Tapos na ang Pasko. Tapos na ang mga Christmas reunion at bigayan ng regalo. Busog ang puso, busog ang tiyan.
Ang isang problema during these times ay ang pagkarami-raming pagkain. Hindi lang kasi yung mga niluto mo ang itatago, pati na din yung mga regalong pagkain.
Hindi kalakihan ang ref namin, Dalawa lang kami ni Kulas sa bahay aanhin namin ang pagkalaki-laking refrigerator? Isa pa, malakas sa kuryente ang mga iyon.
Anyway, ito nanaman ang usual na bigayan ng mga sari-saring pagkain from our friendly neighborhood. As in halos maubos ang mga tupperware at ibang plastic na lalagyan ko. Pagbukas mo pa lang nga refrigerator busog ka na. Nakaka-guilty naman na itapon, kasi nga naman pinagpaguran ito ng nagluto.
So anong pinakamagandang gawin sa mga over-flowing blessings?

Kulas: O bakit nanaman nakabushangot yan mukha mo?
Kulasa: Eh kasi tignan mo yung ref, sobrang dami ng laman.
Kulas: Ayaw mo 'yon, ibig sabihin madami kang blessing na na receive?
Kulasa: Blessing nga, Eh paano naman natin uubusin ang blessing na iyan aber?
Kulas: Ito naman parang ang laki ng problema sa buhay.
Kulasa: Eh paano nga, mabubuluok lang ang iba diyan.
Kulas: Sabagay, i-share nalang natin.
Kulasa: Share? Sira ka ba, eh baka mabigay mo pa doon sa nagbigay, kakahiya!
Kulas: Dalhin mo nalang sa office.
Kulasa: Ano ka, baka di masarap ako pa ang mapintasan.Kulas: Eh anong balak mong gawin?
Kulasa: Ewan.
Kulas: Naku ha wag mong itatapon masama 'yon?
Kulasa: Bakit ko naman itatapon?
Kulas: Eh anong nga gagawin natin?
Kulasa: Esep-esep muna.
In short, di namin itinapon, di ko din dinala sa office, ilan lang ang aming nakain, pero naubos. Walang nasayang, at pag timungin ka sa tabi-tabi matutuwa ka at nagtataban ang mga pusa. Bless na bless sila.