hindi, niiinggit lang yan.

Kulas: Bakit?
Kulasa: Pinakita ko kasi itong aratiles.

Kulas: He he.. Eto pakita mo.
Kulasa: Oo nga...

Kulasa: Kita 'nyo 'to? [sabay tapat sa webcam]

Bang! That did it for my cousins. Sus, kung buhay siguro ang tatay ng mga ito sinabon na ang mga bibig nila. Talagang makatanggal eardrum ang mga sinasabi. Bakit? Ano ba yon inabot sa akin ni Kulas? - wala lang, manggang hilaw at bagoong.

0 ang naki-chika:

May gusto kang sabihin?

Back to Top