0

Labadami, labanggo

Apat na araw walang pasok. Dito lang kami ni Kulas sa bahay. Wala kaming balak pumunta sa ibang lugar so nag-schedule kaming ng mga gagawin para hindi kami mabuang. 

Itong araw na ito ay tinakda namin ni Kulas na araw ng paglalaba at paglinis ng bahay. General cleaning kung baga. Si Kulas ang assigned na maglaba dito sa bahay, ako sa pag plantsa. Isa yan sa mga division of labor namin dito sa kubo.

Hindi ako enjoy maglaba. Bata pa ako inis na inis na ako kapang ang mga binti ko ay nababasa at ginagawang parking lot ng mga langaw. Mas gusto ko ang namamalantsa, kahit na isang timbang pawis ang tugmagaktak sa iyo, walang langaw. Siguro kung wala si Kulas, madalas ninyo akong makikita sa laundromat.

Buti nalang type niya ang magkusot at magpiga. Yup, kahit na may washing machine, iba daw talaga ang linis kapang kinusot ng kamay. Buti nalang hindi kami libagin, kung hindi, siguro tastas at gutay-gutay lahat ng damit namin dito.

Anyway, usapan namin ni Kulas na hindi na maglalaba noon nakaraan Saturday. Kasi nga naman, tatlong araw lang kami papasok sa office, so konti lang ang madadagdag na labahin. Tipid nga naman sa tubig at kuryente. Tama? Mali! Kasi hindi ko expected na si Kulas may mga last minute na gagawin. Eh kung gaano ako inis sa langaw, ganoon kainis si Kulas sa damit na basa ng pawis. Ayun tuloy, parang kabute ang mga labahin, dumami ng dumami.

Pero walang reklamo si Kulas. Kung sa bagay, karamihan doon damit niya. Pagdating ng hapon, lilinisan naman niya ang mga sasakyan, pati halaman diniligan, pati garage binomba ng tubig at winalisan, pati aso dinamay na din.

Ako naman buong umaga akong nagwalis, nag lampaso, nagpunas ng mga anek-anek dito sa bahay. Tinuloy ko pa ito ng hapon. Nag palit ng bedsheet at punda, nag vacuum ng mga silya. Hindi lang 'yon, kumuha pa ako ng toothbrush at isa-isa kong nilinis ang tile grout sa tabla habang nanonod ng Gilmore Girls marathon. Parusa? Talaga!

Kinagabihan naninigas lahat ng daliri ko sa kamay. Habang si Kulas naman, malambot ang kamay (kulubot lang nga!). Maaga kaming natulog. Isip kasi namin madami pang gagawin kinabukasan.


Binuksan ang aircon, nag spray ng freshener - ayun sarap ng tulog namin.



Kulasa: Ano ba 'yan ang daming labahin!
Kulas: Pwede ba, asikasuhin mo nalang yan gagawin mo!

Kulasa: Bakit dumami ng ganyan yan?
Kulas: Eh di madaming nasuot.

Kulasa: Alam ko 'yon ano!
Kulas: Kaya nga, tuloy mo nalang yan. Ako na bahala dito.

Kulasa: Eh bakit nga parang punong-puno 'yan lalagyan?
Kulas: Madami lang tayong damit.

Kulasa: Eh tatlong araw lang tayo pumasok?
Kulas: Eh sa damaming nagamit.

Kulasa: Sus, nagpalit ka ng nagpalit nanaman ano?
Kulas: Mainit eh.

Kulasa: Ganyan ka dami?
Kulas: Madami kang tanong.

Kulasa: Nagtataka lang ako, kasi bakit...?
Kulas
: Ako walang reklamo, ako naman ang may tanong - gusto mo ikaw ang maglaba?

Kulasa: Bossing naman.... concerned lang ako.
Kulas: Che!
 

Isa lang ang target namin ngayon araw na hindi namin natupad - ang magtitipid ng tubig at kuryente. Pero hindi mo matutumbasan ang tulog na mahimbing at malinis na bahay.

0 ang naki-chika:

May gusto kang sabihin?

Back to Top