Nang magpagawa kami ng bahay ni Kulas, napag kasunduan namin na maglalagay kami ng tambayan sa itaas.
Ginawang pet project ito ni Kulas. Una, balak niyang lagyan ng parang gazebo, para may shade daw at hindi maiinit kapag natindi ang araw. Pagkatapos ng tatlong araw, may apat na posteng nakatayo at di nagtagal, buong itaas namin ay nilagyan na din ng bubong!
Pagtakapos, nilagyan din ito ni Kulas ng grills. Kaya naman ng matapos, may maliit kaming tambayan at lugar na pahinggaan. Dito din namin dinadala ang aming mga bisita. Mahangin at masarap tulugan.
Pero medyo nahihirapan kaming ibaba ang mga trapal kapag umuulan. Umaanggi kasi at nababasa ang mga gamit.
Kaya naman si Kulas nakaisip ng bagong project. Ayun, palalagyan na niya ito ng permanent na takip. Gagawin cemento na yung ibang sides pero may butas pa din para tagusan ang hangin at kita pa din ang tanawin.
Ewan ko ba dito kay Kulas, pag may naisiip di mo mapigilan. Kung sabagay tama siya. Mas matibay, mas safe at mas maganda. Mas magastos lang nga.
Kulas: Ano agree ka ba?
Kulasa: Saan?
Kulas: Papasimentuhan ko na?
Kulasa: Yung itaas?
Kulas: Oo, para wala ng problema pag umuulan.
Kulasa: Tangalin nalang natin yung gamit sa taas.
Kulas: Saan mo ilalagay, dito sa baba?
Kulasa: Kasi naman sino ba ang nakaisip na lagyan ng gamit yung itaas.
Kulas: Kasi naman sino ang bili ng bili ng gamit?
Kulasa: Kelan mo naman balak paumpisahan.
Kulas: Next week o two weeks from now.
Kulasa: Next week?
Kulas: Para tapos agad.
Kulasa: Naku Kulas, ayan ka nanaman.
Kulas: Bakit?
Kulasa: Siguradong, lagpas sa budget mo nanaman yan.
Kulas: Ah hindi, this time I know better.
Kulasa: I know you better!
Kulas: Sus, pustahan tayo.
Kulasa: Ay naku, wag na, talo ka lang.
Kulas: Hindi, basta ngayon controlled ang gastos.
Kulas, Kulas. Parang 'di kita kilala. Naki-kinita ko na. Hindi masusunod yan original plan mo. Tignan lang natin.
Alimasag
May pinuntahan kaming kasal ni Kulas. Eh di siyempre kainan na naman. Pero kasi Sabado, day-off ni diet. Parang nadadalas ang pag day-off ng pag da-diet namin ngayon ah (hmmmm).
Anyway, kasama namin sa kasal si Bulak. Hapon pa ang kasal kaya inaya kong managhalian si Bulak dito sa kubo.
Namalengke kami ni Kulas ng maaga. Nakakita ako ng alimasag. Naku, buhay at puro gay crabs! Matagal akong hindi nakakakain ng alimasag. Sinasamsam ko talaga ang lasa at kukutkutin ko lahat ng mga galamay at sipit nito. Madalas binabalik-balikan nalang ako ni Kulas sa mesa. Di niya maintindihan kung bakit inaabot ako ng ganoon katagal.
Pag dating ni Bulak, sabak kaagad kami. Lagpas isang oras kaming kumakain. Nagsugat na ang mga kamay sa katatalop, pati dila mahapdi na sa pagsipsip. So what kung may kasal, emcee pa naman si Bulak. Siyempre pagkatapos kumain ang pinakamasarap na parte yun pag yosi. Samahan mo pa ng kwento. Ayun, di tuloy namin nakita yung bridal march.
Pero buti nalang at busog kami. Aba dalawang oras sa simbahan, tapos medyo maykalayuan pa ang reception. Gumamit ng wedding planner yung kinasal, kaya medyo lalong humaba yung programme bago yung eating time. Cute yung mga gimmik at siguradong magiging one unforgettable moment iyon sa mga bagong kasal. Memorable din yung kasal sa akin. Ngayon lang ako naka-attend ng kasal at reception ng inabot ng limang oras!
Kulas: Anong sabi?
Kulasa: Pag tawag ng table no., punta tayo sa harap.
Kulas: Bakit?
Kulasa: Yun yung picture with the couple.
Kulas: Tapos?
Kulasa: Tapos doon lang tayo pupunta sa buffet table.
Kulas: Ahhh, teka, table 16 tayo ah!
Kulasa: He he he, bakit gutom ka na ba?.
Kulas: Nope, ikaw?
Kulasa: Hindi ano! Lasang alimasag pa nga ang dighay ko.
Kulas: Yuk! Si Bulak kaya?
Sa haba ng programme, gabi na kaming nakauwi. Sa bahay na natulog si Bulak. Soon magiging neighbor ko na si Bulak. Nabili niya yung isang kubo sa may likod namin. May kasama na akong kumain ng alimasag ng matagal.
Bossing
Hay naku, dadating na ang aking magiging bagong boss. Tapos na ang term ng current kong amo kaya fly na siya siya ulit sa US. Maraming nagsasabi na okay katrabaho itong bagong kong amo. Kung sabagay, sa trabaho ko di naman ako pwedeng mamili ng boss.
Yung una kong boss na foreigner ay americano, pero tubong Cuba. Mainggay at masaya. Mahilig mang-asar, yung bang tipong nakikipag lokohan sa mga tao. Yung amo ko naman ngayon, laking England. Ah yes, he's so bloody proper. Pero cool. Di kasing inggay ng dating kong bossing, pero makwento. Pag kausap ko nga parang si 007 ang kaharap ko.
Ito kayang bago kong bossing? Sa picture ko pa lang nakita. Mukhang tamapang at palaban. So far maswerte naman ako sa mga nagging boss ko. Kasundo ko silang lahat. Hayaan ninyo, ikwe-kwento ko nalang sa inyo in the coming months.
Kulasa: Bago na magiging bossing ko.
Kulas: Hanggang kelan si Briton?
Kulasa: Pauwi na bago mag Mayo.
Kulas: Naku, kailangan magkaroon ng farewell party.
Kulasa: Oo nga, imbitahin natin ulit yung mga makukulit.
Kulas: Tapos lalasingin nyo nanaman.
Kulasa: Oy sobra ka, kagagawan niya yon.
Kulas: Bakit siya, tagayan 'nyo ba naman ng napakadami.
Kulasa: Aba, matanda ng siya, alam na dapat niya ang kaniyang limit.
Kulas: Ewan.
Kulasa: Bakit may driver naman siya ah.
Kulas: Sabagay, enjoy naman siya sa pag kanta.
Kulasa: Siyempre, at nagustuhan pa niya ang pagkain noon.
Kulas: Ano naman balak ninyo ihanda?
Kulasa: Ewan, pakainin ko kaya ng balut?
Kulas: Balut? Sira ka ba?
Kulasa: Aalis nalang siya di pa siya natikim noon.
Kulas: Wag naman, maawa naman kayo sa tao.
Kulasa: Grabe ka, ano naman akala mo sa akin?
Kulas: Sira ulo.
Kulasa: Ito naman nagloloko lang, masyado kang serious.
Kulas: Kung ako sa inyo, imbitahin ninyo yun bago mong amo.
Kulasa: Ano ka, bago lang yon baka mabigla sa amin.
Kulas: Kita mo na, may takot din pala kayo.
Hindi naman grade yung mga kasamahan ko sa office. Magkakasundong kumain, uminom (in moderation ha), atsiyempre mag yosi. Nakakapagtaka nga, kasi itong boss ko ngayon hindi nag yo-yosi, pero gusto niyang kaming kasama. Hindi siya natatakot sa second hand smoke. Siguro feeling niya bata siya pag kasama niya kami.

Diet
Nadagdagan ba ang inyong timbang nitong lumipas na buwan. Ang dami naman talaga ng masasarap na pagkain, siguradong hindi lang kami ni Kulas ang bumigat. Eh paano mo naman pipigilan ang sarili mo. Sa dami ng party at reunion na pinuntahan namin nakakahiwang di kumain. Hindi ko na kailangan tumigin sa timbangan para malaman na bumigat ako.
Gusto ko man mag diet, hirap ako. Parang tinatawag ako ng mga ulam. Parang naririnig ko ang mga pagkain nagsasabi- Kulasa, halika, tikman mo kami. Alam ko niloloko ko ang sarili at ang justification ko pa ay - sayang baka mabulok! Sabi nga ni Kulas, wag na akong bumili ng kung anu-ano para hindi ako manghinayang. Pero mahilig akong magluto, mahilig akong mag experiment sa kusina. Eh sino pa ba ang kakain noon kung hindi kaming dalawa.
Sinubukan namin mag tinapay after New Year. Tinapay, as in bread, tipo bang no rice after six. Akala ko tuloy-tuloy na ito kasi dalawa kami ni Kulas. Hah, in your dreams.
Kulasa: Kulas, ano gusto mong ulam?
Kulas: Nagtulo na ako.
Kulasa: Ha? Ano nanaman 'yan - tuna?
Kulas: Hindi, bulalo.
Kulasa: Bulalo?
Kulas: Oo, with buto na may utak pa.
Kulasa: Ano ka? Bulalo at tinapay?
Kulas: Ano ka? Siyempre kanin.
Kulasa: Eh sabi mo diet tayo, tinapay lang.
Kulas: Sa gabi 'yon, tangahali naman ngayon at Sabado.
Kulasa: Ano ka, walang day-off ang pag diet ano.
Kulas: Di naman pag diet ang pinagusapan natin.
Kulasa: Hindi nga diet, pero tinapay hindi rice.
Kulas: Sa gabi, nakikita mo na ba ang buwan?
Kulasa: That's not the point.
Kulas: Point-smoint. Eh di mag tinapay ka kung gusto mo.
Kulasa: Kakainis ka naman eh. Nakatikim ka na ba ng bulalo sandwich?
Kulas: Hindi. Pero di naman kita pinipilit mag rice ah.
Kulasa: Hindi nga, pero ano, magluluto pa ako ng iba?
Kulas: Ikaw, basta ako ito ang kakainin ko.
Kulasa: Ang daya mo!
Kulas: Bakit exam ba ito? (tatawa-tawa)
Kulasa: Kakainis ka na ha.
Kulas: Alam mo, niluto ko to kasi alam ko favorite mo.
Kulasa: Hmmmmmp, hindi yan ang favorite ko (uuuy, pero touched)
Kulas: Sarap nito, may patis at kalamansi.
Kulasa: Ewan.
Kulas: Tapos init-init kanin, talap-talap.
Kulasa: Unggoy!
Wala din. Ng makita ko yung umuusok na sabaw - bumigay din ako.

Munimuni
Lumipas na din ang isang taon. Marami kaming dapat pasalamatan ni Kulas. Madami kaming natanggap na biyaya noon isang taon. Isa sa matatawag kong pinakamalaking namin blessing na amin natanggap ay ang magkaroon ng sariling kubo.
Halos apat na taon na kaming nangungupahan. Kaya naman ng makalipat kami, ganoon nalang kasaya kaming dalawa.
Mahirap magpagawa ng sariling kubo. Totoo na andyan ang tampuhan, angilan. Ito pa naman si Kulas minsan pilosopo. Ako naman di magpatalo. Buti nalang natapos din.
Madami din kaming pagsubok. Pero dahil sa pasensiya, dasal at tiyaga, ayun, nalagpasan din. Kaya ganoon nalang ang pasasalamat namin ni Kulas at patuloy namin idinadasal ba sa bagong taon ay malagpasan namin ulit ang mga pagsubok na dadating.
Para hindi ma-frustrate at maging masaya ang pananaw sa buhay, ito ang aking mga pinaniniwalaan:
Be optimistic, look beyond the wrappings and the trimmings;
Be content with the little things and material things become immaterial;
Believe in the power of happiness, laugh at your mistakes;
Believe that prayers are answered - it may be a yes, it may be a no, it may be now, it may be later;
Believe that wishes do come true.
Sana saya at sagana ang dulot sa inyo ng taon darating.