0

Munimuni

Lumipas na din ang isang taon. Marami kaming dapat pasalamatan ni Kulas. Madami kaming natanggap na biyaya noon isang taon. Isa sa matatawag kong pinakamalaking namin blessing na amin natanggap ay ang magkaroon ng sariling kubo.

Halos apat na taon na kaming nangungupahan. Kaya naman ng makalipat kami, ganoon nalang kasaya kaming dalawa.

Mahirap magpagawa ng sariling kubo. Totoo na andyan ang tampuhan, angilan. Ito pa naman si Kulas minsan pilosopo. Ako naman di magpatalo. Buti nalang natapos din.

Madami din kaming pagsubok. Pero dahil sa pasensiya, dasal at tiyaga, ayun, nalagpasan din. Kaya ganoon nalang ang pasasalamat namin ni Kulas at patuloy namin idinadasal ba sa bagong taon ay malagpasan namin ulit ang mga pagsubok na dadating.

Para hindi ma-frustrate at maging masaya ang pananaw sa buhay, ito ang aking mga pinaniniwalaan:

Be optimistic, look beyond the wrappings and the trimmings;
Be content with the little things and material things become immaterial;
Believe in the power of happiness, laugh at your mistakes;
Believe that prayers are answered - it may be a yes, it may be a no, it may be now, it may be later;
Believe that wishes do come true.

Sana saya at sagana ang dulot sa inyo ng taon darating.






0 ang naki-chika:

May gusto kang sabihin?

Back to Top