0

Taglish

Siguro naman walang magagalit kung paminsan-minsan Igles ang gagamit ko sa blog ko. Kasi naman, medyo hirap talagang mag Tagalog. Hindi ako bulol pero hindi naman ako makata. Sinusubukan ko lang gamitin ang salitang sariling atin pero minsan parang ang sagwa ng dating.

Ayoko naman magpanggap na magaling akong mag Tagalog, pero ayokong ma misinterpret. Kaya namangTaglish ang blog na ito. Hindi naman ito bawal - 'di ba?

Isa pa, nakakahiya - kasi baka mabasa ng mga kamag anak ko itong blog ko (not that they know I have one). Ang lolo ko kasi ay isang manunulat. May mga published books siya. Gumagawa siya ng mga tula, mga nobela, pati ang pag translate ng mga opera sa wikang Tagalog ginawa niya. Gumagamit siya ng mga salitang huhukayin mo pa sa lalim. Hindi ko nga alam bakit hindi ako nagmana sa kanya. Siguro kung buhay pa si lolo nabatukan na ako.

Pero kindi ako ganoon klaseng manunulat. I am just one simple person who feels the need to write and just enjoys sharing my stories. Although I may be anonymous to a lot of readers, that is my choice. Medyo mysterious and dating (ngyek). Alam ko naman kasi na madami diyan ang katulad ko.  Pwede nilang sabihin na "ay parang ako".


Limitado ang kakayahan kong magsulat sa wikang Tagalog. Limitado din ang kakayahan kong magsulat sa wikang Ingles. But I think I can make it work.

 


Kulas: Bakit ngayan ang mukha mo?
Kulasa: Paano ba i-spell ang Ingles?

Kulas: Anong Ingles?
Kulasa: Yung word na Ingles, isang G o dalawa?

Kulas: Isa.
Kulasa: Sigurado ka?

Kulas: Eh bakit ka sa akin magtatanong?
Kulasa: 'Di kasi ako sigurado.

Kulas: Sa blog mo nanaman 'yan ano?
Kulasa: Hmmmmp.

Kulas: Sabi na nga ba ... nangangamote si Kulasa.
Kulasa: Che! Mag search nalang ako.

Kulas: (a little later) O ano, isa or dalawang G?
Kulasa: Parehong meron eh.

Kulas: Ano ngayon gagawin mo.
Kulasa: Gagamitin ko yung isang lang ang G.

Kulas: Bakit?
Kulasa: Mas konti pag nag-type, and besides, pareho din ang pronunciation.

Kulas: Ay sus.
Kulasa: Tsaka, hahaluan ko na ng Ingles yung blog ko.

Kulas: Sabi ko na kasi....
Kulasa: Shhhhh....

Kakainis talaga pag tama si Kulas.
Kukulitin ako nito at lagi nalang paaalala sa akin. Grrrrrrrr.
Pero since tama siya, bakit naman ako magagalit.
Pag ako naman ang tama.... he he he

0 ang naki-chika:

May gusto kang sabihin?

Back to Top