Calendar

Lahat ng bahay may kalindaryo.  Sari-saring klase, may pang desk, may pang kwuarto, may pang kusina.  Madaming gamit ang kalindaryo at una na dito ay para alam natin kung anong petsa at araw na. Pero naisip na ba ninyo na hindi lang ito ang gamit ng kalindaryo?  Napaka useful pala niyang item sa bahay.

Sinusultan ng mga paalala tulad ng kung sino ang tatanda, kung kailan pupunta sa doctor, kailan bibili ng gasul.  Ginagamit na pang lining ng mga cabinet, lalo na kung makintab ang papel. Minsan ginagamit na starter pag magiihaw, minsan naman pangsindi ng kalan.  


Ginagamit na pambalot ng mga bituka ng isda bago itapon sa basurahan o kaya last resort na patungan ng ulam sa kotse (that is kung walang peryodiko).

Pag maganda ang picture, ginugupit ito at i-papa frame - viola, may pansabit na sa salas! Pwede din itong pambalot ng regalo (o 'di ba, tipin ka na, cute pa ang pambalot mo).

Ibat-iba ang mga kalindaryo natatanggap natin, kadalasan pag Pasko.  Yung lang talagang maarte ang bumibili ng kalindaryo (di kasama dito yung bumuli para ipang regalo ha).  Libre na nga bibili ka pa, hello?

Iba-iba din ang type natin kalindaryo.  Yung iba gusto maliit lang para ipatong sa mesa nila sa office.  Yung iba gusto maganda ang pictures, well depende ito sa taste ng tao.  Mayroon may gusto ng picture ng bulaklak, picture ng mga famous na paintings, pero yung ibang kilala ko gusto picture ng mga chika babes na halos hubo't hubad (ooo la la, ang laki siguro ng problema nila).

Karamihan sa atin gusto yung mga malalaking kalindaryo na galing sa isang hardware.  Yung bang saksakan ng lapad ng petsa na pwede mong sulatan.  May mga extra ang mga kalindaryong ganito, malibang sa petsa at araw, may nakalagay kung ano phase ng moon, kung low tide o high tide.

Mayroon din iba nakalagay kung sinong santo ang feast day sa araw na iyon. Maraming mga tamad na magulang diyan.  Imbis na magisip ng pangalan ng mga anak nila ay ipapangalan nalang ang bata sa santo para sa araw na iyon. Madami akong kilalalang minalas dahil sa kagagawan na ganito, ang baho ng pangalan nila.

Kayo, ilang ang kalindaryo ninyo sa bahay?  Malamang hindi lang tatlo ang nakakalat.  Pupusta din ako na madalas ninyong makalimutan palitan or pinutin ang nakalipas na buwan.  


Kulasa:  Kailang nga ba yung kasal?
Kulas: Sa 11th.

Kulasa:  11... naku di ata ako makakasama.
Kulas:  At bakit?

Kulasa:  Di ako pwede mag leave.
Kulas:  Leave?  Eh Linggo iyon.

Kulasa:  Linggo?  Wednesday kaya.
Kulas:  Wednesday?  Magisip ka nga.

Kulasa:  Anong iisipin?
Kulas:  Sino naman ang guston ikasal ng Wednesday?

Kulasa:  Eh Wednesday po ang 11th.
Kulas:  Hindi, Sunday iyon.

Kulasa:  Ito o, Wednesday, Wednesday! (sabay bigay ng calendar kay Kulas)
Kulas:  Ah, Wednesday nga.

Kulasa:  See.
Kulas:  Wednesday nga... noon July.

Kulasa:  Anong July?
Kulas:  Ay sus (sabay punit ng kalindaryo).  Eto, Sunday na.
Kulasa:  Ay, Sunday nga.


Tawa tawa kayo diyan.  Pupusta ako may ilan diyan hindi din updated ang calendar.







Back to Top