Three Kings
Naniniwala ba kayo kay Santa Claus? Noon maliliit pa kami, may Three Kings pa kami noon.
Pero ang sabi ni erpat, hindi mayaman ang Three Kings, kaya ang mga laruan hindi mahal. Isang gift lang galing sa kanilang lahat ang matatangap mo - pag mabait ka. Pag salvaje ka, bato ang bibigay sa iyo [ilan bato na din ang natanggap ko].
Kaya every Three Kings, nilalagay namin ang mga sapatos namin sa may bintana [siyempre bago, pang-Pasko] . Tapos, lalagyan namin ng damo - para sa mga camel. Of course, 'di dapat malimutan yung may dala ng gift! Tatlong platito na may biscuit at tatlong bote ng Cosmos [yes, as in Sarsi, in bottles - di pa kasi uso ang in can].
Sungit: Kulasa, may Three Kings ba talaga?
Kulasa: Meroon. Bakit? 'Di ka naniniwala?
Sungit: Naniniwala, eh 'di wala akong natanggap na gift!
Sungit: 'Di kaya sila erpat lang 'yon?
Kulasa: Bakit mo naman naisip 'yan?
Sungit: Kasi isa lang yung gift natin.
Kulasa: So? [leaves Sungit thinking - di nga naman kuripot sila erpat]
Sungit: Eh bakit nga isa lang regalo natin, eh tatlo sila?
Kulasa: Kasi nga poor sila.
Sungit: Poor ? 'Di ba King sila?
Kulasa: May kotse ba sila?
Sungit: Wala.
Kulasa: May sled ba sila?
Sungit: Wala.
Kulasa: Yung 'bang camel nila may ilaw sa ilong?
Sungit: Wala.
Kulasa: Kitam, wala nga silang pambili ng ng pagkain.
Sungit: Kaya ba iniiwanan natin sila ng biscuit?
Kulasa: Yup, pati nga camel nila gutom na gutom.
Sungit: Kawawa naman. Tapos damo lang iniiiwan natin [ma-iyak-iyak]
Kulasa: Isipin mo nalang ito.
Sungit: Ano? [pasinghot-singhot sa awa sa camel]
Kulasa: Paano uubusin ni erpat ang tatlong boteng Cosmos?
Sungit: Ahhh, oo nga.
Later in life, nalaman ko ang secreto at ang gamit ng basyong bote.
0 ang naki-chika:
May gusto kang sabihin?