Hay naku. Pagkatapos ng muntik na namin pagaway ni Kulas sa paglipat ng computer at pagbili ng alambre, eto, nagloko. Ewan ko ba, bigla nalang nawawala yung screen, sinusumpong. Grabeng viral infection ang nangyari sa akin laruan. As in, tipo bang batang iyak ng iyak na hindi mo maintindihan kung ano ang masakit. Ilan araw ko din pinagtiyagaan. Minsan inis na inis na ako at hindi ko talaga makita kung saan nagtatago yung virus. Hanggan isang araw iniwan ko siya dahil hindi ko na talaga malaman kung ano ang gagawin. Yung bang panahon na gusto mong sipa-sipain yung laruan mo kasi hindi talaga gumagana.
Muntik na akong umayaw talaga. Buti nalang andyan yung akin utol si Indio. Magaling siya - agaling mang asar. Kaya sinubukan ko ulit at hindi ko tinigilan. He he, hindi lang antibiotic ang tumama sa virus, samahan mo na ng injection at bakuna. Sana naman pag sininat ulit itong laruan ko eh hindi na mag kukumbulsyon! Subukan lang niya, hindi ko siya dadalin sa ospital, sa junk shop ang tuloy niya!
Kulas: Kuls, anong ginawa mo sa computer?
Kulasa: Bakit?
Kulas: May topak.
Kulasa: Anong topak?
Kulas: Parang ikaw, hindi maintindihan ang gustong gawin.
Kulasa: Patingin nga [nag-check ng screen] - Naku, ano yan!
Kulas: Malay ko, kung ano-ano kasi ang pinaglalagay mo 'dyan.
Kulasa: May virus daw, i-scan mo nga.
Kulas: Nag scan na ako pero ganito pa din.
Kulasa: Ano pa ginawa mo?
Kulas: Wala, upakan mo pa ko. [with matching taas ng kilay]
Kulasa: Siguro kung saan-saan ka na naman na surf.
Kulas: Paano nga ako mag-su-surf, eh nag-shu-shut down itong mag-isa.
Kulasa: Nyeta, anong gagawin natin..
Kulas: Natin? Ikaw ang mag ayos nito, baka may ibintang ka sa akin!
Kulasa: Over ka, hindi naman ako ganoon.
Kulas: Really? [hindi siya sarcastic ano?]
Pagkatapos ng ilang lingo.
Kulas: O ano na? Sira pa ba yan?
Kulasa: Ewan ko ba. Ginawa ko na lahat ng alam ko, ganoon pa din.
Kulas: Tawagan mo si Indio, baka maykatulong.
Kulasa: Ayoko, sasabihin lang noon eng-eng ako.
Kulas: Ayaw mo wag, hindi mo magagamit 'yan
Kulas: O bakit mukhang Biyernes Santo ang nguso mo.
Kulasa: Tinawagan ko si Indio.
Kulas: Ano sabi?
Kulasa: Wala.
Kulas: Wala? 'Di nga, anong sinabi.
Kulasa: Wala nga, pinagtawanan lang ako!
Kulas: 'Yun lang pikon ka na. [tatawa-tawa pa!]
Kulasa: Isa ka pa, baka ibato ko ito sa iyo.
Kulas: Wag naman, wala kang pamalit 'dyan.
Kulasa: Grrrrrr. Basta hindi ko to titigilan hanggan maayos ko ito.
Kulas: Sige, husayan mo. Bibilib ako sa iyo pag naayos mo 'yan.
Ngayon ---- bilib na yata sa akin si Kulas.
0 ang naki-chika:
May gusto kang sabihin?