Writer’s Block

Kulasa : Kulas, tulong. Wala akong mailagay sa blog ko.

Kulas : Yan daldal mong ‘yan wala kang maisulat?


Kulasa : Sige na, bigyan mo ako ng topic?

Kulas : Eh di magsulat ka tungkol sa binasa mong libro.


Kulasa : Ayoko noon. Para naman high school, magsusulat ng     book report.

Kulas : Ga*a, book review.
Kulasa : Ayaw. Tsaka na ‘yon. Iba nalang.

Kulas : Sulat ka tungkol sa ginawa mo sa office.
Kulasa : Ayoko non. Baka matanggal pa ako sa trabaho.

Kulas : Tungkol sa pagluto. Mga receipes.
Kulasa : Later na ‘yon. Para today lang.

Kulas : Ano ba ‘yan. Dapat ba araw-araw may bago?
Kulasa : Di naman, pero mas maganda kung updated yung blog mo.

Kulas : Updated? Ikaw? Eh yung checkbook mo nga buwanan mo ina-update.
Kulasa : Iba yon!

Kulas : Sulat ka tungkol sa pamilya mo.
Kulasa : Wag muna.

Kulas : Sulat ka tungkol sa hobbies mo.
Kulasa : Corny!

Kulas : Sulat ka tungkol sa mga angst mo.
Kulasa : Wag nga munang ganoon. Pag napagararal ko kung paano mag laygay-lagay ng mga topics doon ko uumpisahan yon.

Kulas : Eh, anong gusto mong isulat?
Kulasa : Wala nga akong maisip kaya nga tinatanong kita.

Kulas : Ang dami ko ngang na-suggest puro ayaw mo naman.
Kulasa : Eh kasi sa future posts ko yan balak ilagay, ‘di muna ngayon.

Kulas : Sulat ka tungol sa mga kaibigan mo.
Kulasa : Wag ‘yon.

Kulas : Sulat ka tungkol sa akin.
Kulasa : Bakit? [sabay taas ng kilay]

Kulas : Eh, wala na akong maisip na topic na pwede mong isulat.
Kulasa : Ang daming topic na pwede mo i-suggest.

Kulas : Tulad ng?
Kulasa : Kaya nga ako nagpapatulong, wala akong maisip.

Kulas : Sumulat ka tungkol sa mga Nanay at Tatay mo.
Kulasa : Wag muna – baka maiyak pa ko.

Kulas : Mag surf ka kaya muna, para makahkuha ka ng idea.
Kulasa : Ayoko, baka sabihin gaya-gaya lang ako.

Kulas : Sa dinami-dami naman ng blog siyempre may topic na magkahawig.
Kulasa : Oo nga, pero gusto ko medyo kakaiba ang dating ng topic ko ngayon.

Kulas : Isulat mo kung paano umaandar ang electric fan.
Kulasa : Ano naman malay ko ‘don!

Kulas : Magsulat ka nalang ng kahit ano.
Kulasa : Eh wala nga akong maisip.

Kulas : Eh di isulat mo na wala kang maisip na isusulat.
Kulasa : Galing mo talaga! [sabay smile]

Kulas : Ano?
Kulasa : Susulat ako na wala akong maisip na maisulat.
Kulas : Ang gulo mo!
Back to Top