Adventure No. 2
Itutuloy ko yung kwento ko tungkol sa ibang bahay na tinignan namin ni Kulas. Ito yung bahay na napakaraming dwende sa garden. Baka akala ng iba 'dyan may third eye ako - wala ha. Ang mga dwendeng ito ay gawa sa cemento.
Harap pa lang ng bahay dwende na kaagad ang haharap sa iyo. Pagpasok mo may mga dwende na nasa slide. Tatlo ang pababa, may isang paakyat, at yung isa naman mukhang kabababa lang. Meron pang dalawa na patakbo sa hagdan ng slide.
Pag liggon mo, mga dwendeng na nag-ri-Ring-Around-The Rosey. Di naman umiikot. Pero lahat nakatawa. Meron ngang isa humahalakhak, tipong kita na ang tonsils sa tuwa.
Pag tinggin mo sa kabila - dwede pa din. Para silang isang barkadang dwende na nakatambay sa kanto. Mayroon nasa ibabaw ng mushroom - nag-gui-guitara pa! Tapos yung iba nakaupo, pakanta-kanta effect. Parang mga lasing. Yung iba naman sa paligid, nagsasayaw - pero mukha silang kasali sa Statue Dance na may kasisigaw lang ng STOP!.
Pagikot mo - dwende? EEENG, hindi, isang pamilyang kuneho [as in rabbit]. May Father Kuneho, Mother Kuneho, and may tatlong baby Kuneho. 'Wag ka, hindi sila ornidaryong kuneho, titanic sila. Ang lalaki! Ngayon lang ako nakakita ng mga kuneho na kahos kasing laki ko yung Mother Kuneho.
Kulas: Ito na yata yung bahay.
Kulasa: Kulas, tignang mo yung garden, may dwende.
Kulas: Baka yan ang may ari. Magandang hapon po. [sabi ni Kulas sa dwende].
Kulasa: Ano ka ba, hindi yan, ito. Magandang hapon po [sabi ko naman doon sa isang dwende].
Magandang hapon naman!
Sabay kaming napatayo ni Kulas. Kasi akala namin nagsalita ng yung dwende, yun pala yung bantay ng bahay. Muntik na kaming magtawanan sa reaction namin. Buti nalang napigilan. Buti nalang din hindi mukhang dwende yung bantay.
Kulasa: Ano ba 'to, puro dwende. Pati dito sa garden sa loob.
Kulas: Mali ka 'dyan. Tinggin ka dito.
Kulasa: It's the Kuneho Family! ['ala Family Feud effect].
Kulas: Shhhhhh.
Kulasa: OK lang kaya kung upuan ko yung isang baby kuneho?
Kulas: Magtigil ka nga 'dyan.
Kulasa: Sige, kunan mo nalang ako ng picture katabi si Father Kuneo.
Kulas: Isa....
Kulasa: Bakit kaya ang daming dwende dito?
Kulas: Baka fan sila ni Dobbie [sa Harry Potter 'ba]
Kulasa: He he he [sarcastic laugh].
Kulas: Baka si anak sila ni Snow White.
Kulasa: Sira, si Prince Charming ang napang-asawa noon.
Kulas: Eh di nasinggitan sya ni Doc.
Kulasa: Ngyek. Ngyek. Corny mo. Di ka nakakatawa.
Kulas: Baka anak sila ni Mother Kuneho.
Kulasa: Ano?
Kulas: 'Di mo ba alam na ang kuneho madami mangganak.
Kulasa: Eh, bakit wala isa sa kanila mukhang kuneho.
Kulas: Eh bakit lahat ng sumbrero nila may parang buntot ng kuneho sa dulo.
Kulas: Alam ko na....
Kulasa: Tama na, ayoko na.
Kulas: seven...eight...nine...ten...eleven
Kulasa: Anong ginagawa mo?
Kulas: Binibilang ko yung dwende.
Kulasa: Magtiggil ka nga. Uwi na tayo. [sabay hila kay Kulas na tatawa-tawa]
0 ang naki-chika:
May gusto kang sabihin?