Nang magpagawa kami ng bahay ni Kulas, napag kasunduan namin na maglalagay kami ng tambayan sa itaas.
Ginawang pet project ito ni Kulas. Una, balak niyang lagyan ng parang gazebo, para may shade daw at hindi maiinit kapag natindi ang araw. Pagkatapos ng tatlong araw, may apat na posteng nakatayo at di nagtagal, buong itaas namin ay nilagyan na din ng bubong!
Pagtakapos, nilagyan din ito ni Kulas ng grills. Kaya naman ng matapos, may maliit kaming tambayan at lugar na pahinggaan. Dito din namin dinadala ang aming mga bisita. Mahangin at masarap tulugan.
Pero medyo nahihirapan kaming ibaba ang mga trapal kapag umuulan. Umaanggi kasi at nababasa ang mga gamit.
Kaya naman si Kulas nakaisip ng bagong project. Ayun, palalagyan na niya ito ng permanent na takip. Gagawin cemento na yung ibang sides pero may butas pa din para tagusan ang hangin at kita pa din ang tanawin.
Ewan ko ba dito kay Kulas, pag may naisiip di mo mapigilan. Kung sabagay tama siya. Mas matibay, mas safe at mas maganda. Mas magastos lang nga.
Kulas: Ano agree ka ba?
Kulasa: Saan?
Kulas: Papasimentuhan ko na?
Kulasa: Yung itaas?
Kulas: Oo, para wala ng problema pag umuulan.
Kulasa: Tangalin nalang natin yung gamit sa taas.
Kulas: Saan mo ilalagay, dito sa baba?
Kulasa: Kasi naman sino ba ang nakaisip na lagyan ng gamit yung itaas.
Kulas: Kasi naman sino ang bili ng bili ng gamit?
Kulasa: Kelan mo naman balak paumpisahan.
Kulas: Next week o two weeks from now.
Kulasa: Next week?
Kulas: Para tapos agad.
Kulasa: Naku Kulas, ayan ka nanaman.
Kulas: Bakit?
Kulasa: Siguradong, lagpas sa budget mo nanaman yan.
Kulas: Ah hindi, this time I know better.
Kulasa: I know you better!
Kulas: Sus, pustahan tayo.
Kulasa: Ay naku, wag na, talo ka lang.
Kulas: Hindi, basta ngayon controlled ang gastos.
Kulas, Kulas. Parang 'di kita kilala. Naki-kinita ko na. Hindi masusunod yan original plan mo. Tignan lang natin.