0

Palamuti

Pagkakabit namin ni Kulas ng ilaw, oras na para itayo ang Christmas tree at maglagay ng mga Christmas ek-ek sa bahay. Yung ibang Christmas ek-ek di na magamit. Nabasa pala yung isang kahon at yung mga laman at nagkahalo-hao yung kulay. Kaya yun basurahan namin ang unang naglagyan ng Christmas decoration.

Taon-taon bumibili ako ng konting bagong decoration. Pang mesa, pang Christmas tree. Pero bakit kaya taon-taon parang kulang ang palamuti sa bahay? Kung si Kulas mahilig bumili ng Christmas lights, ako naman mga Christmas ek-ek. Nakakasawa kasi yung bawat pasko pare-pareho nalang ang nakikita mo. Lalo ngayon bagong lipat kami, eh di hindi na bagay yung ibang decoration. Kaya naman ng mailagay ko na sila sa kanya-kanyang lugar, parang may kulang. In short, may reason ako ngayon para mamimili [yey!].

Anyway, medyo tama si Kulas, maarte nga akong maglagay ng mga decorations. Nakailan palit, ikot, lipat ang ginawa ko sa mga gamit. Pero I have a feeling it will not end here. Kasi kung bibili ako ng bagong decoration, siguradong mag me-merry-go-round nanaman ang mga gamit sa kubo.



Kulas: Di ka pa ba tapos?
Kulasa: Konti nalang.

Kulas: Buong araw ka na 'dyan ah.
Kulasa: Eh kailangan tama yung effect.

Kulas: Effect? Ang OA mo talaga.
Kulasa: Aba, dapat yung makikita ko gusto ko yung dating.

Kulas: Kanina ka pa paikot-ikot 'dyan.
Kulasa: Kasi nga [stress on the nga]!

Kulas: Nahihilo na ko sa 'yo.
Kulasa: Over ka.

Kulas: Medyo kulang ng red yan mga dahon na yan.
Kulasa: Wala na nga akong malagay na pandagdag.

Kulas: Ayan ang dami pa 'dyan.
Kulasa: Hindi bagay.

Kulas: Anong hindi, eh yan ang magkakasama last year.
Kulasa: Last year 'yon.

Kulas: Eh ano naman?
Kulasa: Basta, hindi maganda.

Kulas: Kulang ng bola 'dyan, at dito, at dito.
Kulasa: Ano ka ba, kung kulang eh di dagdagan mo.

Kulas: Huuuu, sya-sya, mamimili na.
Kulasa: Talaga? Kelan? Bukas?

Matipid naman akong tao. Di naman ako ganoon ka ambisyoso na ubod ng ganda ng palamuti sa bahay. Ang gusto ko lang, maayos at maganda. Kayo ba?



0 ang naki-chika:

May gusto kang sabihin?

Back to Top