Kulasa: Kulas, halika tignan mo, may nag comment sa blog ko!
Kulas: Ano sabi - may violent reaction ba?
Kulasa: Hindi ahh. Eto basahin mo [shows Kulas the comment].
Kulas: Eh bakit ngayon mo lang nalaman na may comment.
Kulasa: Kasi yun mga unang post ko 'di ako nag allow ng comments.
Kulas: Bakit?
Kulasa: Basta. Parang nakakahiya.
Kulas: Pagkatapos mong iladlad yung mga ka-ek-ekan mo?
Kulasa: Eh, kasi nga di ko alam kung ok itong ginagawa ko.
Kulas: Eh paano mo malalaman kung walang comments?!
Kulas: Paano mo nga nalaman na may comment?
Kulasa: Sabi ni Bulak.
Kulas: Ni Bulak? Paano niya nalaman na may comment?
Kulasa: Eh di binasa niya yung blog. Alangan may bumulong sa kanya.
Kulas: Akala ko ba hindi mo paaalam sa kanila na may blog ka.
Kulasa: Eh kay Bulak lang naman.
Kulas: Kahit na,mamaya may malagay ka 'dyan 'di maganda.
Kulasa: Wala naman akong isusulat na masama.
Kulas: Ikaw pa!
Kulasa: O sige, wala na lang akong sasabihan iba.
Kulas: 'Bat mo nga pala sinabi.
Kulasa: Kasi gusto ko malaman kung ano sasabihin nila.
Kulas: Gusto mo malaman kung ano sasabihin nila tungkol sa blog mo.
Kulasa: Yup.
Kulas: Tapos hindi mo palalagyan ng comment.
Kulasa: Noon 'yon.
Kulas: Eh ngayon.
Kulasa: Palalagyan ko na.
Kulas: Alam mo, ang gulo mo.
Kulasa: 'Di nga, ano sa tingin mo, palalagyan ko o hindi?
Kulas: A ewan - NO COMMENT!
Kulasa: 'Di walang comment kung wala.
Kulas: Hindi 'yon ibig kong sabihin.
Kulasa: Alam ko, ginagantihan lang kita kasi nang-iinis ka.
0 ang naki-chika:
May gusto kang sabihin?