Pareho kami ni Kulas na takot sa paputok. Hindi kami bumibili ng mga 5-star, pla-pla, kwitis at kung ano-ano pa. Ayaw namin na sa ospital mag new year. Aba, baka minsan ka lang nga mapanood ng mga kaibigan mo sa TV eh nguma ngawngaw ka at pilipit ang nguso.
Kahit naman hindi kami nagpapaputok, bumibili kami ng mga pa-ilaw. Yung iba may konting paputok pero hindi kasing delikado. Naka kahon yon at mahaba ang mitsa. Hindi nakakatakot.
Noon unang New Year namin together, bumili ako ng sawa, dalawang tig-1000 rounds. Akala ko mahilig si Kulas. Yun pala takot din pala. Pero dahil may kamahalan at nakaka panghinayang sinindihan namin. Ayun, kulang nalang akyatan namin ang isa't-isa, napatakbo pa kami paloob ng bahay dahil biglang papunta sa amin yung whistle bomb sa dulo. Mula noon, natuto na kami.
Ngayon taon, bumili kami ng mga fountain at iba't-ibang klaseng pa-ilaw. Pagkatapos, umakyat kami sa bubong at doon namin pinagpatuloy ang celebration. Doon kasi sa may kubo namin, kitang-kita mo ang mga katabi namin barangay - ang barangay Ayala Alabang. Kaya naman ng magpasiklaban na sila ng kanilang mga fireworks, hindi kami magkanda ugaga sa paglinggon.
Kulasa: Grabe, magkano kaya ginasta ng mga 'yan?
Kulas: Oo nga, buti nalang tayo libre nood.
Kulasa: Yup, at di pa nakakangawit sa leeg.
Kulas: Next year bili tayo ng ganyan, kahit isa lang.
Kulasa: Naku , nagsalita, sisindihan mo kaya?
Kulas: Oo nga, sayang, 'to nalang malilit, maganda naman.
Kulasa: Next year dagdagan natin yung fountain, yung parang may watusi.
Kulas: At yung mga mga rockets na lumilipad.
Kulasa: Kulas, paano natin uubusin itong pagkain?
Kulas: Ang dami nga, grabe itong mga kapit-bahay magbigay.
Kulasa: Parang lahat masarap, tikman natin lahat.
Kulas: Grabe ka!
Kulasa: Tikim tikim lang naman. Parang pulutan.
Kulas: Ha! Ikaw din, baka maging parang unan yan tiyan mo.
Kulasa: Hoy, wala akong balak magging tulad mo!
Kulas: Ep ep ep, New Tear na, bawal masungit!
Kulasa: Ay naku, wala akong balak magging mukasim buong taon ano.
Kulas: Buti naman, cute ka pa naman sa kung lagi kang naka-smile.
Kulasa: Naka-ismile o naka-ismid cute pa rin ako.
Kulas: Sya-sya, kulang lang yan sa inom - Cheers!
Kulasa: Cheers Kulas, Happy New Year! Lab yah.
Kulas: Happy New Year Kuls! Lab yah too.
Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!
0 ang naki-chika:
May gusto kang sabihin?