Halloween

Bakit ba biglang nauso ang Halloween sa Pinas.  Noon bata ako wala naman ganito.  Dati gustong-gusto kong mag trick or treat pero wala naman magbibigay ng candy.  Mapapagkamalan ka pang may topak pag naka costume ka.  Pero ngayon kaliwa't kanan na yung mga lugar na may trick or treat. Napaka swerte ng mga bata ngayon, malas naman ng mga magulang kasi panibagong gastos.

Pero sa totoo lang, nakakatuwang tignan ang mga batang naka-costume.  Karamihan mga multo, may fairy, may super hero, may princess.  Lakad ng lakad para humingi ng candy. Isang tropang ng mga bubwit na pagkaiingay pero napalkasaya.

Dito sa munting bukid namin uso na din ang trick or treat.  Hindi naman pihikan ang mga bata.  Unahan lang sila sa pagkuha ng mga candy.  Pero hindi ito pwede dito sa kubo.  Alam nila na kapag gusto nilang makakuha ng bag pipila sila - as in one line.  At di lang iyon, dapat behave sila, walang maguunahan at walang singitan.

Hindi naman sila takot sa amin ni Kulas.  Madalas nga nakatambay ang sangkatutak na bubwit dito sa amin.  Nakikipag kwentuhan, nilalaro yung mga aso.  Pero alam nila na kapag hindi sila behave - wala silang mahihita.

Kaya naman pag halloween namimili ako ng masarap at di kamahalan candy na ipapamigay.  Nakasupot na ito para walang lamangan.  Ang nakakinis lang, may mga di namin kilalang mga batang pupunta din sa bahay.  Ewan ko ba, di naman naka-costume ay trick or treat daw.  Pero mga bata sila, so bibigyan mo din - in the spirit of the spirits ba. 

Kaya this year pinaghandaan ko na ito.  Di naman ako namimili ng pagbibigyan, yun lang nga, may ibang supot para sa kanila.  Yung masarap ang laman sa mga nag take time para mag costume, yung iba naman na parang bibili lang ng suka, yung regular lang. At least may dala sila pauwi dahil nag effort din silang kumatok.





Kulasa:  Kakainis talaga!
Kulas:  O bakit nanaman.

Kulasa:  Naubusan ako ng candy.
Kulas:  Ang dami noon ah.

Kulasa:  Oo nga, ang dami din kasing dumating eh.
Kulas:  Ikaw naman, mga bata 'yon.

Kulasa:  Oo nga, pero yung ibang kapit bubwit natin hindi ko na nabigyan.
Kulas:  Bakit?

Kulasa:  Naubos nga, may mga foreigners (as in hindi namin kilala).
Kulas:  Ay sus naman ito, eh mga bata iyan.

Kulasa:  Ang kapal kasi, trick or treat daw pero di naman naka costume.
Kulas:  Sus, iyon lang.

Kulasa:  Trick or treat ito, hindi caroling.
Kulas:  Malay mo naman baka naka-costume nga iyon.

Kulasa:  Anong costume?  Eh parang inutusan lang naki trick or treat na!
Kulas:  Sira, ang tawag sa mga iyon - laman lupa.

Kulasa:  Ah ganoon, pwes next year ibabaon ko sila.
Kulas:  Pikon! Next year bumili ka nalang ng mas maraming candy.



Calendar

Lahat ng bahay may kalindaryo.  Sari-saring klase, may pang desk, may pang kwuarto, may pang kusina.  Madaming gamit ang kalindaryo at una na dito ay para alam natin kung anong petsa at araw na. Pero naisip na ba ninyo na hindi lang ito ang gamit ng kalindaryo?  Napaka useful pala niyang item sa bahay.

Sinusultan ng mga paalala tulad ng kung sino ang tatanda, kung kailan pupunta sa doctor, kailan bibili ng gasul.  Ginagamit na pang lining ng mga cabinet, lalo na kung makintab ang papel. Minsan ginagamit na starter pag magiihaw, minsan naman pangsindi ng kalan.  


Ginagamit na pambalot ng mga bituka ng isda bago itapon sa basurahan o kaya last resort na patungan ng ulam sa kotse (that is kung walang peryodiko).

Pag maganda ang picture, ginugupit ito at i-papa frame - viola, may pansabit na sa salas! Pwede din itong pambalot ng regalo (o 'di ba, tipin ka na, cute pa ang pambalot mo).

Ibat-iba ang mga kalindaryo natatanggap natin, kadalasan pag Pasko.  Yung lang talagang maarte ang bumibili ng kalindaryo (di kasama dito yung bumuli para ipang regalo ha).  Libre na nga bibili ka pa, hello?

Iba-iba din ang type natin kalindaryo.  Yung iba gusto maliit lang para ipatong sa mesa nila sa office.  Yung iba gusto maganda ang pictures, well depende ito sa taste ng tao.  Mayroon may gusto ng picture ng bulaklak, picture ng mga famous na paintings, pero yung ibang kilala ko gusto picture ng mga chika babes na halos hubo't hubad (ooo la la, ang laki siguro ng problema nila).

Karamihan sa atin gusto yung mga malalaking kalindaryo na galing sa isang hardware.  Yung bang saksakan ng lapad ng petsa na pwede mong sulatan.  May mga extra ang mga kalindaryong ganito, malibang sa petsa at araw, may nakalagay kung ano phase ng moon, kung low tide o high tide.

Mayroon din iba nakalagay kung sinong santo ang feast day sa araw na iyon. Maraming mga tamad na magulang diyan.  Imbis na magisip ng pangalan ng mga anak nila ay ipapangalan nalang ang bata sa santo para sa araw na iyon. Madami akong kilalalang minalas dahil sa kagagawan na ganito, ang baho ng pangalan nila.

Kayo, ilang ang kalindaryo ninyo sa bahay?  Malamang hindi lang tatlo ang nakakalat.  Pupusta din ako na madalas ninyong makalimutan palitan or pinutin ang nakalipas na buwan.  


Kulasa:  Kailang nga ba yung kasal?
Kulas: Sa 11th.

Kulasa:  11... naku di ata ako makakasama.
Kulas:  At bakit?

Kulasa:  Di ako pwede mag leave.
Kulas:  Leave?  Eh Linggo iyon.

Kulasa:  Linggo?  Wednesday kaya.
Kulas:  Wednesday?  Magisip ka nga.

Kulasa:  Anong iisipin?
Kulas:  Sino naman ang guston ikasal ng Wednesday?

Kulasa:  Eh Wednesday po ang 11th.
Kulas:  Hindi, Sunday iyon.

Kulasa:  Ito o, Wednesday, Wednesday! (sabay bigay ng calendar kay Kulas)
Kulas:  Ah, Wednesday nga.

Kulasa:  See.
Kulas:  Wednesday nga... noon July.

Kulasa:  Anong July?
Kulas:  Ay sus (sabay punit ng kalindaryo).  Eto, Sunday na.
Kulasa:  Ay, Sunday nga.


Tawa tawa kayo diyan.  Pupusta ako may ilan diyan hindi din updated ang calendar.







Pangarap

Anong gusto mo maging pag laki mo?  Lahat tayo ay natanong na nito.  Maliliit pa tayo at wala pang kamalay-malay sa mundo sinagot naman natin. Kung babalikan natin ang nakaraan, sigurado akong either mapapangiti ka, matatawa o ikahihiya mo ang mga naging sagot mo sa tanong na ito. 

Gusto kong maala-ala ang lahat ng aking naisagot sa tanong na ito,  pero try ko man isipin aaminin ko yung iba hindi ko na natandaan, pero may mga sagot akong di ko malilimutan.  Pipili lang ako noon mga nakakatawa at nakakahiya kasi ito lang ang gusto kong ipaalam at aminin na minsan kong sinabi.

Mga nakakatawang sagot:

Mayaman (sino ba naman ang hindi gusto ito? Aminin)
Mapayat (well, lately lang ito)
Mataba (minsan nagiging totoo ang pangarap $#@!)

Personal Shopper (para masarap ng mahirap)
Stewardess (gusto ko kasing mag travel ng libre)

Mga nakakahiyang sagot:

Presidente ng Pilipinas (kasi inis ako noon)
Detective (kakabasa ng Nancy Drew)
Batgirl (kakapanood ng Batman)
Artista ('di nga, pero ayoko ng intriga)
Barbie (madami kasi siyang damit at sexy)
Ms. Universe (ok fine, hindi ito pangarap, ilusyon ang tawag dito)



Kulasa:  Kulas, noon bata ka anong gusto mong maging?
Kulas:  Bakit?

Kulasa:  Wala lang, naitanong lang?
Kulas:  Dati gusto kong maging superhero.

Kulasa:  Sino?
Kulas:  Basta.

Kulasa:  Sino nga, ang corny mo naman.
Kulas:  Wag nalang, nakakahiya.

Kulasa:  Sino nga! Bata ka pa naman noon eh.
Kulas.  Wag na lang nga eh, ang kulit!

Kulasa:  Si Superman ano?
Kulas:  Hindi. Basta.

Kulasa:  Ano ka ba, sino nga, ako lang naman sasabihan mo eh.
Kulas:  Ano ka ba, para kang sira.

Kulasa:  Kakainis ka naman, sino na?
Kulas:  Si Batman... satisfied? (ahem, hindi ako tumawa)

Kulas:  O bakit natahimik ka.
Kulasa:  Kasi, noon maliit ako gusto ko maging si Batgirl.

Kulas:  Niloloko mo ako eh.
Kulasa:  Di nga, lagi akong nanood ng Batman.

Kulas:  Talaga?
Kulasa:  Oo, crush ko kasi noon si Robin.

Kulas:  Eh bakit gusto mo maging Batgirl eh si Robin naman pala crush mo.
Kulasa: Wala kas ka-love team si Robin eh.

Kulas: Eh bakit hindi si Supergirl o si Wonder Woman?.
Kulasa: Ewan, basta si Batgirl ang gusto ko.

Kulas: Kakaiba ka naman, Batgirl.
Kulasa:  Actually, bago si Batgirl, gusto ko maging Ms. Universe.

Kulas: Ano kamo? (bakit kaya ganoon ang tingin niya sa akin).
Kulasa:  O bakit, nakakatawa ba?(sabay pa-posing effect)

Kulas: Hindi nakakaridi!
Kulasa:  Che!





.
Back to Top