Akala ko kaya kong i-update ang blog at least araw-araw. Pero ngayon mga nakaraan linggo medyo nakaligtaan ko ito. Ewan ko ba kung bakit parang wala akong maisulat. Hindi sa walang nangyayari sa buhay ko, madami, yung lang nga, parang hindi magandang ilagay dito.
May mga nababasa din akong ibang bloggers na ganito din. Parang walang maisulat. Lahat naman yata tayo dumadaan sa mga araw na ganito. Ayoko naman maglagay ng kung anu-ano dito para lang masabi na mag update ako.
May mga blogs nga akong nababasa na talagang araw-araw may update. May mga blogs naman na uunti lang ang entries pero ang ganda ng mga laman. Sana ganoon akong klaseng tao. Magaling magsulat at maraming issue at topics.
Kulas: Kumusta nga pala blog mo?
Kulasa: Ayon, tuloy-tuloy pa 'din.
Kulas: You mean, consistent kang mag update?
Kulasa: Hindi
Kulas: Hah! Sabi ko na nga ba eh!
Kulasa: Hoy, hindi lang ako araw-araw nag u-update, at least once a week.
Kulas: Bakit naman once a week lang?
Kulasa: Eh sa wala akong maisulat 'no?
Kulas: Ikaw pa? Yan daldal mong yan wala kang masabi?
Kulasa: Hindi sa ganoon, siyempre pipiliin mo ang ialagay mo.
Kulas: Marunong ka pala noon?
Kulasa: Ng alin?
Kulas: Pagpigil ng sasabihin.
Kulasa: Siyempre naman.
Kulas: Talaga? Alam ko taklesa ka.
Kulasa: Hindi ako taklesa! I just speak my mind.
Kulas: Ganoon din 'yon!
Kulasa: Hindi ah, at least ako medyo pinipili ko ang sasabihin ko.
Kulas: Talaga?
Kulasa: Oo naman, minsan diplomatic at civil ako.
Kulas: Ewan.
Kulasa: Anong ewan?
Kulas: Minsan ayaw mong magpapatalo.
Kulasa: Hindi ah, sinasabi ko lang opinion ko.
Kulas: Minsan naman madali kang maasar sa kausap mo.
Kulasa: Yun ay pag mahina ang pick-up.
Kulas: Bakit? Matalino ka ba?
Kulasa: Sinabi ko ba?
Kulas: Tignan mo - ayaw mo talagang magpapatalo.
Kulasa: Eh pinipikon mo ko!
Kulas: Hindi kita pinipikon.
Kulasa: Bakit ba napunta dito ang usapan?
Kulas: Ayaw mo noon - eh di me maisusulat ka na sa blogmo.
Kulasa: Basta hindi ako taklesa.
Kulas: Sus, sige di ka taklesa, vethcy ka nalang.
Kulasa: Cheap mo!
He he he... Tama nga si Kulas, may entry na ako sa blog. Sa mga nakakakilala sa akin diyan, di naman ako ganoon kasamang tao. Lahat naman tayo ay may karapatan magkaroon ng sariling opinion - tungkol sa politika, relihiyon, at kung ano-ano pa. Ako naman ay hindi magsasabi ng opinion ko basta-basta. Wag mo lang akong tanungin kung nasa mood ako, dapat ready kang makinig.
0 ang naki-chika:
May gusto kang sabihin?