Langgam

Anniversary ngayon ni ermat. Apat na taon na silang magkasama ni erpat.  Dinalaw ko sila sa Manila Memorial Park. Dinalhan ko sila ng bulaklak. Bumaba din si Kulas.Napalingon ako sa paligid. 

Medyo madaming mga dahon nagkalat.  Wala naman bagong neighbor sila parents pero parang may fresh tractor tracks sa paligid.  Buti nalang at alam ko ang itsura ng lupang bagong hukay at sigurado akong hindi ito mga mina ng kalabaw.  Para kayang may kalabaw sa memorial park.

Kulasa: Bakit ang dumi dito?
Kulas: Bagong putol yung mga puno.

Habang ako'y na-eemote sa puntod ng aking mga magulang. Biglang nasapigaw si Kulas.

 
Kulasa: Bakit?  

Kulas: Nyeta, ang daming langgam.
Kulasa: Saan galing? 

Kulas: Eh, 'di dito sa inaapakan ko. Saan pa ba, sa langit?

Si Kulas naman ang nag-emote.

 
Kulasa: Halika 'na. 

Kulas: Ang bilis mo naman.
Kulasa: Padilim na. 


Kulas: Bakit ka nagmamadli? Tatakasan mo yung bantay ano?
Kulasa: Shhhhh.  

Kulas: Anong, shhhhh.
 
Kulasa: Tatakasan? Eh 'di nga nagpunta dito.
Kulas: Paano mo naman nalaman? May ESP ka?

Kulasa: Madumi ang paligid ano! Eh, 'di hindi naglinis.
Kulas: 'Sya-sya. Intayin natin. Alam noon may pupunta dito ngayon.

Nagintay kami ni Kulas.
Inabutan na kami ng pagdilim.

Umalis ako na masaya, kasi hindi tinakasan ko ang bantay.
Umalis ako ng masaya, kasi si Kulas, hanggang kotse, kating-kati.

Back to Top