0

Extra Large

Meroon isang pamilya na malapit sa amin ni Kulas. Isa silang maranggal at respetadong pamilya. Masasabing nakaka anggat sa buhay. Malapit sila sa isa't-isa, masayahin, at sincere na mga tao. Hindi sila naramot at lagi silang andyan pag kailangan mo. Pangalawang pamilya namin sila ni Kulas.

Kasundo namin sila sa halos lahat ng bagay. Madalas namin silang nakakasama. Halos lagi kaming kasama ni Kulas sa pagpasyal at pati sa pag bakasyon. Di kami nawawala sa handaan at kahit anong okasyon, sigurdong hindi dapat kami mawala. Lalo na kapag kainan ang pinagusapan. Dito namin sila talagang kasundo. Mahusay silang magluto. Bukod doon, mahilig din silang kumain sa labas. Kaya isa sa mga favorite topoics of conversation namin ay kung anong lugar ang masarap kainan at puntahan.

Di na dapat kayo magtaka kung bakit medyo nagkakalihan sila. Kung damit ang i-reregalo mo sa kanila, maliit ang XL. Ganoon pa man, kung gaano sila kalaki, ganoon din kalaki ang kanilang mga puso.

Tinuturing namin magulang si Pavarotti at si Mata Hari. Matalino at masarap kausap si Pavarotti. Bukod sa masayahin tao, alaskador pa! Lalo na pag binabara at sinisopla niya ang kanyang mga anak.

Si Mata Hari naman, ang saya-sayang kasama. Lakwatsera at mahilig takasan si Pavarotti. Kung saan-saan siya nakakadating, madalas si Kulas ang kanyang partner in crime. Para nga naman pagnabuking sila, si Kulas ang tinuturo.

Yung mga anak naman nila, well that's another story. Pati nga sila minsan hindi maintindihan kung bakit parang mas kasundo nila kami.


Yung pangganay, si Big Bertha, isang maalalahanin na tao. Magkasundo kami sa pagnood ng mga drama-drama. Pareho kasing kaming mababa ang luha. Pinagtatawanan nga kami ni Kulas oras na umiyak kami sa harap ng TV. Pero si Big Bertha medyo may kahangginan. Parang signal no. 4 lang naman. Pag humirit na yan parang isang tornado ang kausap mo
. Kaya naman hirap na hirap kami minsan pigilan sa pagtawa pag na-o-okray siya ni Pavarotti at na sopla ni Mata Hari.

Si Tonka, anak ni Big Bertha, ay kaisa-isang anak. Kaya naman laging busog at walang kulang sa buhay. Malaking bulas din. Di na po bata si Tonka, nanliligaw na at tinutibuan na ng bigote.
Nag iisang apo siya, kaya ganoon nalang ang alaga sa kanya. Pet siya ng lahat. Para siyang isang malaking pet - parang pet kalabaw.

Yung anak na lalaki ang kasundo ni Kulas. Pareho silang mababaw ang kaligayahan. Lagi silang tawa ng tawa. Kulang nalang kabagan silang dalawa. Nagtataka lang nga ako. Kasi, nagpunta ito sa US, pero wala pang dalawang taon sa States, parang Amerikano na magsalita pag balik ditosa Pinas. Madalas pa feeling niya cute siya. Cute nga, cute kasi nahahawig kay Shrek.

Ang makakasundo ng lahat ay yung bunso, si Little Lotta. Bukod na katulad ang ugali sa mga magulang niya, matalino at sensible kausap. Mabait na bata si Little Lotta, maaruga at marespeto sa magulang. Malambing at simpleng tao. Iba sa kanyang mga kapatid. Sobra lang mag aral ang batang ito. Di na 'ata natutulog. Maliban doon, mahilig mag-diet. Ilan beses ng sumubok, pero tulad ko, madaling bimigay at the sight of food.

May mga kaibigan tayong di nalalayo sa pamilyang ito. Kahit na minsan naiinis tayo sa kanila, kasama pa din natin at binalik-balikan. Matuto tayong tumingin sa mga ugaling magaganda at kanais-nais.

Lahat ng tao may pagkakamali, pero maliit na bagay lang ito if we dwell on the good things. Matuto tayong tumanggap. Kung paano natin sila nakilala, wag natin pilitin magpalit ng ugali. Ganoon na sila, intindihin na lang natin.
Kami man ni Kulas ay may mga quirks at nakakainis na ugali din. Ganyan lang talaga - no one is perfect.

Pwede naman tayong mamili ng ating magiging kaibigan. Kung hindi mo talaga matanggap ang isang tao - eh di wag. Walang namimilit sa iyo. Pero kung ikaw ay masaya at kaya mong tanggapin ang isang tao, kung ano man siya, walang mawawala sa iyo. Malay ninyo sila pa ang mabibigay sa iyo ng payo at aral na makaktulong.



Kulas: Bakit kaya nag iimbitang kumain si Mata Hari?
Kulasa: Ano ka, birthday ni Big Bertha!
Kulas: Sa Pitsahan daw mamaya.
Kulasa: Wow!
Kulas: Wow? eh kakakain lang natin doon noon isang araw?

Kulasa: Eh ano masama doon, iba naman ang kakainin natin ngayon.
Kulas: Ewan, basta ayokong makarinig ng reklabmo sa weight, ok?
Kulasa: Ako pa?

Kulas
: May regalo ka na ba para kay Big Bertha?
Kulasa: Wala pa nga eh, bili na muna tayo bago tayo magpunta sa Pitsahan.
Kulas: Ano naman balak mong ibigay?
Kulasa: Siguro gamit pang kotse.

Kulas: Naka, eh di ba sira yung kotse nya?
Kulasa: So?
Kulas: So, para ko nang naririnig, ang topic mamaya tungkol sa kotse.
Kulasa: And?
Kulas: And kung magkano aabutin ang pagawa ng kotse niya.

Kulasa: Kaw naman, di na ka nasanay.
Kulas: He he he. Basta ako, looking forward ako sa sasabihin ni Pavarotti pag humirit.
Kulasa: He he he. Intayin mo ang banat sa kanya ni Mata Hari!

Tama kami ni Kulas. Di nagtaggal sumisipol na ang hangging sa paligid ng mesa. As usual, kahit na kaarawan niya, di siya pinalagpas ni Pavarotti. Sumakit ang tiyan namin lahat, di lang sa dami ng aming nakain pati na rin sa katatawa. Happy Birthday ulit sa iyo Big B!

0 ang naki-chika:

May gusto kang sabihin?

Back to Top