Madali kaming nagkasundo ni Kulas. Kahit na madami kaming pagkakaiba, marami din kaming pinagkakasunduuan.
Mahilig kaming kumain. Sa restaurant o kahit dito sa bahay. Magaling magluto si Kulas at minsan type din niya ang mag experiment sa kusina. Pag ako naman ang may bagong recipe na susubukan, hindi mahirap patikimin si Kulas. Kahit na hindi masarap, uubusin niya ang pagkain, saka nalang niya sasabihin sa iyo na sana iba nalang ang lutuin ko sa susunod. Ang naiiba lang sa amin ay ang mga gusto namin kainin. Si Kulas mahilig sa pagkain may sarsa, sa manok at karne. Ako naman mahilig sa pasta, mga creamy na pagkain, pagkain may gata at gulay. Siyempre compromise kaming dalawa. Halinhinan dito sa bahay ang pagluto ng sinigang. Isang araw sinigang na karne, susunod na luto ng sinigang baboy naman.
Pareho kaming mahilig makinig ng music. Magkasundo kami kapag classical o instrumental. Pero si Kulas, gustong-gusto niyang makining ng mga kantang luma, tipo bang mga 40's, 50's and 60's, pati na rin mga kundiman. Di naman kapanahunan ni Kulas ang mga kantang ito pero talagang masaya siya kapag naririnig niya - ewan ko ba. Ako naman mas gusto ko ang mga 70's and 80's na kanta. Kaya naman ako ang pumupili ng station ng radio pag Friday o Saturday, si Kulas naman pag Sunday's.
Hindi kami mahilig manood ng sine, as in, sa buong apat na taon namin pagsasama, kahit noon nililigawan pa niya ako, hindi pa kami nakakapasok sa loob ng sinehan. Mas gusto namin ang manood ng VCD o DVD - menos gastos na, pwede mo pang ulit-ulitin.
Hindi kami over romantic o sobrang senti. Mag celebrate man kami, simple lang. Ok na sa amin ang kumain sa labas, ipagluto ang isa't isa, o kaya ang mag kwentuhan maghapon. Hindi ko mayadong
gusto ang bininibigyan ng bulaklak. Mas masaya ako kung pagkain o gamit sa bahay ang ireregalo sa akin. Siguro nga naiiba ako pero para sa akin, sayang lang kasi ang flowers. Ang mahal mahal ng bili mo tapos panandalian lang. Gugustuhin ko pang makatanggap ng halaman na nakatanim sa paso keysa bulaklak sa vase.
Kulasa: Malapit na Valentine's Day.
Kulas: Oo nga, anong balak mo?
Kulasa: Wala, ikaw, gusto mong kumain sa labas?
Kulas: Wag na 'no, ang daming ng tao ang traffic pa!
Kulasa: Dito nalang tayo, maglinis tayong bahay.
Kulas: Ano ka, gabing-gabi maglilinis tayo ng bahay?
Kulasa: Sira, wala kaming pasok sa Lunes.
Kulas: Lokohin mo ko, kelan pa naging legal holiday ang Valentine?
Kulasa: Ay naku, Parañauqe Day daw - 'ala kaming pasok.
Kulas: Tigilan mo nga ako, maglalakwatsa ka lang!
Kulasa: Hindi ah, kanina lang namin nalaman.
Kulas: Talaga? Eh di wala din akong pasok.
Kulasa: Ngyek, sa Taguig ka ngayon 'no.
Kulas: May mga office din naman kami sa Parañaque.
Kulasa: Sige nga tawagan mo nga ang tatay mo at sabihin mo holiday.
Kulas: Hindi na, sabihin ko nalang may lakad ako.
Kulasa: Obvious ba, hello, Valentine?
Kulas: Alam naman niyang pinagagawa ko yung bahay.
Kulasa: Maniwala 'yon sa yo.
Kulas: Ayaw mo 'non tutulungan kitang maglinis?
Kulasa: How sweet (with matching ngiting aso)
Kulas: Talaga naman, tapos magluto nalang tayo.
Kulasa: Ok
Kulas: Next week nalang tayo mag celebrate.
Kulasa: Sige, kain nalang tayo sa labas.
Kulas: My choice?
Kulasa: Fine, basta wag lang na Japanese o Chinese.
Kulas: Basta hindi din Italian.
Kulasa: Grrrrrr. Sige na nga, ikaw naman magbabayad.
He he he... Meron na akong nasa isip kung saan kakain.
0 ang naki-chika:
May gusto kang sabihin?