Nadagdagan ba ang inyong timbang nitong lumipas na buwan. Ang dami naman talaga ng masasarap na pagkain, siguradong hindi lang kami ni Kulas ang bumigat. Eh paano mo naman pipigilan ang sarili mo. Sa dami ng party at reunion na pinuntahan namin nakakahiwang di kumain. Hindi ko na kailangan tumigin sa timbangan para malaman na bumigat ako.
Gusto ko man mag diet, hirap ako. Parang tinatawag ako ng mga ulam. Parang naririnig ko ang mga pagkain nagsasabi- Kulasa, halika, tikman mo kami. Alam ko niloloko ko ang sarili at ang justification ko pa ay - sayang baka mabulok! Sabi nga ni Kulas, wag na akong bumili ng kung anu-ano para hindi ako manghinayang. Pero mahilig akong magluto, mahilig akong mag experiment sa kusina. Eh sino pa ba ang kakain noon kung hindi kaming dalawa.
Sinubukan namin mag tinapay after New Year. Tinapay, as in bread, tipo bang no rice after six. Akala ko tuloy-tuloy na ito kasi dalawa kami ni Kulas. Hah, in your dreams.
Kulasa: Kulas, ano gusto mong ulam?
Kulas: Nagtulo na ako.
Kulasa: Ha? Ano nanaman 'yan - tuna?
Kulas: Hindi, bulalo.
Kulasa: Bulalo?
Kulas: Oo, with buto na may utak pa.
Kulasa: Ano ka? Bulalo at tinapay?
Kulas: Ano ka? Siyempre kanin.
Kulasa: Eh sabi mo diet tayo, tinapay lang.
Kulas: Sa gabi 'yon, tangahali naman ngayon at Sabado.
Kulasa: Ano ka, walang day-off ang pag diet ano.
Kulas: Di naman pag diet ang pinagusapan natin.
Kulasa: Hindi nga diet, pero tinapay hindi rice.
Kulas: Sa gabi, nakikita mo na ba ang buwan?
Kulasa: That's not the point.
Kulas: Point-smoint. Eh di mag tinapay ka kung gusto mo.
Kulasa: Kakainis ka naman eh. Nakatikim ka na ba ng bulalo sandwich?
Kulas: Hindi. Pero di naman kita pinipilit mag rice ah.
Kulasa: Hindi nga, pero ano, magluluto pa ako ng iba?
Kulas: Ikaw, basta ako ito ang kakainin ko.
Kulasa: Ang daya mo!
Kulas: Bakit exam ba ito? (tatawa-tawa)
Kulasa: Kakainis ka na ha.
Kulas: Alam mo, niluto ko to kasi alam ko favorite mo.
Kulasa: Hmmmmmp, hindi yan ang favorite ko (uuuy, pero touched)
Kulas: Sarap nito, may patis at kalamansi.
Kulasa: Ewan.
Kulas: Tapos init-init kanin, talap-talap.
Kulasa: Unggoy!
Wala din. Ng makita ko yung umuusok na sabaw - bumigay din ako.
0 ang naki-chika:
May gusto kang sabihin?