Halloween

Bakit ba biglang nauso ang Halloween sa Pinas.  Noon bata ako wala naman ganito.  Dati gustong-gusto kong mag trick or treat pero wala naman magbibigay ng candy.  Mapapagkamalan ka pang may topak pag naka costume ka.  Pero ngayon kaliwa't kanan na yung mga lugar na may trick or treat. Napaka swerte ng mga bata ngayon, malas naman ng mga magulang kasi panibagong gastos.

Pero sa totoo lang, nakakatuwang tignan ang mga batang naka-costume.  Karamihan mga multo, may fairy, may super hero, may princess.  Lakad ng lakad para humingi ng candy. Isang tropang ng mga bubwit na pagkaiingay pero napalkasaya.

Dito sa munting bukid namin uso na din ang trick or treat.  Hindi naman pihikan ang mga bata.  Unahan lang sila sa pagkuha ng mga candy.  Pero hindi ito pwede dito sa kubo.  Alam nila na kapag gusto nilang makakuha ng bag pipila sila - as in one line.  At di lang iyon, dapat behave sila, walang maguunahan at walang singitan.

Hindi naman sila takot sa amin ni Kulas.  Madalas nga nakatambay ang sangkatutak na bubwit dito sa amin.  Nakikipag kwentuhan, nilalaro yung mga aso.  Pero alam nila na kapag hindi sila behave - wala silang mahihita.

Kaya naman pag halloween namimili ako ng masarap at di kamahalan candy na ipapamigay.  Nakasupot na ito para walang lamangan.  Ang nakakinis lang, may mga di namin kilalang mga batang pupunta din sa bahay.  Ewan ko ba, di naman naka-costume ay trick or treat daw.  Pero mga bata sila, so bibigyan mo din - in the spirit of the spirits ba. 

Kaya this year pinaghandaan ko na ito.  Di naman ako namimili ng pagbibigyan, yun lang nga, may ibang supot para sa kanila.  Yung masarap ang laman sa mga nag take time para mag costume, yung iba naman na parang bibili lang ng suka, yung regular lang. At least may dala sila pauwi dahil nag effort din silang kumatok.





Kulasa:  Kakainis talaga!
Kulas:  O bakit nanaman.

Kulasa:  Naubusan ako ng candy.
Kulas:  Ang dami noon ah.

Kulasa:  Oo nga, ang dami din kasing dumating eh.
Kulas:  Ikaw naman, mga bata 'yon.

Kulasa:  Oo nga, pero yung ibang kapit bubwit natin hindi ko na nabigyan.
Kulas:  Bakit?

Kulasa:  Naubos nga, may mga foreigners (as in hindi namin kilala).
Kulas:  Ay sus naman ito, eh mga bata iyan.

Kulasa:  Ang kapal kasi, trick or treat daw pero di naman naka costume.
Kulas:  Sus, iyon lang.

Kulasa:  Trick or treat ito, hindi caroling.
Kulas:  Malay mo naman baka naka-costume nga iyon.

Kulasa:  Anong costume?  Eh parang inutusan lang naki trick or treat na!
Kulas:  Sira, ang tawag sa mga iyon - laman lupa.

Kulasa:  Ah ganoon, pwes next year ibabaon ko sila.
Kulas:  Pikon! Next year bumili ka nalang ng mas maraming candy.



Back to Top