Spaghettegg

Lahat naman tayo may kinalakihan luto ni nanay. Mayroon mga putahe na minsan ay sa ating bahay lang niluluto.  Pagdating sa ibang tao, parang weird yung pagkain, pero sa inyong magkakamag-anak o mag kakapatid, isa ito sa mga luto ni mader na isang araw ay ihahain sa inyong pamilya.

Isa sa mga favorite kong luto ni Ermat ay yung tinatawag namin mag uutol na spaghettegg.  Ano raw?  Spaghettegg.  Ito ay nilagang itlog na may spaghetti sauce.  Ano raw?  At ito ay may sangkap din na nilagang repolyo. Ano raw? - Ano ka ba?  'Di ka ba marunong bumasa?  Spaghettegg sabi.  Napakadaling gawin ito.  Ituloy lang ang pagbasa.

Ingredients:

Itlog - ang dami ay depende kung ilan tao ang kakain at gaano itong kalakas kumain.

Spagehtti sauce - Kunin sa freezer ang tirang spaghetti sauce, kung wala, maaring iba nalang ang lutuin.

Repolyo - Hindi pwedeng pechay, pechay baguio, lettuce, mustasa o kang kong.  Repolyo lang.

Instructions:

Hiwain ang reployo sa 4 o 8 portions, depende kung gaano kalaki o kung buong reployo ang binili mo.  Hiwain itong pahaba, hindi pahalang kasi hindi chop suey ang iluluto mo.  Tanggalin yung matigas na parte sa dulo ng repolyo para hindi mabalian ng ipin ang kakain.  Magtira ng konti para hindi magkalasan ang dahon kapag luto na ito.

Pakuluan ang repolyo sa isang kaldero, mas madali itong maluluto sa kaldero kaysa sa kawali.  Lagyan ng konting asin para hindi matabang.  Pagluto na, hangguin ito at wag itapon ang pinagpakuluan - malalaman ninyo mamaya kung bakit.  Ilagay ang hinanggong repolso sa malamig na tubig para kulay gulay pa din siya bago kainin at hindi muhkang ni-rape na dahon. Itabi.

Ibalik ang kaldero may laman mainit na tubig sa pugon at ilaga ang iltog [ahhh].  Kung naitapon ninyo ang pinaglagan ng repolyo, malagay ka ulit ng tubig sa kaldero at pakuluan ang itlog.  Pag luto na ang itlog, pwede ng itapon ang tubig sa kaldero.  Palamigin ang itlog para hindi kayo mapaso dahil babalatan ito [hindi po kinakain ang balat ng itlog].  Hiwain ito sa gitna, pahaba din. Itabi.

Habbang nilalaga ang itlog, pwede na ninyong umpisaan initin yung spaghetti sauce.  Kunin ang sauce sa freezer.  Mas ok kung medyo na defrost na ng kaunti.  Kung kayo naman ay magluluto pa lang ng spaghetti sauce, unahin ito bago ilaga ang repolyo at itlog.  Initin hanggang sa malusaw lahat ng yelo ng sauce.

Aysuin ang hiniwang itlog at repolyo sa isang malalim na bandehado.  Itlog sa kanan, repolyo sa kaliwa, pwede din itong pagbaliktarin, walang mamatay kung gagawin ninyo ito.  Ibuhos ang spaghetti sauce sa itlog at repolyo.

Ihain kasama ng bagong lutong kanin.

O di ba simple lang?



Kulas:  Whatchu cooking?
Kulasa:  Spaghettegg.

Kulas:  Ano? [with matching double take effect]
Kulasa:  Spaghettegg.


Kulas:  Ano ano? [with matching kunot ng noo]
Kulasa:  Read my lips - SPA-GHETT-EGG. 

Kulas:  Saan mo naman napanood 'yan?
Kulasa:  Hoy, recipe ito ng mama ko.

Kulas:  Ows?
Kulasa:  Yup, at favorite ito namin magkakapatid.

Kulas:  Hoy, wag mo nga akong lokohin?
Kulasa:  Hoy, hindi kita niloloko, niluluto ito ni mama.

Kulas:  Ang mama mo parang gourmet kung magluto, hindi ganyan.
Kulasa:  Kung ayaw mo maniwala, tawagan mo sila.

Kulas:  OK fine, eh bakit may repolyo? Nilaga 'ata ang niluluto mo eh!
Kulasa:  Hindi...spaghettegg nga.

Kulas:  Siya-siya, egg-egg kung egg-egg.
Kulasa:  Spaghettegg!!!!

Hinain ko yung spaghettegg.  Proud na proud ako.  Doon sinabi ni Kulas na hindi siya mahilig sa repolyo [huwat! ngayon pa!].  Habbang kinakain ko yung spaghettegg naalala ko si mader.  Food does bring good memories 'di ba.  Habbang nag mumunimuni ako nilinggon ko si Kulas.  Kinakain naman niya yung spaghettegg pero wala siyang imik. Naubos namin yung ulam - pero mas marami akong nakain at pinilit kong ubusin yung repolyo.

Mabait si Kulas.  Kinakain naman niya ang mga luto ko kahit hindi niya masyadong nagusgustuhan.  Wala kang maririnig na reklamo.  Mirienda lang ang katapat noon at hindi na gutom si Kulas.

Ngayon alam ko ng hindi pala mahilig si Kulas sa repolyo.  Ngayon alam din ni Kulas na hindi ko siya niloloko.  Kasi ng minsan nag punta dito ang akin mga kapatid, natanong niya yung spaghettegg.  Ito lang ang sinabi nila - " Sarap noon, madalas lutin ni mama!"




 
Back to Top