Hindi naman ako si Maria Clara.
Kaya lang pag naririnig ko yung mga balitang tungkol sa mga babaing nag posing sa Baywalk nang-gigigil talaga ako. Pictorial daw, pictorial my foot. May wrap naman daw sila. Wrap? Kapote! Buti sana kung kapote ng bumbero ang suot-suot nila pero grabe ala-cellophane sa nipis. Isa pa, may pa-flower-flower pa sila - to cover their vital parts. Maraming salamat ha.
Lahat naman ng taong andoon halos maputol na siguro ang leeg kakasilip. Pati mga batang paslit. Ayun, nagka buhol-buhol ang traffic. Pasalamat sila at di ako doon dumadaan.
I do not want to discuss morality or decency. Everyone is entitled to their own opinion. I just want to say my piece.
There is a fine line between what is artful and what is trashy. Sa kanila, the usual, nakakasawang, proverbial excuse - "for Art's sake". Art's sake my foot - foot*ng na 'nyo!
Kulas: O ano nanaman 'yan? Nang gagalaiti ka nanaman.
Kulasa: Panoorin mo itong nasa news.
Kulas: Tungkol?
Kulasa: Yun mga chika-babes na nag pictorial daw sa Baywalk.
Kulas: Ano, inalon?
Kulasa: Hindi. Eh halos hubot-hubad na.
Kulas: Nyeta 'ano.
Kulasa: Ayun, nag-traffic sa Manila.
Kulas: Tapos.
Kulasa: Hinuli sila, kinulong, tapos pinakawalan din.
Kulas: Patingin nga. [sabay tabi at uupo sa silya kung saan ako andoon]
Kulasa: Kulas! Baka bumigay ang silya.
Kulas: Hoy, excuse me - pwede 'dyan hanggang 250 lbs.
Kulasa: Bakit? Ano akala mo sa akin 20 lbs?
Kulas: Unggoy! [sabay patay ng TV]
0 ang naki-chika:
May gusto kang sabihin?