Kulasa : Kulas, halika dito. Tignan mo yung blog ko!
Kulas : Hmmmm. [sabay suot ng salamin]
Kulasa : OK ba?
Kulas : Ok naman. Eh bakit yung ibang blog may mga picture, may mga nakalagay sa tabing iba-iba.
Kulasa : Pag-aaralan ko pa. Pero pwede na muna ito.
Kulas : Parang ang liit ng font. Ang hirap basahin.
Kulasa : Kasi mahaba tignan. Pagmarunong na ako iibahin ko yan.
Kulas : Kailan kaya ‘yon?
Kulasa : Ewan. Pero pwede na ‘di ba?
Kulas : Sige, pagpatuloy mo ‘yan.
Kulasa : ‘Di nga, ok ba? Ano?
Kulas : OK nga!
Bilib talaga ako sa patience ni Kulas sa akin. May kakulitan kasi ako. Madalas madaldal, matanong. Minsan tamad, minsan masipag. Although sometimes I get to his newves and he really gets exasperated, thus his favorite expression – “Sya-sya”.
Ha! Nakapag-post din ako! Pero, mahirap palang magpaganda ng blog.