Hindi lang ako mahilig magbasa. Mahilig din akong manood ng TV. Ako ay isang self-confessed couch potato.
Cartoons, TV series... grabe. Nag umpisa sa Casper, Combat at Uncle Bob's Lucky 7 Club (sus, nabisto na yata kung gaano ako katanda!). Andyan ang mga sinundan na palabas - Bewitched, Star Trek, Chips, Charlie's Angels, Eight is Enough, tapos yung mga unag teleseryeng Dynasty at Knotts Landing. Sa cartoons ganoon din - basta Harvey Toons, Popeye, tapos pag Sunday Wonderful World of Disney! Pati basketball hindi ko pinalagpas - MICAA palang nanonood na ako (ahem - Yco fan ako noon, tapos Crispa).
Black and white pa ang TV namin noon, kaya naman ng makabili si erpat ng colored TV, talagang heaven na heaven ako! Hindi dahil colored ang palabas. Tuwang-tuwa ako dahil nilagay ni erpat yung colored TV sa kuwarto nila - eh di lahat ng akin mga kapatid doon nanonood, solo ko yung isang TV sa labas!
Noon maliliit pa kami, bawal sa amin ang manood ng Tagalog shows. Dahilan ni erpat, Tagalog na daw and usap sa bahay pati sa school dapat lang daw matuto kami ng wikang Ingles. Dahil bata pa kami, ni hindi namin naiisip kung discrimination ito o ano. Basta ang alam namin, pagnahuli kaming nanonood ng Tagalog sa TV, hindi ka pwedeng nanood ng TV ng ilang araw. Parang sintensiya sa bilibid ito para sa akin.
Siyempre pag bata ka gustung-gusto mong makaisa. Kaya naman binola namin ang aming mga yaya. Inaaya namin silang manood ng TV (hindi naman bawal sa kanila ang manood ng TV, hindi lang makakapal ang mukha nila na basta-basta silang gagamit noon). Anyway, pag dating ng hapon kasama namin silang nanonood ng mga lumang palabas ng cineng tagalog - mga gawa ng Sampaguita, LVN, etc. Pagdating ni erpat galing trabaho, dedma nalang kaming lahat. Hanggang ngayon hindi namin malaman magkakapatid kung alam ni erpat ang ginagawa namin. Si ermat kasi nasa bahay, although tulog siya kapag nanonood kami ng TV, imposible naman sa sa loob ng ilan taon hindi niya ito alam.
Ngayon may edad na kaming magkakapatid, napaguusapan namin ang aming erpat. In a way, tama siya. Natuto kaming mag salita ng Ingles ng tama. Yung mga kapatid kong may mga anak, ganoon din ang ginawa nila. Medyo binabantayan lang nila yung mga bata kasi ang daming kakaibang mga palabas ngayon. Dati may voilence nga pero hindi tulad ng napapanood mo ngayon. Pero tignan naman ninyo ang mga pamangkin ko, ang huhusay magsalita ng Ingles.
Minsan ang isang simpleng bagay malaki ang naitutulong.
Kulas: Anong lulutuin mo?
Kulasa: Gutom ka na?
Kulas: Hindi pa naman.
Kulasa: Anong gusto mong kainin?
Kulas: Kahit ano. Ano ba meroon dyan?
Kulasa: Madami.
Kulas: Tulad ng?
Kulasa: Hipon.
Kulas: Ano pa?
Kulasa: Gulay.
Kulas: Ito nalang.
Kulasa: Ano yan?.
Kulas: Tocino.
Kulasa: OK.
Kulas: Yan ang hirap sa iyo, pag natapat ka sa TV.....
Kulasa: Shhhh, sandali nalang!
Kulas: Ako nalang nga ang magluluto.
Kulasa: Sandali lang, tapusin ko nalang ito.
Kulas: Ano ba 'yan pinapanood mo?
Kulasa: Cooking show.
Hindi naman ako TV addict, hilig ko lang ang manood. Kung walang magandang palabas, eh 'di magbasa.
0 ang naki-chika:
May gusto kang sabihin?