0

Labs Tori

Limang taon. Limang taon pagsasama na punong-puno ng katatawanan, kalungkutan, at kabaliwan. Lahat naman tayo dumadaan sa mga pagsubok. Lahat tayo nagkakaroon ng mga hindi malilimutan pangyayari sa buhay. Habang tumataggal, doon nasusubukan ang tibay ng pagsasama. Tibay ng pagmamahal, tibay ng patitiwala, pati na din tibay ng dibdib.

Nasabi ko na sa inyo na ang lambingan namin ni Kulas ay hindi magandang marinig ng mga bata. Tamed na ng sweetness namin ngayon. Hindi kasi namin akalain na makakakita kami ng katapat sa isa't isa. There's never a dull moment sa buhay namin - kahit dalawa lang kami sa kubo.

Kung babalikan ko ang mga pangyayari, kung paano kami nagkakilala ni Kulas, maari ninyong sabihin na parang walang kahihinatnan ang aming pagkakakilala. Wala akong nadinig na mga kampana o anghel na kumakanta, wala akong nakitang mga bituin o nag gagandahan ilaw. Hindi ako kinilig. Walang beautiful eyes effect, walang pa-girly-girly, damsel-damsel ek-ek. Sa totoo lang, napataas ang kilay ko.

Nagumpisa ang lahat ng magkita kami ng isang kaibigan, tawagin nalang natin siya sa pangalan Ping-ping (bakit? malusog siya, period). Mataggal na kaming hindi nagkita ni Ping-ping at sabik na sabik akong makausap siya. Mula tanghalian magkasama kami, kwentuhan walang katapusan. Nag update sa amin mga buhay-buhay, sa mga kaibigan, at kung anu-ano pang bagay.

Ng lumubog ang araw, bigla siyang na-excite at pilit niyang akong pinapapayag na makilala ang isa niyang kaibigan lalaki. Kasing kulit ko daw. Bagay daw kami. Aba, panay pa ang build-up.

In short, tinawagan niya si Kulas. Habang kausap niya sa phone, tuloy-tuloy pa din ang pananalita ko. Hindi naman ako nag-pretend na ako'y isang hard-to-get na babae, baka isipin nalang niya atat ako ano. Biglang may nasabi ang aking kaibigan. Napatigil ako sa pagsasalita. Kumabog ang dibdib ko. Tumibok ng mabilis ang puso at parang hindi ako makahingga. Naririnig pala ako ni Kulas at sukat ba naman pagkamalan akong bakling! I have nothing against gays, pero naman, babaing babae ako!

Gigil na gigil ako at gusto kong makita ang lalaking lokreng na ito. Parang gusto kong buhusan ng tubig o bugahan ng yosi sa mukha.
Ngud-ngod ko kaya siya sa kinakain namin? Simplehan ko kaya mamaya at tanggalin ang hanggin ng apat na gulong ng auto niya? Saksakin ko nalang kaya? Madaming pumasok sa isip ko noon mga oras na iyon.

Medyo nataggalan ang pagdating ni Kulas. Naiinip na ako at inaaya ko ng umuwi si Ping-ping. Tama lang 'yon, maganda kung hindi niya kami abutan at magdamag siyang mahanap. Wala kasi akong balak na pagkalandakan at patunayan sa kanya ang kasarian ko.

Babala: Ang mga sumusunod ay R18.



Kulasa: Halika na, umalis na tayo.
Ping-ping: Sandali lang, padating na 'yon. Baka na-traffic lang.


Kulasa: Ay naku, wala na akong interest makilala 'yan.
Ping-ping: Ito naman.

Kulasa: Hoy, ikaw kaya ang pagkamalan bading, matutuwa ka?
Ping-ping: Kasi naman 'yan boses mo eh.

Kulasa: Eh, bakit ba kasi gustung-gusto mong magkakilala kami.
Ping-ping: Bagay kayo, pareho kayong makulit, mababaw, alaskador...

Kulasa: Hah, excited na ako [with matching fake kilig]
Ping-ping: Basta, hindi tayo aalis dito hanggan di dumating si Kulas.

Kulasa: Intayin mo siya magisa mo!
Ping-ping: Ay naku, I can just imagine.


Kulasa: Pwede ba, tama na yan pa-Cupid effect mo.
Ping-ping: Bakit naman?

Kulasa: Hindi ako naghahanap. Active ang aking social life.
Ping-ping: Pero iba ito, I can feel it.

Kulasa: Feel it, feel it. Feelipitin ko leeg mo 'dyan.
Ping-ping: O eto, tumatawag na.

Kulasa: Akin na nga 'yan.
[sabay agaw ng phone]
Ping-ping: Easy, easy- remember, first impression.

Kulasa: Wala akong pakialam.
[with matching panlalaki ng mata]

Kulasa: P*t*ng 'na mo, bakit ang tagal-tagal mo!
Kulas: P*t*ng 'na mo 'din, maintay ka.

Kulasa: Bakit, may dala ka bang regalo?
Kulas: Bakit, birthday mo ba?

Kulasa: Antipatiko!
Kulas: Suplada!

Kulasa: Ang yabang nito, kala mo kung sinong gwapo.
Kulas: Bakit? Ikaw? Maganda ka kaya?

Kulasa: Hindi, mukha akong kabayo.
Kulas: Sh*yt [tatawa-tawa pa ang unggoy].

Kulasa: Sh*yt ka 'din.
Kulas: Aba, napakatapang.

Kulasa: Sa mga katulad mo, dapat lang.
Kulas: Ano ka ba, amazona?

Kulasa: Palagay mo?
Kulas: Amazonang kabayo?

Kulasa: Oo, kaya bilisan mo, para makatikim ka ng sipa ko!


In short, after this first not so tactful introduction, magkakasundo din pala kami ni Kulas. Mula noon, parati na kaming magkasama. Nakita namin ang gusto at ayaw ng isa't-isa. Natuto kamin umintindi, maging mapagbigay at mag pasensiya. Kahit na hindi kami magkasundo minsan, alam namin andoon kami for each other.

Malaki ang pasasalamat namin kay Ping-ping. Malaki din ang atraso ni Ping-ping sa amin ni Kulas --- but that's another story.

0 ang naki-chika:

May gusto kang sabihin?

Back to Top