0

HPHBP

Natapos ko ng basahin ang Harry Potter and the Half Blood Prince.

Isa ito sa mga librong tuwang-tuwa akong basahin. Nagumpisa sa simpleng kuwento, galing sa isipan ng isang simpleng babae. Ngayon, napakadaming bumibili at bumasa ng series na ito, Ngayon, ubod na ng mayaman na si J.K. Rowling.

Noon mabasa ko ang unang libro, tinawgan ko kaagadand si Sungit. I recommended the book for Bam-Bam. Pero sabi ko sa kanya na basahin niya muna para ma explain niya sa pamangkin ko. So medyo binigay ko yung background. Una ayaw niya pero hindi ko siya tinigilan. Binasa niya - ayun, kompleto ang collection ng pamangkin ko, hardbound pa! (pati itong bago - ibibigay daw niya sa Pasko!)

Namangha ako sa sumulat. Paano niya naiisip ang mga salita at kuwento. Ang husay. Pag ako'y nagbabasa, yung istorya ang pinagtutuunan ko ng pansin. Kung paano naiisip ng tao at kung ano ang mga issues na lumalabas tungkol sa kanya, wala akong paki. Basta pag maganda ang kuwento, ok na sa akin 'yon.

Tulad nalang nitong sumulat ng HP. Aba, andiyan yung ibinagbabawal sa school, na witch daw siya. Para sa akin, dedmahin ko lang ito. Tutal, ang binabasa ko ay ang kuwento niyang ginawa - hindi ang biography niya. Mababaw siguro ang tinggin ng iba diyan sa akin. Pero sa dinami-dami naman ng dapat ninyong asikasuhin, hindi na dapat pakialaman ang buhay ng iba. Kaya nga fiction eh - period.



Kulasa: Day off ako ngayon ha.
Kulas: Ngayon? Eh Sabado, wala ka naman talagang pasok.

Kulasa: Hindi, dito sa bahay.
Kulas: Ano?

Kulasa: Magbabasa ako.
Kulas: The whole day?

Kulasa: Medyo.
Kulas: Ako ang magluluto, ganoon ba?

Kulasa: Hindi, nagluto na ako, iinitin nalang.
Kulas: Fine, eh hapunan.

Kulasa: Done.
Kulas: Naku, ano ba yan babasahin mo.

Kulasa: Harry Potter.
Kulas: Putaragis na Harry Potter na 'yan.

Kulasa: Minsan lang naman eh...
Kulas: Sya-sya.

Kulasa: OK lang?.
Kulas: No problem, baka i-hocus-pocus mo pa ako.


Kayo ba ay nakakapag day-off from your house work?   Dapat minsan bigyan ninyo ng panahon ang sarii ninyo. Do what you enjoy doing, at least for a day. It's really better if you have an understanding husband, better yet, kung bibigyan ninyo din sila ng day-off.

0 ang naki-chika:

May gusto kang sabihin?

Back to Top