0

Bargain

Masaya ako ngayon. Yung isa kong pinsan ay naghahandang umalis at mag mi-migrate sa Canada. Nag garage sale ang bru at mapalad ako at isa ako sa mga una niyang tinawagan.

Happy ang pinsan kong ito sa akin. Siguro nakikita niya na kahit paano, unti-unti namin pinagiipunan ni Kulas ang mga gamit namin sa bahay. Di ako nagkulang sa pag kuwento sa kanya ng aming mga balak sa buhay. Mas excited pa nga siya sa akin noon sabihin kong balak namin magkaroon ng sariling bahay. Alam niya kung anong mga gamit ang gusto namin bilhin at kung ano ang mga gusto kong ma-improve dito sa aming kubo.

Magmula noon, kung saan-saan lupalop niya ako inaaya. Bilib ako dito sa pinsan kong ito, laman ng malls. Kahit buong araw siyang palakad-lakad walang kapaguran. Ginagawang pasyalan ang mga tindahan, kahit walang nabibili, sige pa din. 'Di ako nagtataka kung bakit parang ang swerte niya kapag may gamit siyang nabili. Tama lang ang presyo at quality pa ang gawa. Hindi lang siya matiyagang maglakad, nakakainip siya kapag inuusisa na niya ang mga gusto niyang bilhin. Ang bilis ng mata sa mga defects. Kahit na katiting lang ang sira nakikita niya. Minsan nga naiiisip ko - 'di kaya may dugo ni superman ito at parang may x-ray vision? Matindi di ang kamandag niya sa pagtawad. Kakaiba talaga.

Kaya naman hindi ko pinalagpas ang pagkakataon ito. Maaga akong umalis ng office at sumugod ako sa bahay niya. Alam ko kasi kung ano ang mga latest buys niya kaya yun ang mga tinignan ko. Laking gulat ko nalang ng sabihin niya kung ano-ano na ang mga itinabi niya para sa akin!
Wala pang isang taon ang mga gamit na iyon at ibinibigay niya sa aking ng higit pa sa kalahati ng presyo. Hindi naman ako impulsive buyer pero a bargain is a bargain.

In short, yung mga pinagiipunan kong gustong bilhin halos nabili kong lahat from her. Si Kulas, hindi rin nagpatalo, may mga kinuha din. Marami pa siyang gustong ibenta sa akin, balak yatang ilipat ang lahat ng laman ng bahay nila dito. Pero kailangan pigilan ang sarili - ang hirap pala noon!



Kulasa:
Natutuwa naman ako sa mga nakuha natin.
Kulas: Hmmmm.

Kulasa: You mean 'di ka masaya?
Kulas: Masaya, pero di ba tayo nabigla?

Kulasa: Sus, wag ka ngang ganyan.
Kulas: Kung sabagay, mura naman talaga.

Kulasa: Halos bago pa lahat.
Kulas: Buti nga napigilan mo sarili mo.

Kulasa: Bakit? Hindi naman ako nag panic buying.
Kulas: Pasalamat ka napigilan kita.

Kulasa: Ano? Look who's talking.
Kulas: Anong talking-talking.

Kulasa: Bakit? Totoo naman.
Kulas: Ewan, sino kaya ang nagkalkal ng mga gamit sa kusina.

Kulasa: Paano naman, ang dami niyang mga panluto ng hindi pa nagagamit.
Kulas: Really?

Kulasa: Tignan mo nga ito may presyo pa!
Kulas: Sya-sya.

Kulasa: Ito pa, at ito pa.
Kulas
: Oo na nga.

Kulasa: Pati itong mga ito nakabalot pa!
Kulas: Sus, wag ka ng mag justify, ok naman eh.

Kulasa: Talaga, natutuwa ka?
Kulas: Sino ba naman hindi, at least.....

Kulasa: At least ano?
Kulas: At least hindi na ko mapapagod samahan kang mamili king saan-saan.

Kulasa: Che!

Ito kasing si Kulas, as you know, walang tiyaga sa Mall. But anyway, masaya siya, masaya din ako. Bukod sa madami kaming nabili, may natira pa sa ipon namin.

0 ang naki-chika:

May gusto kang sabihin?

Back to Top