Ay naku. Hindi ako nakapag post ng ilan araw. Kasi si Kulas inilipat yung computer. Dati nasa kuwarto namin. Pero talagang hindi maganda. Pag may mga gustong gumamit kailangan papasok sa kuwarto, kaya nag agree kami na labas ito.
Mayroon na akong gustong lugar na lagyan ng computer, pero si Kulas, kung saan saan gustong subukan ilagay. Pinagbigyan ko naman. Una nilagay sa tabi ng radio. Pangit. Kasi mas malaki yung mesa ng computer. Tapos nilipat namin sa malapit sa sala. Pangit pa rin. Paikot-ikot sa bahay. Akala ko nga sa kusina ilalagay ni Kulas - buti na lang hindi. Imagine, ano nalang itsura ng monitor pag natalamsikan ito ng mantika habbang nag pri-prito!
Pakiramdam ko hindi ako ang nahilo, kung tao lang itong computer, nagreklamo na rin ito.
Sa wakas, nag-compromise na si Kulas, nalagay din siya kung saan ko gusto. Yun lang nga, malayo sa linya ng telepono. Kaya kailangan pa namin bumili ng mahabang wire para ma-ka connect sa internet. Yun lang nga, medyo natagalan si Kulas sa pagbili, kaya ako natagalan mag post.
Kulasa: Nakabili ka na ng wire?
Kulas: Hindi pa.
Kulasa: Bakit??
Kulas: Ang dami ko kasing ginawa.
Kulasa: Hmmmp. Eh paano ako gagamit ng internet?
Kulas: Eh di ikabit mo muna dun sa isang linya.
Kulasa: Ano? Eh ang layo ng noon.
Kulas: Ilapit mo yung mesa.
Kulasa: Nagpapatawa ka?
Kulas: Hindi, seryoso ako.
Kulasa: Sira ka pala. Eh di nasa gitna ng dinning room yun.
Kulas: Eh ano, pansamantala lang naman.
Kulasa: Ayoko.
Kulas: Pwede naman, aabot itong wire na ito o.
Kulasa: A-YO-KO [read my lips]. Basta bumili ka na.
Kulas: Sarado na ang hardware. Bukas nalang.
Kulasa: Basta bukas bibili ka ha, promise.
Kulas: Para ka naman naglilihi.
Kulasa: Eh kasi hindi ko ma-u-update ang blog ko.
Kulas: Minsan lang naman 'yun.
Kulasa: Sige, susulat ko ikaw ang may kasalanan.
Kulas: Ako?!
Kulasa: Yup, sasabihin ko lang naman na ikaw ang cause of delay.
Kulas: 'Sya sya, bukas.
Kulasa: Thank you [with matching beautiful eyes effect].
Kulas: Hoy di bagay sa yo yan, para kang ewan.
Nakabili si Kulas ng wire. Kinabit na niya kanila, kaya tuwang-tuwa ako sa kanya. Pinagluto ko siya ng favorite niyang ulam. Busog na busog si Kulas. Masaya siya. Hindi niya alam kung ano ang nasa blog ko ngayon [he he].
0 ang naki-chika:
May gusto kang sabihin?