0

Sabado de Bulak

Maaga kaming nagising ni Kulas. Natapos din namin ang lahat ng dapat namin gawin. Konting punas-punas at walis-walis nalang. Ito ang araw ng pahinga. Habang nanood ako ng TV, umalis si Kulas at pagbalik niya may dalang Talakitok. Buhay at sariwang sariwa, yun lang nga kulang-kulang tatlong kilo ang bigat! Hindi ba niya inisip na dadalawa lang kami dito sa kubo? Isip-isip - Bulak to the rescue.

Mabuti naman at walang lakad si Bulak ng tawagan namin. Explain-explain... alis Kulas, bili fish, laki fish, kain tayo. Okay naman kay Bulak, kasi buang na din daw siya sa bahay.

Tamang-tama naman at mayroon kaming pajo, yung bang mga maliliit na mangga na ubod ng sarap kasama ng kamatis at bagoong. Sabay may mainit na kanin at malamig na coke. 'Di mo talaga mapipigilan ang magkamay.

Si Bulak talaga, parang girl scout, lagging handa. Parang na-anticipate niya na pagkatapos kumain, wala na kaming gagawin. Nga naman, alanggan maguusap nalang kami buong maghapon. Mahirap gawin 'yon, lalo na kapag busog ka at dighay ka ng dighay. Hindi rin naman masaya kung magtititigan nalang kami. So, nagdala ang girlash ng DVD.

May mga DVD din kami dito na hindi ko pa napapanood. Kaya nag DVD marathon kami. Apat na DVD ang pinanood namin at isang TV movie pa!

Si Kulas hindi daw manonood. Girlie-girlie daw yung mga pinappanood namin. Wag ka, nanood din siya - yung una lang nga. Buti nalang, ang dami niyang side comments, hindi ako maka-concentrate sa pinapanood ko.

Madilim na ng matapos kami. Hindi na kami naghapunan. Busog pa kaming lahat.



Kulas : Ano ba 'yan, ang lakas mong tumawa.
Kulasa: Shhhhh. Wag kang magulo.

Kulas : Ano daw, ano daw?
Kulasa: Shhhhh. Makinig ka nalang.

Pagkatapos ng isang oras...

Kulas : Waaaaahhhh! Bakit ka umiiyak.
Kulasa: Shhhhhh. Nag-eemote ako, wag kang makulit.

Makalipas ang ilan oras...

Kulas : Hindi pa ba tapos 'yan?
Kulasa: Shhhhh. Wag kang mainggay.

Kulas : Ano nang nangyari?
Kulasa: Shhhhh. Pwede ba dito ka nalang.

Makalipas ang isa pang oras...

Kulas : Ano, iba nanaman 'yan?
Kulasa: Shhhhh. Oo, manood ka, maganda.

Kulas : Labas lnaang nga uli ako - corny.
Kulasa: Shhhhh.
Kulas : Che. Suplada.

At ilan pang oras pa...

Kulas : Bakit nakasama na si.....
Kulasa: Shhhhh. Iba na ito. Wag kang mainggay.

Kulas : Bah, iba na nga- TV!
Kulasa: Shhhhh. Wang kang magulo.

Kulas: 'Yoko, napanood ko na yan.
Kulasa: Wag kang magkukuwento!

At isang oras pang muli...

Kulas : Indiana Jones? Ilan beses mo ng napanood yan!
Kulasa: Shhhhh. Si Bulak hindi pa.

Kulas : Gutom na ba kayo?
Kulasa: Hindi, ikaw?

Kulas : Hindi naman, busog pa nga, gusto nyo...
Kulasa: Shhhhh.

Kulas : Kanina ka pa shhhh ng shhhhh 'dyan, papatayin ko 'yan.
Kulasa: Shhhhh.

Kulas : Sige, tuloy 'nyo pa yan, baka mamaga yan mga mata ninyo.

Sometimes I hate it when Kulas is right. Kinagabihan, wala na nga ang sakit ng aking katawan, mata ko naman ang masakit.

0 ang naki-chika:

May gusto kang sabihin?

Back to Top