Masakit ang katawan namin ni Kulas. Hindi dahil hindi kami sanay magtrabaho, medyo na-over lang kami kahapon.
Tuyo na ang mga labada namin. Dala-dala ni Kulas ang isang damakmak na mga damit at itinambak sa kama. Syete palabras, gabundok! Ayun, buong umaga kong tinapos ang plantsahin. Kung di ba naman ako sira, pangako ko kasi sa sarili ko na tatapusin ko lahat yon, sayang nga naman ang
kuryente.
Habang namamalantsa ako, abala si Kulas sa pagayos sa taas. Ewan ko ba dito kay Kulas. Madaling magsawa sa itsura ng kubo. Maya-maya niririgodon ang mga kasangkapan! Kung siguro nakakapagsalita lang ang mga gamit nag reklamo na din sila.
Buti nalang at siya ang nagluto ng tanhalian namin, siya na din ang naghugas ng plato. Dapat lang - ayokong mapasma. Eto na nga at naninigas pa nga ang mga daliri ko.
Masaya na kami at malapit ng matapos ang aming general house keeping. Nag ayos si Kulas ng mga halaman, ako naman ay nagayos ng gamit sa kusina. Medyo light ang load - kasi pareho pang masakit ang katawan namin.
Kulas: Saan ko lalagay itong tuyong damit.
Kulasa: Sa kwuarto nalang lahat.
Kulas: Madami ito.
Kulasa: Basta, 'dyan mo lang ilagay.
Kulas: Sigurado ka, baka magusot yung iba.
Kulasa: Piliin mo, yung di na kailangan plantsahin, ilagay mo na sa closet.
Kulas: Eh yung mga socks at panyo?
Kulasa: Ipatong mo lang, ako na bahala.
Kulas: Doon ko nilagay sa kama.
Kulasa: Ano ba 'yan... Mt. Apo!
Kulas: Eh di yung iba isabit nalang muna.
Kulasa: Ano ka, sayang naman ang kuyente kung bukas mamamalantsa pa ulit.
Kulas: Kaya mo ba?
Kulasa: Ako pa?
Hindi ko alam kung pride, o commitment, o persistence, o kung ano pa man ek-ek ang tawag kapag determinadong kang tapusin ang isang bagay na sinabi mo sa iyong sarili na gagawin at tatapusin mo. Basta ang alam ko ..... masakit pa rin ang katawan ko!
0 ang naki-chika:
May gusto kang sabihin?