0

Regalo

Ang mga Pinoy nga naman pag pasko, kahit na naghihirap, sige pa rin ang gastos. Andyan ang pag handa ng Media Noche, andyan ang pagbili ng regalo. Hindi talaga maiaalis sa atin ito.

Ugali ko ang mamili ng pang regalo ng maaga. Ngayon pa lang ay tapos na kaming mamili ni Kulas. Ayoko ko kasing nakikipag siksikan sa malls. Si Kulas naman, di mo maasahan sa paglibot.

Mahirap din ang magisip ng ipang-reregalo. Kaya pinaguusap namin ni Kulas kung ano ang balak namin ibigay. Hindi lokohan ang pagbili ng regalo. Ilan ang kapatid, ilan ang pamangkin. Malaking pamilya sila Kulas, isipin nalang ninyo kung ilan ang kapatid at pamangkin niya. Andiyan pa ang mga ibang kamag-anak, inaanak, mga officemates, mga kapit bahay, mga kaibigan.

Lahat naman tayo pinaghahandaan ang pamimili nga regalo. Hindi naman kailangan mahal ang ibigay mo, kahit simple, basta pinagisipan. Kaya nga it's the thought that counts, thought - pinagisipan, hindi pinagpiliian.



Kulas: Shopping nanaman? Akala ko ba tapos ka nang mamili.
Kulasa: Oo nga, pero baka may nakalimutan ako.
Kulas: Patingin nga ng listahan? O, lahat naman meroon na.

Kulasa: May gusto lang akong balikan.
Kulas: Balikan? Anong yon?
Kulasa: Basta, may gusto akong bilhin.

Kulas: Ikaw talaga Kulasa, napaka gastadora mo.
Kulasa: Eh kailangan ko yon eh.
Kulas: Wala ka naman binili na hindi mo kailagan.
Kulasa: Oy, kahit na nakatago yung iba, nagagamit natin paminsan-minsan.
Kulas: Really? Eh yan juicer, nagamit mo na ba?
Kulasa: Bagong bili lang yan ano!
Kulas: Naku, parang hindi kita kilala, panic buyer ka.
Kulasa: At least hindi sira at reasonable yung price.

Kulas: Ewan. Basta promise walang kang bibilin gamit pang bahay.
Kulasa: Ok (hmph.)
Kulas: Walang gamit pang kusina.
Kulasa: Ok (hmphulit.)
Kulas: Walang pang decorate.
Kulasa: Ok (hmph talaga.)
Kulas: Walang pang pantry.
Kulasa: Ok (grrrrrrr)

Kulas: Ok, ok ka dyan. Sige, pero sasamahan kita.
Kulasa: Wag na, ako nalang.
Kulas: Bakit? Style mo bulok.
Kulasa: Style?
Kulas: Sneaky ka eh.
Kulasa: Hindi, ako sneaky.

Kulas: Basta, sasamahan kita.
Kulasa: Basta, hindi.
Kulas: Sige, magpunta ka magisa.
Kulasa: Kulas naman eh! (triple grrrrrrr)

Kulas: Sya-sya, ano ba yan babalikan mo?
Kulasa: Sandali lang ako.
Kulas: Ano nga yon?
Kulasa: Wala.
Kulas: Wala pala, tsaka nalang tayo umalis.
Kulasa: Kulas ano ba, napipikon na ako.
Kulas: Ano nga yon?
Kulasa: Regalo mo, kontento ka na?

0 ang naki-chika:

May gusto kang sabihin?

Back to Top