Limang taon. Limang taon pagsasama na punong-puno ng katatawanan, kalungkutan, at kabaliwan. Lahat naman tayo dumadaan sa mga pagsubok. Lahat tayo nagkakaroon ng mga hindi malilimutan pangyayari sa buhay. Habang tumataggal, doon nasusubukan ang tibay ng pagsasama. Tibay ng pagmamahal, tibay ng patitiwala, pati na din tibay ng dibdib.
Nasabi ko na sa inyo na ang lambingan namin ni Kulas ay hindi magandang marinig ng mga bata. Tamed na ng sweetness namin ngayon. Hindi kasi namin akalain na makakakita kami ng katapat sa isa't isa. There's never a dull moment sa buhay namin - kahit dalawa lang kami sa kubo.
Kung babalikan ko ang mga pangyayari, kung paano kami nagkakilala ni Kulas, maari ninyong sabihin na parang walang kahihinatnan ang aming pagkakakilala. Wala akong nadinig na mga kampana o anghel na kumakanta, wala akong nakitang mga bituin o nag gagandahan ilaw. Hindi ako kinilig. Walang beautiful eyes effect, walang pa-girly-girly, damsel-damsel ek-ek. Sa totoo lang, napataas ang kilay ko.
Nagumpisa ang lahat ng magkita kami ng isang kaibigan, tawagin nalang natin siya sa pangalan Ping-ping (bakit? malusog siya, period). Mataggal na kaming hindi nagkita ni Ping-ping at sabik na sabik akong makausap siya. Mula tanghalian magkasama kami, kwentuhan walang katapusan. Nag update sa amin mga buhay-buhay, sa mga kaibigan, at kung anu-ano pang bagay.
Ng lumubog ang araw, bigla siyang na-excite at pilit niyang akong pinapapayag na makilala ang isa niyang kaibigan lalaki. Kasing kulit ko daw. Bagay daw kami. Aba, panay pa ang build-up.
In short, tinawagan niya si Kulas. Habang kausap niya sa phone, tuloy-tuloy pa din ang pananalita ko. Hindi naman ako nag-pretend na ako'y isang hard-to-get na babae, baka isipin nalang niya atat ako ano. Biglang may nasabi ang aking kaibigan. Napatigil ako sa pagsasalita. Kumabog ang dibdib ko. Tumibok ng mabilis ang puso at parang hindi ako makahingga. Naririnig pala ako ni Kulas at sukat ba naman pagkamalan akong bakling! I have nothing against gays, pero naman, babaing babae ako!
Gigil na gigil ako at gusto kong makita ang lalaking lokreng na ito. Parang gusto kong buhusan ng tubig o bugahan ng yosi sa mukha. Ngud-ngod ko kaya siya sa kinakain namin? Simplehan ko kaya mamaya at tanggalin ang hanggin ng apat na gulong ng auto niya? Saksakin ko nalang kaya? Madaming pumasok sa isip ko noon mga oras na iyon.
Medyo nataggalan ang pagdating ni Kulas. Naiinip na ako at inaaya ko ng umuwi si Ping-ping. Tama lang 'yon, maganda kung hindi niya kami abutan at magdamag siyang mahanap. Wala kasi akong balak na pagkalandakan at patunayan sa kanya ang kasarian ko.
Babala: Ang mga sumusunod ay R18.
Kulasa: Halika na, umalis na tayo.
Ping-ping: Sandali lang, padating na 'yon. Baka na-traffic lang.
Kulasa: Ay naku, wala na akong interest makilala 'yan.
Ping-ping: Ito naman.
Kulasa: Hoy, ikaw kaya ang pagkamalan bading, matutuwa ka?
Ping-ping: Kasi naman 'yan boses mo eh.
Kulasa: Eh, bakit ba kasi gustung-gusto mong magkakilala kami.
Ping-ping: Bagay kayo, pareho kayong makulit, mababaw, alaskador...
Kulasa: Hah, excited na ako [with matching fake kilig]
Ping-ping: Basta, hindi tayo aalis dito hanggan di dumating si Kulas.
Kulasa: Intayin mo siya magisa mo!
Ping-ping: Ay naku, I can just imagine.
Kulasa: Pwede ba, tama na yan pa-Cupid effect mo.
Ping-ping: Bakit naman?
Kulasa: Hindi ako naghahanap. Active ang aking social life.
Ping-ping: Pero iba ito, I can feel it.
Kulasa: Feel it, feel it. Feelipitin ko leeg mo 'dyan.
Ping-ping: O eto, tumatawag na.
Kulasa: Akin na nga 'yan. [sabay agaw ng phone]
Ping-ping: Easy, easy- remember, first impression.
Kulasa: Wala akong pakialam. [with matching panlalaki ng mata]
Kulasa: P*t*ng 'na mo, bakit ang tagal-tagal mo!
Kulas: P*t*ng 'na mo 'din, maintay ka.
Kulasa: Bakit, may dala ka bang regalo?
Kulas: Bakit, birthday mo ba?
Kulasa: Antipatiko!
Kulas: Suplada!
Kulasa: Ang yabang nito, kala mo kung sinong gwapo.
Kulas: Bakit? Ikaw? Maganda ka kaya?
Kulasa: Hindi, mukha akong kabayo.
Kulas: Sh*yt [tatawa-tawa pa ang unggoy].
Kulasa: Sh*yt ka 'din.
Kulas: Aba, napakatapang.
Kulasa: Sa mga katulad mo, dapat lang.
Kulas: Ano ka ba, amazona?
Kulasa: Palagay mo?
Kulas: Amazonang kabayo?
Kulasa: Oo, kaya bilisan mo, para makatikim ka ng sipa ko!
In short, after this first not so tactful introduction, magkakasundo din pala kami ni Kulas. Mula noon, parati na kaming magkasama. Nakita namin ang gusto at ayaw ng isa't-isa. Natuto kamin umintindi, maging mapagbigay at mag pasensiya. Kahit na hindi kami magkasundo minsan, alam namin andoon kami for each other.
Malaki ang pasasalamat namin kay Ping-ping. Malaki din ang atraso ni Ping-ping sa amin ni Kulas --- but that's another story.
0
Spaghettegg
Lahat naman tayo may kinalakihan luto ni nanay. Mayroon mga putahe na minsan ay sa ating bahay lang niluluto. Pagdating sa ibang tao, parang weird yung pagkain, pero sa inyong magkakamag-anak o mag kakapatid, isa ito sa mga luto ni mader na isang araw ay ihahain sa inyong pamilya.
Isa sa mga favorite kong luto ni Ermat ay yung tinatawag namin mag uutol na spaghettegg. Ano raw? Spaghettegg. Ito ay nilagang itlog na may spaghetti sauce. Ano raw? At ito ay may sangkap din na nilagang repolyo. Ano raw? - Ano ka ba? 'Di ka ba marunong bumasa? Spaghettegg sabi. Napakadaling gawin ito. Ituloy lang ang pagbasa.
Ingredients:
Itlog - ang dami ay depende kung ilan tao ang kakain at gaano itong kalakas kumain.
Spagehtti sauce - Kunin sa freezer ang tirang spaghetti sauce, kung wala, maaring iba nalang ang lutuin.
Repolyo - Hindi pwedeng pechay, pechay baguio, lettuce, mustasa o kang kong. Repolyo lang.
Instructions:
Hiwain ang reployo sa 4 o 8 portions, depende kung gaano kalaki o kung buong reployo ang binili mo. Hiwain itong pahaba, hindi pahalang kasi hindi chop suey ang iluluto mo. Tanggalin yung matigas na parte sa dulo ng repolyo para hindi mabalian ng ipin ang kakain. Magtira ng konti para hindi magkalasan ang dahon kapag luto na ito.
Pakuluan ang repolyo sa isang kaldero, mas madali itong maluluto sa kaldero kaysa sa kawali. Lagyan ng konting asin para hindi matabang. Pagluto na, hangguin ito at wag itapon ang pinagpakuluan - malalaman ninyo mamaya kung bakit. Ilagay ang hinanggong repolso sa malamig na tubig para kulay gulay pa din siya bago kainin at hindi muhkang ni-rape na dahon. Itabi.
Ibalik ang kaldero may laman mainit na tubig sa pugon at ilaga ang iltog [ahhh]. Kung naitapon ninyo ang pinaglagan ng repolyo, malagay ka ulit ng tubig sa kaldero at pakuluan ang itlog. Pag luto na ang itlog, pwede ng itapon ang tubig sa kaldero. Palamigin ang itlog para hindi kayo mapaso dahil babalatan ito [hindi po kinakain ang balat ng itlog]. Hiwain ito sa gitna, pahaba din. Itabi.
Habbang nilalaga ang itlog, pwede na ninyong umpisaan initin yung spaghetti sauce. Kunin ang sauce sa freezer. Mas ok kung medyo na defrost na ng kaunti. Kung kayo naman ay magluluto pa lang ng spaghetti sauce, unahin ito bago ilaga ang repolyo at itlog. Initin hanggang sa malusaw lahat ng yelo ng sauce.
Aysuin ang hiniwang itlog at repolyo sa isang malalim na bandehado. Itlog sa kanan, repolyo sa kaliwa, pwede din itong pagbaliktarin, walang mamatay kung gagawin ninyo ito. Ibuhos ang spaghetti sauce sa itlog at repolyo.
Ihain kasama ng bagong lutong kanin.
O di ba simple lang?
Kulas: Whatchu cooking?
Kulasa: Spaghettegg.
Kulas: Ano? [with matching double take effect]
Kulasa: Spaghettegg.
Kulas: Ano ano? [with matching kunot ng noo]
Kulasa: Read my lips - SPA-GHETT-EGG.
Kulas: Saan mo naman napanood 'yan?
Kulasa: Hoy, recipe ito ng mama ko.
Kulas: Ows?
Kulasa: Yup, at favorite ito namin magkakapatid.
Kulas: Hoy, wag mo nga akong lokohin?
Kulasa: Hoy, hindi kita niloloko, niluluto ito ni mama.
Kulas: Ang mama mo parang gourmet kung magluto, hindi ganyan.
Kulasa: Kung ayaw mo maniwala, tawagan mo sila.
Kulas: OK fine, eh bakit may repolyo? Nilaga 'ata ang niluluto mo eh!
Kulasa: Hindi...spaghettegg nga.
Kulas: Siya-siya, egg-egg kung egg-egg.
Kulasa: Spaghettegg!!!!
Hinain ko yung spaghettegg. Proud na proud ako. Doon sinabi ni Kulas na hindi siya mahilig sa repolyo [huwat! ngayon pa!]. Habbang kinakain ko yung spaghettegg naalala ko si mader. Food does bring good memories 'di ba. Habbang nag mumunimuni ako nilinggon ko si Kulas. Kinakain naman niya yung spaghettegg pero wala siyang imik. Naubos namin yung ulam - pero mas marami akong nakain at pinilit kong ubusin yung repolyo.
Mabait si Kulas. Kinakain naman niya ang mga luto ko kahit hindi niya masyadong nagusgustuhan. Wala kang maririnig na reklamo. Mirienda lang ang katapat noon at hindi na gutom si Kulas.
Ngayon alam ko ng hindi pala mahilig si Kulas sa repolyo. Ngayon alam din ni Kulas na hindi ko siya niloloko. Kasi ng minsan nag punta dito ang akin mga kapatid, natanong niya yung spaghettegg. Ito lang ang sinabi nila - " Sarap noon, madalas lutin ni mama!"

Bargain
Masaya ako ngayon. Yung isa kong pinsan ay naghahandang umalis at mag mi-migrate sa Canada. Nag garage sale ang bru at mapalad ako at isa ako sa mga una niyang tinawagan.
Happy ang pinsan kong ito sa akin. Siguro nakikita niya na kahit paano, unti-unti namin pinagiipunan ni Kulas ang mga gamit namin sa bahay. Di ako nagkulang sa pag kuwento sa kanya ng aming mga balak sa buhay. Mas excited pa nga siya sa akin noon sabihin kong balak namin magkaroon ng sariling bahay. Alam niya kung anong mga gamit ang gusto namin bilhin at kung ano ang mga gusto kong ma-improve dito sa aming kubo.
Magmula noon, kung saan-saan lupalop niya ako inaaya. Bilib ako dito sa pinsan kong ito, laman ng malls. Kahit buong araw siyang palakad-lakad walang kapaguran. Ginagawang pasyalan ang mga tindahan, kahit walang nabibili, sige pa din. 'Di ako nagtataka kung bakit parang ang swerte niya kapag may gamit siyang nabili. Tama lang ang presyo at quality pa ang gawa. Hindi lang siya matiyagang maglakad, nakakainip siya kapag inuusisa na niya ang mga gusto niyang bilhin. Ang bilis ng mata sa mga defects. Kahit na katiting lang ang sira nakikita niya. Minsan nga naiiisip ko - 'di kaya may dugo ni superman ito at parang may x-ray vision? Matindi di ang kamandag niya sa pagtawad. Kakaiba talaga.
Kaya naman hindi ko pinalagpas ang pagkakataon ito. Maaga akong umalis ng office at sumugod ako sa bahay niya. Alam ko kasi kung ano ang mga latest buys niya kaya yun ang mga tinignan ko. Laking gulat ko nalang ng sabihin niya kung ano-ano na ang mga itinabi niya para sa akin! Wala pang isang taon ang mga gamit na iyon at ibinibigay niya sa aking ng higit pa sa kalahati ng presyo. Hindi naman ako impulsive buyer pero a bargain is a bargain.
In short, yung mga pinagiipunan kong gustong bilhin halos nabili kong lahat from her. Si Kulas, hindi rin nagpatalo, may mga kinuha din. Marami pa siyang gustong ibenta sa akin, balak yatang ilipat ang lahat ng laman ng bahay nila dito. Pero kailangan pigilan ang sarili - ang hirap pala noon!
Kulasa: Natutuwa naman ako sa mga nakuha natin.
Kulas: Hmmmm.
Kulasa: You mean 'di ka masaya?
Kulas: Masaya, pero di ba tayo nabigla?
Kulasa: Sus, wag ka ngang ganyan.
Kulas: Kung sabagay, mura naman talaga.
Kulasa: Halos bago pa lahat.
Kulas: Buti nga napigilan mo sarili mo.
Kulasa: Bakit? Hindi naman ako nag panic buying.
Kulas: Pasalamat ka napigilan kita.
Kulasa: Ano? Look who's talking.
Kulas: Anong talking-talking.
Kulasa: Bakit? Totoo naman.
Kulas: Ewan, sino kaya ang nagkalkal ng mga gamit sa kusina.
Kulasa: Paano naman, ang dami niyang mga panluto ng hindi pa nagagamit.
Kulas: Really?
Kulasa: Tignan mo nga ito may presyo pa!
Kulas: Sya-sya.
Kulasa: Ito pa, at ito pa.
Kulas: Oo na nga.
Kulasa: Pati itong mga ito nakabalot pa!
Kulas: Sus, wag ka ng mag justify, ok naman eh.
Kulasa: Talaga, natutuwa ka?
Kulas: Sino ba naman hindi, at least.....
Kulasa: At least ano?
Kulas: At least hindi na ko mapapagod samahan kang mamili king saan-saan.
Kulasa: Che!
Ito kasing si Kulas, as you know, walang tiyaga sa Mall. But anyway, masaya siya, masaya din ako. Bukod sa madami kaming nabili, may natira pa sa ipon namin.