To the max ang aking trabaho ngayon. Dalawa na ang aking bossing. Isang paalis at isang papalit. Medyo nahihilo ako sa kanilang dalawa. Yung isa, malungkot, yung isa excited. Kailangan titimplahin mo ang mood ng pagharap mo sa kanila. Di ka pwedeng masawa doon sa isa, kasi baka akalain niya tuwang-tuwa ka at aalis na siya. Doon naman sa isa, hindi ka pwedeng malungkot, baka naman isipin hindi ka masaya at siya ang magiging bagong amo mo.
Siyempre panay ang utos ng dalawa. Feeling ko parang may pa-contest sa office at tinitignan nila kung sino sa kanila ang bibigyan ko ng priority. Hindi naman ako nagrereklamo, actually, natatawa nalang ako sa kanila. Ilan beses na din akong nagdan sa ganitong situation. Kung baga, may karanasan na ako sa mga ugali ng mga ex-pat. Di naman ako nahihirapan pakisamahan yung dalawa, nalilito lang nga ako minsan.
Mukhang masarap ngang katrabaho ang aking bagong boss. Dahil may malaki kaming project this year sa office, ang dami niyang pinagagawa. Natutuwa naman ako at nahahasa ang aking kaalaman. Challenging at pati ako nahahawa talaga sa excitment niya.
Yun lang nga hindi pa todo ito. Kasi nga andito pa yung isa kong amo. Siya naman, halatang-halatang parang nagpapalipas oras nalang. Alam ko excited siyang bumalik sa US pero nakikita ko sa kanyang mata na malungkot siya. Limang taon din siya dito kasi.
Sa susunod na buwan, isa nalang ang bossing ko.
Kulasa: Grabe, kakapagod!
Kulas: Ganoon bang kadami ang ginagawa ninyo ngayon sa office?
Kulasa: Sinabi mo! Sulit ang sweldo.
Kulas: Baka naman hindi ka na nakakain ng lunch.
Kulasa: Hindi ah, may yosi break pa din ako.
Kulas: Grabe ba magutos ang bagong mong boss?
Kulasa: Medyo, ang dami lang talagang dapat tapusin.
Kulas: Kayang kaya mo naman 'yan.
Kulasa: Yan gusto ko sa 'yo Kulas, minsan bilib ka din pala sa akin.
Kulas: Sa iyo pa!
Kulasa: Tama na nga yan bola mo.
Kulas: Hindi kita binobola 'no.
Kulasa: Ikaw pa, may catch 'yan eh.
Kulas: Sobra ka, wala.
Kulasa: Ikaw pa!
Kulas: Grabe 'to o.
Kulasa: Ewan.
Kulas: Nga pala, maiba tayo, anong balak mong lulutin ulam?
Kulasa: Kare kare.
Kulas: Ano?!
Kulasa: Gotcha!
Minsan itong si Kulas paiikutin ka pa. Although alam kong ganoon siya mag lambing, minsan ang sarap niyang bulagain. Hindi nga pala kare-kare ang ulam namin. Hindi ako sira ulong magluluto nito sa gabi - anong oras kami makakakain? Besides, gutom na ako kaya sa labas kami kumain. At dahil medyo concerned si Kulas, treat ko siya dinner.
0 ang naki-chika:
May gusto kang sabihin?