Pag napupunta kami sa supermarket di ko mapigilan ang maii-nis minsan. 'Di lang kay Kulas, pati na din sa mga ibang taong na parang walang pakialam sa mundo.
Kasi si Kulas, gusto n'yan alam mo na ang bibilin mo. Tipo bang pag dating mo sa supermarket naka-map na ang route mo base sa mga bibilhin mo. Ayaw niyan ng masyadong matagal. 'Di ko naman alam kung bakit siya naii-nip. Bakit ba karamihan ng mga lalaki pag dating sa pag shopping o sa pamamalengke laging nagmamadali, parang sinisindihan ng lighter ang mga wetpaks.
Ako kasi, kahit na may listahan ako ng dapat kong bilhin, ugali ko talaga na dadaanan ko ang bawat aisle, bawat kanto, bawat tambak. Paano kung may nakalimutan akong isulat sa listahan o kaya may naiisip akong bagong lulutuin, o kaya may bargain?
Ang pinang-gigigilan ko naman kay Kulas ay yung lagay ng lagay ng mga ek-ek sa cart. Tapos di naman pala bibilhin at isasauli din sa shelf. Grrrrrrrr.
At least si Kulas nagsasauli sa tamang shelf. Bilin na bilin ko 'yon sa kanya kasi naiinis ako doon sa mga taong kukuha ng delata tapos iiwan sa lalagyan ng mga sabon! O kaya yung bang pindot ng pindot ng mga gulay o prutas, 'di ba nila alam na nalalamog 'yon? Sila kaya ang pakainin ko ng bugbog na pipino.
Yung iba naman, pinagagalitan yung mga anak nila kasi may gustong pabili. Tipo bang nag-aalburoto na yung bata at may ipinipilit sa nanay. Hindi naman masama na isama nila yung mga bata pero as a responsible parent dapat kausapin nila yung mga anak nila bago umalis ng bahay. Sabihan nila na wag magpipilit bilhin ang lahat ng gusto. Hindi maganda kasi yung papaluin, awayin, o pagagalitan yung bata sa supermarket. 'Di ko nga alam kung kanino ako maaawa, sa nanay o sa bata. Kasi minsan pareho ko silang gustong upakan.
Lately, isa pang naiimbiyerna ako, ay yung mga batang naka suot ng rubber shoes na may gulong. Ay naku. Kung hindi lang talaga masama ang manumpa, marami na akong nasabihan ng - makabangga ka sana ng mababasagin.
Hindi pangit bumili nito sa mga bata. Pero dapat alam nila kung saan ito tamang gamitin. Wag naman nilang gawin isang malaking skating rink ang buong Pinas.
Kulas: Bakit ka iingkad-ingkad.
Kulasa: Bwisit kasi yung bata, sinagasaan yung paa ko.
Kulas: Nasagasaan ng ano?
Kulasa: Ng sapatos niya!
Kulas: Wag mong sabihin pinatulan mo yung bata?
Kulasa: Hindi, gusto mo 'kong ma-Bantay-bata?
Kulas: Eh ano ginawa mo.
Kulasa: Kinausap ko yung nanay.
Kulas: Kinausap mo o tinarayan mo?
Kulasa: Sinabi ko lang naman kung anong nagawa ng anak nya.
Kulas: Tapos [natatawa].
Kulasa: Wala. Yun lang.
Kulas: Tigilan mo nga ako. Kung kilala kita, itnakot mo pati nanay.
Kulasa: 'Di naman ako terrorista.
Kulas: Huuuuuu.
Kulasa: Halika ka na, matapos na ito, masakit ang paa ko.
Kulas: Baka lagnatin ka! Sandali lang tayo dito?
Kulasa: Che! Masakit na paa ko.
Kulas: Wala na 'kong sinabi [tatawa-tawa pa].
Kulasa: Wag kang tatawa-tawa 'dyan, baka gusto mong apakan ko yan paa mo!
0 ang naki-chika:
May gusto kang sabihin?