0

Cholesterol

Bakit pag Sunday madalas masarap ang pagkain? Kahit na dalawa lang kami ni Kulas sa bahay, we make it a point na pag nasa kubo ng Linggo, eh medyo masarap ang kakainin. 'Yun lang nga, minsan ang nakakain natin food eh hindi nga naman healthy - and we are all guilty  
[tamaan na sana ng kidlat ang hindi umamin!]

  Tulad nalang ng kinain namn ni Kulas today. Roast pork for lunch [with matching cranberry sauce 'say mo!], hotcake sa merienda, at chicharon bulaklak and roast pork ulit [as in replay, ininit] sa hapunan. Sa totoo lang, binusog ko si Kulas ng hotcake para 'di na kumain ng madami sa gabi.

'Di ba nakaka-guilty 'yon. Can you just imagine the amount of cholesterol! Masama sa katawan, pero ang hirap pigilan ng sarili. Lalo na pag malutong yung chicharon tapos sasawsaw mo sa suka - grrrrr.

Na-guilty talaga ako ng buksan ko yun ref para initin yun ulam. Over sa sebo! Siguro naman madali ninyong ma-imagine ang itsura ng mantikang tulog. Ito ang dahilan kung bakit bukas, gulay ang kakainin namin ni Kulas!


Kulas
: Kuls, ano ulam? [as in 5:30 palang, kakakain lang ni Kulas ng hotcake]
Kulasa: Ulam? Gutom ka na?

Kulas
: Hi-hindi naman, tanong lang ako [huuu - sinungaling!]

Kulasa:
Wala tayong ulam [with conviction effect 'ba] .
Kulas: Anong walang ulam!? [panic mode si Kulas]
Kulasa: Wala, as in none, zero, nada - wala.

Kulas: Tignan mo laman ng freezer. [uy, nangigigil]
Kulasa: Walang laman ang freezer [period]

Kulas: Meron! [siya naman ang may conviction effect]
Kulasa: Wala! Hindi naman tayo nag-supermarket eh.

Kulas: Labas mo yung liempo.
Kulasa: Anong liempo? [ngyek!]

Kulas: Yung nasa lalagyan na bilog, nakatimpla na 'yon.
Kulasa: Wala tayong liempo.

Kulas: Meron! Pwede ba buksan mo yun freezer. [papunta na si Kulasa sa ref]

Kulas: Nga pala, yun freezer, yan yung maliit na pinto sa loob ng ref.
Kulasa: Alam ko kung ano ang freezer!


Kulas: Di mo kasi binubuksan kaya di mo alam ang laman.
Kulasa: Di mo kasi binubuksan kaya di mo alam ang laman
[pabulong syempre].
 

Kulas: Ano 'yon?
Kulasa: Wala....


Kulasa: Alin dito?
Kulas: 'Yun lalagyan na bilog.


Kulasa: YUK! Ano ito! [pagkabukas ng lalagyan]
Kulas: Patingin nga. E pang chicharon bulaklak 'yan.
 

Kulasa: Wow! [medyo nakakalaway naman talaga eh]
Kulasa: Eto pala yung liempo [after making kalkal the freezer]
 

Kulas: Wag nalang, ito nalang chicharon. Initin nalang natin 'yun roast pork.
Kulasa: Ikaw, kung ok lang sa 'yo [pa-concern effect pero happy na 'di magluluto]

Kulasa: Luluto mo ba lahat 'yan?
Kulas: ANO!? Baka gusto mong di ka na magising bukas!


Kulasa: Nagtatanong lang naman.
Kulas: Manood ka na lang nga ng TV, ako na bahala dito.

Kulasa skips off to sit down and watch TV while drinking coke and making yosi. Kulas was left sweating ang fighting over the tumatalamsik na mantika at the kitchen. GO KULASA!


0 ang naki-chika:

May gusto kang sabihin?

Back to Top