Hello... hello.... hello people.
Hindi ako abogado, hindi din ako politiko. Hindi ako dalubhasa sa batas pero hindi din ako ganoon ka eng-eng.
May nabasa akong transcripts ng kontrobersyal na tapes. Kung saan ito hanggo - hindi ako sigurado. Kung totoo man ang mga nakasulat doon, hindi ko masasabi. Hindi ko pa nadidinig ang tape. Hindi nga ako sigurado kung alin ngang tape ang original.
Pero sigurado ako, na si GMA ang nasa tape.
Bakit?
Susmaryosep naman, kahit na itanong mo sa bata.
Di ba turo nga ating mga magulang, ating mga titser, ating mga barakada at best frens, ating mga kamag-anak, mga mahal sa buhay, pati na din mga lumang boyfren, gelfren, lalo na mga asawa - na kapag may kasalanan nagawa, tayo ay magpakumbaba at magpaumahin?
Di ba sabi ng mga lolo't lola natin na walang lihim na hindi nabubuking?
Di ba magandang ugali na mag so-sorry kapag may nagawang mali.
Di ba nag sorry si GMA?
Bakit?
Kasi ba sabi ni Bunye na boses niya yung nasa tape?
Kasi ba nagalit si Mrs. Poe (not once - but twice!)?
Hindi.
Bakit?
Obvious ba.
Kulas: Ano nanaman yan binabasa mo?
Kulasa: Transcript.
Kulas: Sus, tsismis naman.
Kulasa: Hindi ah, excerpts ng speech ni Mrs. Poe
Kulas: Ay sus, sabi na nga ba - cheap mo talaga.
Kulasa: Sira, ito yung napanood natin sa TV, yung galit na galit siya.
Kulas: Ikaw talaga, basta showbiz....
Kulasa: Ay naku, anong gusto mo, makinig ako sa mga politiko?
Kulas: Why not?
Kulasa: Naman, eh lahat yung feeling artista, lahat gusto bida.
Kulas: Fine, pero minsan may saysay naman sila.
Kulasa: Naku, no comment.
Kulas: No comment? Kita mo na, showbiz na showbiz!
Kulasa: Che!
Interesting read these excerpts. Pero tama si Kulas.... mahilig din ako sa showbiz.
0 ang naki-chika:
May gusto kang sabihin?