Kris Kringle

Pasko nanaman o kay tulin ng araw(napakanta ka ano?). Totoo naman, ang bilis ng panahon. Ilan araw nalang pasko na ulit. Panahon ng reunion at exchange gifts.

Uso na din ang kris kringle. Teka, bakit nga ba nagiba ang pangalan nito? Dati monito monita ang tawag dito, ngayon sosy na ang tawag sa kanya. Iba talaga ang influence ng mga dayuhan - kris kringle.

Ano man ang itawag dito, ganoon din ang intention. Bubunot ka ng pangalan na magiging anak-anakan mo ng ilan araw. Bibigyan mo siya ng regalo, minsan sa isang linggo may theme. Something red, something hard, mga kaek-ekan ng marami.

Magmula ng naglaro ako nito tinitignan ko ang mga reaction ng mga bumunot. Tapos tinatandaan ko kung sino ang parang may ayaw sa nabunot niya. Taray ano? Pagdating ng revelation, kilala ko tuloy kung sino ang hindi niya type. Usisera pa ako at titignan ko kung anong regalo ang binigay. Yung iba naman ok lang ang regalo, yung iba, well parang re-cycled. Di ba nakakainis yung ganoon. Parang ang sarap ibuking at ipaalala yung reaction nila. Grrrrrr.

Bakit ba sumasali sa ganitong palaro yung mga taong may hindi pala gusto sa grupo. Sana hindi nalang sila sumali at magbigay nalang sila ng regalo kung kanino nila gusto, Di naman sila pinipilit eh.

Lalo naman nakakainis yung sumali tapos hindi nagbibigay ng gifts sa takdang oras. Yung bang lahat kayo mayroon na yung iba wala pa. Dapat yung mga kuripot na tao wag nag pilitin. Ang dapat sa kanila magsama-sama para lahat sila-sila nalang ang walang regalo.

Maganda sana kung masaya lahat, pero mayroon talagang ibang taong hindi mo alam kung dala lang ng kakunatan nila o talagang galit lang sa pasko. Dapat sa kanila magsama-sama at itapon sa ibang planeta.





Kulas:   Ano, aalis ba tayo?
Kulasa:  Saan tayo pupunta?.

Kulas:  O, 'di ba sabi mo bibili ka ng regalo para sa baby mo?
Kulasa:  Ay naku, wala ako sa mood.

Kulas:  Ay sus, bakit nanaman.
Kulasa:  Eh paano, kailangan daw pati yung mommy mo bibigyan na regalo.

Kulas:  So?
Kulasa:  So? So? Sobra kasing kunat ng mommy ko!

Kulas:  He he he - wala kang natanggap sa weekly ano?
Kulasa:  As in, kahit na nga bula wala!

Kulas:  Wag kang ganyan, hindi maganda 'yan.
Kulasa:  Sus, nag mala-martyr ka nanaman.

Kulas:  Eh 'di wag mong bigyan kung ayaw mo.
Kulasa:  'Yun na nga, nakakahiya naman kung wala akong bibigay.

Kulas:  O 'di bigyan mo.
Kulasa:  Eh wala nga siyang binibigay sa akin!

Kulas:  Eh ano ba gusto mo talaga?  Ang gulo mo!
Kulasa:  Hindi ako magulo, yung mommy ko ang panggulo.

Kulas:  Ganito nalang, buili ka tapos think-think ka nalang kung bibigay mo sa revelation.
Kulasa:  Parang nakakahiya kasi kung wala akong ibibigay.

Kulas:  Ay naku, kung yan lang pino-problema mo, di ka nalang sana sumali.
Kulasa:  Excuse me, hindi naman ako ganoon ano?

Kulas:  Bakit, magkano ba dapat yung regalo?
Kulasa:  200.

Kulas:  Ano ka ba naman.  Kung ako sa iyo bibigyan ko nalang, pang-pa-guilty ba.
Kulasa:  Sige na nga. Bigyan ko nalang siya ng magagamit sa bahay.

Kulas:  'Yan... teka anong balak mong bigay [complete with the looking suspicious tinggin]
Kulasa:  Well, madami naman mabibili sa 200.

Kulas:  Tulad ng?
Kulasa:  Toilet paper, detergent, basahan, o kaya kili-kiliong asin.

In short, bumili din ako ng regalo.  Pero 'di ko nalang sasabihin kasi baka mabasa pa niya ito at sabihin starring pa siya dito.
Back to Top