Patotot
Madami siguro ang nagbabasa nito ay hindi umabot sa panahon under Martial Law ang Pilipina. Yun naman nakaka-relate dito, umamin na kayo, tayo-tayo lang naman eh.
Bata pa ako noon (well, medyo), tapos nagkakagulo sa village namin. Nag uusap-usap ang mga fathers and mothers sa kalye at seryoso sila. Di naman namin maintindihan kung bakit sila parang kinakabahan. Ang natatandaan ko ay masaya aking magkakapatid dahil walang pasok.
Isa sa mga hindi ko malimutan noon may Martial Law pa ay yung mga taong nagbubunot ng damo sa gitna ng ESDA (yup, may island pa noon sa EDSA). Sabi ni Erpat yung daw ang mga nahuhuling nag jay walking. Parusa sa kanila iyon dahil hindi sila tumawid sa tamang tawiran.
Buti pa noon medyo tumino ang mga tao. At least hindi sila nakikipag patintero sa nga jeep at bus, di tulad ngayon. May mga overpass na ngang pwedeng tawiran, pilit pa din sa daan tumawid. Pagnasagasan ikaw pa ang may kasalanan. Ang tititgas ng ulo ng ibang tao, talaga naman ang sarap nilang ibitin sa puno.
Businahan mo, ang sama ng tigin sa iyo. Yung iba lalo pang babagalan ang pagtawid. Di ba nakakaasar talaga? Kung ako lang ang masusunod gusto kong bigyan ng lesson ang mga pasaway na ito.
1. Walisin ang runway ng NAIA - gamit ay tootbrush.
2. Palakarin ang haba ng ESDA - na naka paa.
3. Pintahan ang tren ng LRT - habang ito ay umaandar.
4. Painumin ng 10 pitchel ng tubig - galing sa Manila Bay
5. Busugin at pasakayin sa Anchor-Away sa Enchanted - ng 3 oras.
Ewan ko lang kung hindi pa naman tumino ang mga patotot na ito.