Tuloy-tuloy ang pag gawa dito sa kubo namin. Kaya tuloy nagmistulan war zone ang itsura ng bahay. Di biro ang magpagawa, lalo na kung simento ang katapat mo!
Sobra ang alikabok. Lahat ng sulok ng bahay may bakas ng buhanggin. Mag walis ka man, ma-fru-frustate ka kasi sandali lang madumi nanaman.
Marami akong palamuti sa bahay. May mga kuchi-kuchi ako sa ibabaw ng mga mesa. Ang aming sofa, tela ang uphostery. Kaya naman itong si Kulas, nagmaagandang loob. Dahil siya ang may pakana ng pagpapagawa ang itaas, alam niya na maiinis ako pag natapos na ito. Sino ba akala ninyong malilinis? Korak! Moi!
Kaya naman pagdating ko galing office, nagulat ako kasi may takip ang mga gamit sa bahat. Naka takip lahat ng silya, may takip lahat ng cabinet, pati na rin mga mesa. Lahat may takip! Di ko alam kung matutuwa ako kay Kulas o sasakalin ko. Sino ba naman ang matutuwa kung lahat ng kumot at bedsheet pinangtakip!
Kulasa: Anong ginawa mo!!!?
Kulas: 'Bat ka galit, tinakpan ko lang naman ang mga gamit?
Kulasa: Eh bakit kumot at kobrekama ang ginamit mo?
Kulas: Eh anong pantatakip ko diyan?
Kulasa: Peryodiko.
Kulas: Aba magaling, eh 'di naghawa ang tinta tapos ikaw ang magagalit.
Kulasa: Basta, hindi ako ang maglalaba niyan.
Kulas: Hindi talaga, dadalin ko sa laundromat
Kulasa: Dapat lang.
Kulas: Sunggit nito, ikaw na nga ang iniisip kaya tinakpan ko 'yan.
Kulasa: Sus, nag pakonsensiya pa 'to.
Kulas: Talaga naman, sino ba ang maiinis pag madumihan ang gamit?
Kulasa: Fine!
Kulas: Fine, fine.
Kulasa: Hoy, di bagay sa iyo nagtatampo!
Kulas: Che!
Kulasa: 'Kaw naman. Sino ba naman ang di magugulat kung ang sala mo nagmuhkang puro kama!
Kulas: Eh para nga hindi ka mahirap.
Kulasa: Mahirap saan?
Kulas: Sa paglinis, of course!
Kulasa: 'Eto piso, humanap ka ng aasarin mo!
0 ang naki-chika:
May gusto kang sabihin?