0

Kamag-anak

Ang gulo ng araw na ito para sa akin. Binyag ng akin pamangkin ngayon hapon at kaninang umaga ay pumanaw naman ang isa kong tiyahin. Yung tiyahin kong pumanaw ay kapatid ni mader.

Yung pamangkin kong bibinyagan naman ay anak ng anak ng kapatid ni mader. Pero yung pamangkin ko ay hindi anak ng anak ng kapatid ng aking mader na namatay. Siya ay anak ng anak ng kapatid ng akin mader na nauna ng namatay.

Anim na magkakapatid sila mader, tatlong lalaki at tatlong babae. Dalawangputlima kaming magpipinsan. Labingwalo ang babae, pito lang ang lalake. Pito silang pare-pareho ng apelyido, pero tatlo lang ang magdadala ng apelyido ng akin lolo.
Bakit kamo? Kasi po, yung tiyahin kong namatay, kahit na apat ang anak na lalake, siya ay nagasawa ng kapareho niyang apelyido. Hindi sila makaanu-ano ng kanyangnapangasawa. Nagkataon lang.

Sa tatlong natitirang taga-pagtuloy ng lahi, isa lang ang may anak na lalake.
May edad na itong pinsan kong ito, may apo na, milagro nalang kung magkakaanak pa siya. Yung anak niyang lalake, dalawa ang anak, parehong babae. Yung isa ko naman pinsan lalaki, siya yung bagong ama, pero puro babae ang anak niya. Kung may balak pa siyang sumubok na magka-anak na lalake, may pag-asa pang hindi magtatapos ang pangalan ng akin ninuno. Yung huling lalake, walang asawa. Hindi siya pari, wala siyang sakit at buhay na buhay. Siya ay matalino. Siya ay may kaya sa buhay. Kung nagtataka ka pa, sabihin nalang kaya natin na labing siyam na kaming magpipinsan na babae.

Pero kahit magkaubusan ng apelyido, hindi mapagkakaila na isang katutak pa din kami. Hindi ko pa kasi binibilang ang mga pamangkin ko at ang mga anak nila. Naguluhan ba kayo? Tama lang 'yan, humahanap lang ako ng karamay.



Kulas: Paano na 'yan. Tuloy ba ang binyag?
Kulasa: Tuloy daw.

Kulas: Baka naman magtampo yung mga pinsan mong namatayan.
Kulasa: Bakit naman? Matagal ng naka schedule yung binyag.

Kulas: Hindi 'yon!
Kulasa: Nag usap na daw sila, eh. Ok lang daw.

Kulas
: Sigura do ka?
Kulasa: Oo, nakausap ko na din sila.

Kulas: Hindi ba sasama ang loob ng mga pinsan mo at hindi tayo makikiramay ngayon?
Kulasa: Nagusap na nga kami, sabi ko bukas tayo pupunta (grrrrrr).

Kulas: Talaga? Okay lang?
Kulasa: Alam mo, naiintindihan naman nila.

Kulas: Pero....
Kulasa: Una, matagal ng naka schedule ang binyag.

Kulas: Andon na nga ako....
Kulasa: Pangalawa, hindi biro ang mag pa can-cancel ng catering.

Kulas: Oo nga....
Kulasa: Ikatlo, kilalamo ang mga pinsan ko, sa tinggin mo ba ganoon kakitid utak nila?

Kulas: Kaya lang....
Kulasa: Ikaapat, matagal ng may sakit yung tiyahin ko, nagkataon lang na ngayon siya tinawag.

Kulas
: Kasi...
Kulasa: Ikalima, sa ayaw o gusto mo, kailangan tayong magpunta sa binyag.

Kulas: Eh...
Kulasa: Walang ng eh-eh, ninong ka ano - period!

May mga tao tayong kilala na marunong umunawa ng isang situwasyon. Kahit sa kalungkutan ay nakakapagisip pa sila ng tuwid. Ganyan ang aking mga kamaganak. Hindi makasarili. Hindi tampuhin. Walang kaartehan. Ang tinitignan ay kung ano ang pratical at kung ano lang ang dapat. Hindi ka dapat mag panggap o mahiya - dahil nakikita nila kung ano ang nasa iyong puso. Kaya naman pinagmamalaki ko na ganito ang lahi namin.

0 ang naki-chika:

May gusto kang sabihin?

Back to Top