Alimasag
May pinuntahan kaming kasal ni Kulas. Eh di siyempre kainan na naman. Pero kasi Sabado, day-off ni diet. Parang nadadalas ang pag day-off ng pag da-diet namin ngayon ah (hmmmm).
Anyway, kasama namin sa kasal si Bulak. Hapon pa ang kasal kaya inaya kong managhalian si Bulak dito sa kubo.
Namalengke kami ni Kulas ng maaga. Nakakita ako ng alimasag. Naku, buhay at puro gay crabs! Matagal akong hindi nakakakain ng alimasag. Sinasamsam ko talaga ang lasa at kukutkutin ko lahat ng mga galamay at sipit nito. Madalas binabalik-balikan nalang ako ni Kulas sa mesa. Di niya maintindihan kung bakit inaabot ako ng ganoon katagal.
Pag dating ni Bulak, sabak kaagad kami. Lagpas isang oras kaming kumakain. Nagsugat na ang mga kamay sa katatalop, pati dila mahapdi na sa pagsipsip. So what kung may kasal, emcee pa naman si Bulak. Siyempre pagkatapos kumain ang pinakamasarap na parte yun pag yosi. Samahan mo pa ng kwento. Ayun, di tuloy namin nakita yung bridal march.
Pero buti nalang at busog kami. Aba dalawang oras sa simbahan, tapos medyo maykalayuan pa ang reception. Gumamit ng wedding planner yung kinasal, kaya medyo lalong humaba yung programme bago yung eating time. Cute yung mga gimmik at siguradong magiging one unforgettable moment iyon sa mga bagong kasal. Memorable din yung kasal sa akin. Ngayon lang ako naka-attend ng kasal at reception ng inabot ng limang oras!
Kulas: Anong sabi?
Kulasa: Pag tawag ng table no., punta tayo sa harap.
Kulas: Bakit?
Kulasa: Yun yung picture with the couple.
Kulas: Tapos?
Kulasa: Tapos doon lang tayo pupunta sa buffet table.
Kulas: Ahhh, teka, table 16 tayo ah!
Kulasa: He he he, bakit gutom ka na ba?.
Kulas: Nope, ikaw?
Kulasa: Hindi ano! Lasang alimasag pa nga ang dighay ko.
Kulas: Yuk! Si Bulak kaya?
Sa haba ng programme, gabi na kaming nakauwi. Sa bahay na natulog si Bulak. Soon magiging neighbor ko na si Bulak. Nabili niya yung isang kubo sa may likod namin. May kasama na akong kumain ng alimasag ng matagal.
0 ang naki-chika:
May gusto kang sabihin?