0

Libro

Mahilig akong magbasa. Nakuha ko ito kay erpat. Isang damakmak na libro ang collection niya. Kung bibilangin, siguro mga apat na libong pocketbooks ang mayroon siya. Hilig ni erpat ay sci-fi. Sayang, sa lahat naman ng gusto kong basahin ito ang hindi ko na kahiligan. Bata pa siya bumibili na si erpat ng mga libro. Kaya naman dumating ang araw na nagkalagas-lagas na ang mga dikit nito. Aba, isipin naman ninyo, isang 30-year old na pocket book, matigas at makunat na ang pandikit.

Di nagtagal napagisipan na ni erpat na i-dispose ang mga libro niya. Yung mga matitino itinabi niya, yung mga iba ipinamigay o i-dinonate. Eh paano naman sa kalumaan naging totoo na yung topic - as in - "Man Walks in the Moon", "Flight in the Speed of Sound", etc.

Hindi naman nagtagal ako naman ang nagumpisang mag collect. Nagumpisa sa Nancy Drew (hardbound pa ito, na napamana ko na sa aking pamangkin). Unti-unting nagmahal ang libro. Sa kagustuhan kong marami ang aking basahin, bumibili ako sa 2nd hand booksale. Biro mo naman, sa halaga ng isang brand new na libro eh halos apat na ang mabibili mo!

Dito ako naka-discover ng mga bagong manunulat. Sari-saring istorya, sari-saring lugar, sari-saring opinyon at iba pa. Lumaki ang collection ko. Siguro nakaipon ako ng mga mahigit sa dalawang libong libro!

Dumating ang panahon na kailangan ko ng umalis sa bahay ng aking mga magulang. Nagempake ako ng mga libro. Lagpas tatlongpo na kahon! Sus - saan ko ito ilalagay? Ayung, unti-unti ko silang pinili.

Para sa akin, ang libro ay mga kaibigan. Andyan sila pag malungkot ka, pag nagiisa ka, pag buang na buang ka na at walang magawa, pag feeling matalino at intense ka. Hindi ka nila iiwanan. Sa kanilang mga pahina, may mapupulot kang magandang mga salita at talaga.

Masama sa loob ko na mawalay sa akin mga libro, pero wala akong magawa. Maliit lang ang kubo namin ni Kulas, so unless feel ko na mag mukhang obstacle course ang loob ng bahay namin - isa-isa kong silang ibinigay sa mga kaibigan at kamag-anak na alam kong mahilig din magbasa at alam kong aalagan sila.

Mabait naman si Kulas, pwede ko daw itabi ang mga favorite ko. Siyempre para akong sira at namili naman ako. Ngyek, inabot ang walong kahon - saan ko naman ilalagay ito? Pili nanaman si Kulasa hanggang tatlong kahon libro nalang ang natira.

Anong gagawin ko sa iba? Aba, di ako binigo ng aking mga kaibigan.

 


Kulas: At saan mo balak ilagay yan?
Kulasa: Ewan, bahala na.

Kulas: Pinili mo na ba yan?
Kulasa: Yup.

Kulas: Anong yup. Tignan mo nga, parang tren na na-derail ang itsura niyan.
Kulasa: Aayusin ko naman eh.

Kulas: Hindi yon, eh mas marami pa yan kahon ng books mo kaysa sa damit natin dalawa!
Kulasa: Hindi naman, itong mga ito lang ang tinira ko.

Kulas: Eh itong iba?
Kulasa: Ewan.

Kulas: Anong ewan? I-donate mo nalang sa library.
Kulasa: Ayoko.

Kulas: Fine, magandang pang ihaw yan.
Kulasa: Che.

Kulas: Eh paano, ito nalang kaya ang upuan natin sa salas at comedor.
Kulasa: Ang sarcastic mo naman!

Kulas: Alam mo naiintindihan kita, pero wala tayong lalagyan.
Kulasa: Alam ko, pero ayokong ipamigay ito basta-basta.

Kulas: Eh di ipagbili mo.
Kulasa: Ano?

Kulas: Benta mo, at least may balik.
Kulasa: Hmmmm.

Di nagtagal, me and my books parted ways. Dala nila ang aking pasasalamat sa mga naituro nila sa akin. Dahil sa kanila, may bagong akong gamit sa kubo namin.

0 ang naki-chika:

May gusto kang sabihin?

Back to Top