Kakapanood ko lang sa TV ang tungkol sa sikat na artista noon dekada 80. Swak na swak dahil yung ang panahon namin ni Kulas. Ilan beses ba din namin napagusapan ang tungkol dito. Di pa kasi kami magkakilala noon, pero nalaman na di nagkakalayo ang mga pinaggagagawa at pinapupuntahan namin.
Wala ngang ukay-ukay noon, pero ang presyo ng mga damit at sapatos halos pareho lang. Biro mo makakabili ka na ng pumps sa Via Venetto, 200 pesos lang. Uso noon ang Espadrilles, Crayons, Haruta, at ang all time favorite - Sperry Topsiders. Hindi pa hit ang badminton pero madami ng nagsusuot ng Dragonfly, pati na din K-Swiss at Tretorn.
Walang DVD - Ang 500 o L750 ay hindi sasakyan, ito ay etamax. Walang cable TV, local channels at FEN lang. Sikat ka pa kasi pagkalaki-laking antennae ang nakakabit sa bubong ng bahay ninyo (isang channel lang naman)Kung iisipin mo nga, ilan lang ang channels noon pero ang dami mong gustong panoorin.
Ako ay certified couch potato noon. Kaya pagdating sa mga TV shows, madami akong naalala. Flor-de-Luna at Anna-Lisa ang mga tele-seryeng inaabangan. Mga babae sinusundan ang Knot's Landing at Dynasty. Sa Discorama at Penthouse Live natutong sumayaw. Ang Spin-a-Win naman ang nagbibigay noon ng dagdag kaalaman sa tao (agree o disagree?). At na mangha naman ang lahat sa That's Incredible.
Hit na Pinoy shows noon ang T.O.D.A.S., Champpoy, John and Marsha, Chicks to Chicks at That's Entertainment. TV Series pa noon ang Charlie's Angels at Starsky and Hutch. Sinundan ito ng C.H.I.P.S., A-Team, Little House on the Prairie, Mc Gyver, at Eight is Enough. Madaming nabaliw kila Shawn Cassidy, Scott Baio, at kay Leif Garrett, pati na rin sa Menudo (bata pa noon si Ricky Martin. Inaabangan din ang Battle of the Network Stars kasi halos lahat ng napapanood mong US stars ay nasa isang show.
Sino naman ang makakalimot Sesame Street (Take the golden AN, to the tan truck, and give it to horse) at Electric Company (Hey you guys.....). Mahal na ang TF ngayon ng ibang kasama noon sa Kaluskos Musmos at Pen Pen de Sarapen.
Natatandaan nyo ba yung "The Preppy Book". Kung ano-ano ang nakasulat doon. Pati mga pangalan ng tao, mga damit na dapat isuot kasama. Sayang lang nga at hindi ko alam kung saan ko nailagay yung libro. Maganda sanang balikan.
Masarap ang alalahanin ang nakaraan. Alam ko na hindi lang ako ang laking 80's marami tayo. Aminin mo man o hindi, halata, lalo na kung nakaka-relate ka.
Kulas: Nagpupunta ka ba sa disco noon?
Kulas: 'Bat no naman natanong 'yan?
Kulasa: Wala lang, kasi inis na inis ka pag nakikinig ako ng mga kanta ng 80's
Kulas: So?
Kulasa: Bakit nga?
Kulas: Maingay kasi.

Kulasa: Sus, nagsasaway ka sa ledge noon ano?
Kulas: Hindi ah.
Kulasa: Siguro nalaglag ka. Bad momories ba?
Kulas: Sobra ka.
Kulasa: Ito naman. Saan ka ba nagpupunta noon?
Kulas: Kung saan-saan.
Kulasa: Sa Tibs nagpupunta ka?
Kulas: Aha! Tambayan mo yon ano?
Kulasa: Hindi ah, mas gusto ko pa sa gasolinahan, yun sa Makati Ave.
Kulas: Sus, cheap mo!
Kulasa: Cheap? Excuse me, matipid lang ako.
Kulas: Doon ka lang nagpupunta?
Kulasa: Hindi, pag walang lang pera, pag meron sa Tia.
Kulas: Naku ha, siguro laging kang lasing noon.
Kulasa: Hindi ano, kahit na minsan hindi ako nalaglag sa hagdan ng Tia.
Kulas: Siguro ang taas ng bangs mo noon ano?
Kulasa: Hindi naman, pero gumamit din ako ng Aqua Net.
Kulas: He he he, naka shoulder pads?
Kulasa: Yup, uso eh.
Kulas: Bumabalik naman daw an uso di ba?
Kulasa: Oo naman, pero matagal pa siguro.
Kulas: Bakit, type mo ba uling magdamit ng ganoon?
Kulasa: Kung uso naman 'bat hindi?
Kulas: Yuck!