0

Mother Bulak

Nakilala ko na din ang mga magulang ni Bulak. Nagpunta sila dito ngayon at tinignan nila ang magiging kubo nila. Tanaw kasi ito sa amin, so bago sila nagpunta doon, dito muna sila tumuloy.

Kadadating lang ng nanay ni Bulak galing Bacolod. Pag dating dito may dala silang danggit, kaimito, at mangga. Dala ito ng bunso nila, si Baby Bulak. Kitang kita so sa mata ni Kulas na tuwang-tuwa siya. Di dahil nakilala din niya si Mother Bulak pero dahil natakam siya doon sa danggit na dala.

Ang kubo na nabili ni Bulak ay i-re-remodel pa. Malaking trabaho pa ang gagawin doon. Para wag madismaya si Father Bulak, ipinakita muna namin ang kalalabasan ng kanilang kubo. Ayaw din naman namin matawag nilang baliw ang kanilang anak dahil bumili ng ganoon kubo. Mahirap na, baka akalain kasalanan pa namin kaya naging ganoon ang anak nila. Mabuti naman at hindi sila nagwala.

Itong pang si Bulak, ubod talaga ng friendly. Biro mo, kakikilala lang niya sa kanilang magiging kapit-kubo, aba, nakapasok na ng bahay at kinilatis na ang pinagawa ng neighbor niya. Kung sabagay, inawa naman siya sa loob. Iba talaga ang PR nitong babaing ito.

Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ng mga magulang ni Bulak. Itatanong ko pa ito sa kanya. Pero sana, nagustuhan nila at masaya sila.




Kulasa: Ang cool ni Mother Bulak ano?
Kulas: Sus, tinawag ka lang mestiza natuwa ka na.
Kulasa: Ano naman masama doon?

Kulas: Excuse me, 'no, eh mas maputi naman ako sa iyo.
Kulasa: Oo, mas maputi yan tiyan mo.

Kulas: Ano ka? Sino ba mas matanggos ang ilong?
Kulasa: Hoy, di 'yan mataggos, malaki oo.
Kulas: Che, inggit ka lang.

Kulasa: Ngyek, kaya pala malakas ka umatsing.
Kulas: Sira, feel na feel ko lang kaya ganoon.

Kulasa: Ewan.
Kulas: Bakit, sabi din naman ni Mother Bulak mestizo din ako.

Kulasa: Sabihin mo nahiya lang 'yon.
Kulas: Ano ka.
Kulasa: Talaga naman, mapula ka eh.

Kulas: I have a tan.
Kulasa: Tan, tan, tantanan mo nga ako!

Nagpaiwan dito si Bulak at dito naghapunan. Yung magulang niya at kapatid umuwi ng maaga. Birthday pala ni Father Bulak bukas kaya ipagluluto pa siya ni Mother Bulak. Sweet 'no.
0

Birthday ni Bulak

Birthday ngayon ni Bulak. Nagpunta siya dito sa bahay at dito siya nag dinner. As usual, medyo nagtagal kami sa mesa. Nag hotplate kuno kami. Gustong gusto namin gawin ito ni Kulas. Kanya-kanyang luto, walang lamanggan.

Buti nalang pala at nakapaglinis ako ang bahay. Pinagtatatanggal ko na yung mga kumot na ginamit ni Kulas pangtakip ng gamit. Pero halos buong maghapon akong nagwalis at nag punas ng tabla. Talagang napaka alikabok. Nangulubot na nga ang mga kamay mo dahil sa basang sasahan, nanakit pa ang tuhod at likod.

At least maaliwalas na. Mukhang bahay na siya ulit. Di tulad noon nakaaran linggo na parang scene sa isang haunted movie ang bahay. Biro pag pasok mo may takip lahat ng kagamitan. Kulang nalang nga sapot at gagamba, pwede ng upahan para sa mga horror movie.

Anyway, mabalik tayo kay Bulak. Excited na siya kasi malapit na siyang lumipat. Sa likod lang ng kubo namin ang magiging bahay niya. Sa lapit nga pwede na sigurong magsigawan at magtanong kung ano ang ulam - kakahiya lang nga sa ibang kalapit-kubo namin.



Kulasa: Pupunta daw dito si Bulak.
Kulas: Anong oras daw.
Kulasa: Mga seven, magsisimba pa daw siya.

Kulas: Naku ha, di kaya malusaw 'yon?
Kulasa: Eng-eng.
Kulas: Malapit nang lumipat si Bulak ano?
Kulasa: Oo nga, excited na nga ako.
Kulas: Naku, sigurado madalas 'yon dito.

Kulasa: Siyempre naman, gagawin namin tambayan ito.
Kulas: Sira, magtatago lang 'yon sa nanay niya para mag yosi.

Kulasa: Ano naman sama doon?
Kulas: Wala.

Kulasa
: Oy Kulas, di ko gusto yan hugis ng nguso mo.

Kulas: Ano naman kinalaman ng nguso ko sa paglipat ni Bulak?
Kulasa: Naku, parang di kita kilala.

Kulas: Ito talaga, judging kaagad.
Kulasa: Kita mo na, wala pa akong sinasabi, judging na.

Kulas
: Wala naman akong balak gawin masama.
Kulasa: Wala.... I'm warning you.
Kulas: 'Di ba sabi mo liars so to hell?
Kulasa: So (oh-oh)

Kulas: E 'di paghinanap siya ng nanay n'nya sasabihin ko andito.
Kulasa: E pag tinanong kung ano ginagawa.
Kulas: Sasabihin ko nauusap kayo.
Kulasa: 'Yun lang kaya? Sigurado ka?
Kulas: Depende, kung nag yoyosi kayo o hindi (he he he)
Kulasa: Subukan mo lang.

Wag kang magalala Bulak, malakas lang manakot si Kulas.... wag mo lang galitin.

Happy Birthday my friend.



Valentine's Dinner

Sa bahay lang nga kami nag-celebrate ng Valentine's day. Nothing special. Birthday kasi ng tatay ni Kulas last Sunday. Tulad ng dati, mayroon kaming pabaon. Kaya naman di man kami kumain sa labas, masarap ang ulam namin. May lechon, may chicken galantina, may morcon. Aba, di na kami napagod sa pagluto.

Napagod naman kami sa paglinis. Kasi naman, kahit ilan beses mong walisan ang bahay, parang kabuti ang alikabok! Di ko naman binalak pakintabin ang sahig 'ano. Basta punas-punas lang, lampaso, at walis - mabawasan lang ang dumi. Kaso, di pa naman tapos ang pagagawa dito, kaya di namin sinayang ang aming strength.

Nag celebrate naman kami ng Valentine's dinner ngayon gabi. Pinalagpas lang namin ang 15th. Yung iba kasi, hindi nga lumabas ng Valentine, inintay naman ang sweldo. Tuloy ngayon gabi, libre-libre at di masyadong maraming tao.

Dahil may usapan kami ni Kulas kung saan hindi kakain, medyo madali kaming naka pag decide kung saan kami pupunta (siyempre konting pretend na nagisip ako ano). Pag dating namin sa may ATC, tinakam ko si Kulas. Malawak talaga ang imagination niya. Konting kiliti lang sa kanyang pagiisip natakam na talaga.

Nagpunta kami sa Mingoy's. Ayun, di na kailangan buksan ni Kulas ang menu at alam na niya kung ano ang gusto niya. Ako naman medyo nagtaggal, kasi naman talagang lahat parang gusto kong kainin. Umuwi kaming busog na busog, at si Kulas... he he he lumipis ang wallet!



Kulasa: Ano, eat tayo ngayon sa labas?
Kulas: Oo ba, teka may usapan tayo.
Kulasa: Alam ko, no need to remind me.
Kulas: My choice 'di ba?
Kulasa: Sige, saan?
Kulas: Saan nga ba?

Kulasa: Gusto mo Mingoy's?
Kulas: Bakit doon?
Kulasa: 'Di ba hindi Japanese, Chinese, o Italian?

Kulas: Hmmmmm.
Kulasa: Sarap o, steak, fillet mignon. Medium well.
Kulas: He he he. (Sus, nanlaki ang mga mata)
Kulasa: Tapos may garlic rice at yung carrots na malutong.
Kulas: Sige na nga! (Ayos!)

Kulasa: Tapos, may mashed potatoes pa.
Kulas: Oo na sabi!
Kulasa: Yey, don't forget, your treat!
Kulas: Oo na.

Kulasa: Ano kaya oordering ko?.
Kulas: Naka, eto nanaman po tayo.
Kulasa: Bakit ba. Paella kaya?
Kulas: Huuu, alam mo naman di mo mauubos 'yon.
Kulasa: At least maiuuwi ko yung tira ano!

Kulas
: Pwede ba mag-decide ka na.
Kulasa: Gusto ko din yung Oysters, Espinacas.
Kulas: Ay naku.
Kulasa: O kaya, lengua.
Kulas: Fish nalang kaya.
Kulasa: Ayoko nga, gusto ko yung hindi ko kayang lutuin sa bahay.

Kulas: Kare-kare, he he he.
Kulasa: Sira!
Kulas: O kaya hanap ka ng laing.
Kulasa: Subukan mo lang matganong, iiwan kita. Kakahiya ka.
Kulas: 'Kaw naman masyado kang serious.

Buti nalang at hindi nagtanong si Kulas na kung ano-ano. Subukan lang niya, talagang mag wa-walkout ako!
0

Magkasundo

Madali kaming nagkasundo ni Kulas. Kahit na madami kaming pagkakaiba, marami din kaming pinagkakasunduuan.

Mahilig kaming kumain. Sa restaurant o kahit dito sa bahay. Magaling magluto si Kulas at minsan type din niya ang mag experiment sa kusina. Pag ako naman ang may bagong recipe na susubukan, hindi mahirap patikimin si Kulas. Kahit na hindi masarap, uubusin niya ang pagkain, saka nalang niya sasabihin sa iyo na sana iba nalang ang lutuin ko sa susunod. Ang naiiba lang sa amin ay ang mga gusto namin kainin. Si Kulas mahilig sa pagkain may sarsa, sa manok at karne. Ako naman mahilig sa pasta, mga creamy na pagkain, pagkain may gata at gulay. Siyempre compromise kaming dalawa. Halinhinan dito sa bahay ang pagluto ng sinigang. Isang araw sinigang na karne, susunod na luto ng sinigang baboy naman.

Pareho kaming mahilig makinig ng music. Magkasundo kami kapag classical o instrumental. Pero si Kulas, gustong-gusto niyang makining ng mga kantang luma, tipo bang mga 40's, 50's and 60's, pati na rin mga kundiman. Di naman kapanahunan ni Kulas ang mga kantang ito pero talagang masaya siya kapag naririnig niya - ewan ko ba. Ako naman mas gusto ko ang mga 70's and 80's na kanta. Kaya naman ako ang pumupili ng station ng radio pag Friday o Saturday, si Kulas naman pag Sunday's.

Hindi kami mahilig manood ng sine, as in, sa buong apat na taon namin pagsasama, kahit noon nililigawan pa niya ako, hindi pa kami nakakapasok sa loob ng sinehan. Mas gusto namin ang manood ng VCD o DVD - menos gastos na, pwede mo pang ulit-ulitin.

Hindi kami over romantic o sobrang senti. Mag celebrate man kami, simple lang. Ok na sa amin ang kumain sa labas, ipagluto ang isa't isa, o kaya ang mag kwentuhan maghapon. Hindi ko mayadong
gusto ang bininibigyan ng bulaklak. Mas masaya ako kung pagkain o gamit sa bahay ang ireregalo sa akin. Siguro nga naiiba ako pero para sa akin, sayang lang kasi ang flowers. Ang mahal mahal ng bili mo tapos panandalian lang. Gugustuhin ko pang makatanggap ng halaman na nakatanim sa paso keysa bulaklak sa vase.



Kulasa: Malapit na Valentine's Day.
Kulas: Oo nga, anong balak mo?
Kulasa: Wala, ikaw, gusto mong kumain sa labas?
Kulas: Wag na 'no, ang daming ng tao ang traffic pa!

Kulasa: Dito nalang tayo, maglinis tayong bahay.
Kulas: Ano ka, gabing-gabi maglilinis tayo ng bahay?
Kulasa: Sira, wala kaming pasok sa Lunes.
Kulas: Lokohin mo ko, kelan pa naging legal holiday ang Valentine?

Kulasa: Ay naku, Parañauqe Day daw - 'ala kaming pasok.
Kulas: Tigilan mo nga ako, maglalakwatsa ka lang!
Kulasa: Hindi ah, kanina lang namin nalaman.

Kulas: Talaga? Eh di wala din akong pasok.
Kulasa: Ngyek, sa Taguig ka ngayon 'no.
Kulas: May mga office din naman kami sa Parañaque.
Kulasa: Sige nga tawagan mo nga ang tatay mo at sabihin mo holiday.
Kulas: Hindi na, sabihin ko nalang may lakad ako.
Kulasa: Obvious ba, hello, Valentine?

Kulas
: Alam naman niyang pinagagawa ko yung bahay.
Kulasa: Maniwala 'yon sa yo.
Kulas: Ayaw mo 'non tutulungan kitang maglinis?
Kulasa: How sweet (with matching ngiting aso)
Kulas: Talaga naman, tapos magluto nalang tayo.
Kulasa: Ok

Kulas
: Next week nalang tayo mag celebrate.
Kulasa: Sige, kain nalang tayo sa labas.
Kulas: My choice?
Kulasa: Fine, basta wag lang na Japanese o Chinese.
Kulas: Basta hindi din Italian.
Kulasa: Grrrrrr. Sige na nga, ikaw naman magbabayad.

He he he... Meron na akong nasa isip kung saan kakain.
0

Alikabok

Tuloy-tuloy ang pag gawa dito sa kubo namin. Kaya tuloy nagmistulan war zone ang itsura ng bahay. Di biro ang magpagawa, lalo na kung simento ang katapat mo!

Sobra ang alikabok. Lahat ng sulok ng bahay may bakas ng buhanggin. Mag walis ka man, ma-fru-frustate ka kasi sandali lang madumi nanaman.

Marami akong palamuti sa bahay. May mga kuchi-kuchi ako sa ibabaw ng mga mesa. Ang aming sofa, tela ang uphostery. Kaya naman itong si Kulas, nagmaagandang loob. Dahil siya ang may pakana ng pagpapagawa ang itaas, alam niya na maiinis ako pag natapos na ito. Sino ba akala ninyong malilinis? Korak! Moi!

Kaya naman pagdating ko galing office, nagulat ako kasi may takip ang mga gamit sa bahat. Naka takip lahat ng silya, may takip lahat ng cabinet, pati na rin mga mesa. Lahat may takip! Di ko alam kung matutuwa ako kay Kulas o sasakalin ko. Sino ba naman ang matutuwa kung lahat ng kumot at bedsheet pinangtakip!




Kulasa: Anong ginawa mo!!!?
Kulas: 'Bat ka galit, tinakpan ko lang naman ang mga gamit?
Kulasa: Eh bakit kumot at kobrekama ang ginamit mo?
Kulas: Eh anong pantatakip ko diyan?
Kulasa: Peryodiko.

Kulas: Aba magaling, eh 'di naghawa ang tinta tapos ikaw ang magagalit.
Kulasa: Basta, hindi ako ang maglalaba niyan.
Kulas: Hindi talaga, dadalin ko sa laundromat
Kulasa: Dapat lang.

Kulas
: Sunggit nito, ikaw na nga ang iniisip kaya tinakpan ko 'yan.
Kulasa: Sus, nag pakonsensiya pa 'to.
Kulas: Talaga naman, sino ba ang maiinis pag madumihan ang gamit?

Kulasa: Fine!
Kulas: Fine, fine.

Kulasa
: Hoy, di bagay sa iyo nagtatampo!
Kulas: Che!

Kulasa: 'Kaw naman. Sino ba naman ang di magugulat kung ang sala mo nagmuhkang puro kama!
Kulas: Eh para nga hindi ka mahirap.
Kulasa: Mahirap saan?
Kulas: Sa paglinis, of course!
Kulasa: 'Eto piso, humanap ka ng aasarin mo!
0

Extra Large

Meroon isang pamilya na malapit sa amin ni Kulas. Isa silang maranggal at respetadong pamilya. Masasabing nakaka anggat sa buhay. Malapit sila sa isa't-isa, masayahin, at sincere na mga tao. Hindi sila naramot at lagi silang andyan pag kailangan mo. Pangalawang pamilya namin sila ni Kulas.

Kasundo namin sila sa halos lahat ng bagay. Madalas namin silang nakakasama. Halos lagi kaming kasama ni Kulas sa pagpasyal at pati sa pag bakasyon. Di kami nawawala sa handaan at kahit anong okasyon, sigurdong hindi dapat kami mawala. Lalo na kapag kainan ang pinagusapan. Dito namin sila talagang kasundo. Mahusay silang magluto. Bukod doon, mahilig din silang kumain sa labas. Kaya isa sa mga favorite topoics of conversation namin ay kung anong lugar ang masarap kainan at puntahan.

Di na dapat kayo magtaka kung bakit medyo nagkakalihan sila. Kung damit ang i-reregalo mo sa kanila, maliit ang XL. Ganoon pa man, kung gaano sila kalaki, ganoon din kalaki ang kanilang mga puso.

Tinuturing namin magulang si Pavarotti at si Mata Hari. Matalino at masarap kausap si Pavarotti. Bukod sa masayahin tao, alaskador pa! Lalo na pag binabara at sinisopla niya ang kanyang mga anak.

Si Mata Hari naman, ang saya-sayang kasama. Lakwatsera at mahilig takasan si Pavarotti. Kung saan-saan siya nakakadating, madalas si Kulas ang kanyang partner in crime. Para nga naman pagnabuking sila, si Kulas ang tinuturo.

Yung mga anak naman nila, well that's another story. Pati nga sila minsan hindi maintindihan kung bakit parang mas kasundo nila kami.


Yung pangganay, si Big Bertha, isang maalalahanin na tao. Magkasundo kami sa pagnood ng mga drama-drama. Pareho kasing kaming mababa ang luha. Pinagtatawanan nga kami ni Kulas oras na umiyak kami sa harap ng TV. Pero si Big Bertha medyo may kahangginan. Parang signal no. 4 lang naman. Pag humirit na yan parang isang tornado ang kausap mo
. Kaya naman hirap na hirap kami minsan pigilan sa pagtawa pag na-o-okray siya ni Pavarotti at na sopla ni Mata Hari.

Si Tonka, anak ni Big Bertha, ay kaisa-isang anak. Kaya naman laging busog at walang kulang sa buhay. Malaking bulas din. Di na po bata si Tonka, nanliligaw na at tinutibuan na ng bigote.
Nag iisang apo siya, kaya ganoon nalang ang alaga sa kanya. Pet siya ng lahat. Para siyang isang malaking pet - parang pet kalabaw.

Yung anak na lalaki ang kasundo ni Kulas. Pareho silang mababaw ang kaligayahan. Lagi silang tawa ng tawa. Kulang nalang kabagan silang dalawa. Nagtataka lang nga ako. Kasi, nagpunta ito sa US, pero wala pang dalawang taon sa States, parang Amerikano na magsalita pag balik ditosa Pinas. Madalas pa feeling niya cute siya. Cute nga, cute kasi nahahawig kay Shrek.

Ang makakasundo ng lahat ay yung bunso, si Little Lotta. Bukod na katulad ang ugali sa mga magulang niya, matalino at sensible kausap. Mabait na bata si Little Lotta, maaruga at marespeto sa magulang. Malambing at simpleng tao. Iba sa kanyang mga kapatid. Sobra lang mag aral ang batang ito. Di na 'ata natutulog. Maliban doon, mahilig mag-diet. Ilan beses ng sumubok, pero tulad ko, madaling bimigay at the sight of food.

May mga kaibigan tayong di nalalayo sa pamilyang ito. Kahit na minsan naiinis tayo sa kanila, kasama pa din natin at binalik-balikan. Matuto tayong tumingin sa mga ugaling magaganda at kanais-nais.

Lahat ng tao may pagkakamali, pero maliit na bagay lang ito if we dwell on the good things. Matuto tayong tumanggap. Kung paano natin sila nakilala, wag natin pilitin magpalit ng ugali. Ganoon na sila, intindihin na lang natin.
Kami man ni Kulas ay may mga quirks at nakakainis na ugali din. Ganyan lang talaga - no one is perfect.

Pwede naman tayong mamili ng ating magiging kaibigan. Kung hindi mo talaga matanggap ang isang tao - eh di wag. Walang namimilit sa iyo. Pero kung ikaw ay masaya at kaya mong tanggapin ang isang tao, kung ano man siya, walang mawawala sa iyo. Malay ninyo sila pa ang mabibigay sa iyo ng payo at aral na makaktulong.



Kulas: Bakit kaya nag iimbitang kumain si Mata Hari?
Kulasa: Ano ka, birthday ni Big Bertha!
Kulas: Sa Pitsahan daw mamaya.
Kulasa: Wow!
Kulas: Wow? eh kakakain lang natin doon noon isang araw?

Kulasa: Eh ano masama doon, iba naman ang kakainin natin ngayon.
Kulas: Ewan, basta ayokong makarinig ng reklabmo sa weight, ok?
Kulasa: Ako pa?

Kulas
: May regalo ka na ba para kay Big Bertha?
Kulasa: Wala pa nga eh, bili na muna tayo bago tayo magpunta sa Pitsahan.
Kulas: Ano naman balak mong ibigay?
Kulasa: Siguro gamit pang kotse.

Kulas: Naka, eh di ba sira yung kotse nya?
Kulasa: So?
Kulas: So, para ko nang naririnig, ang topic mamaya tungkol sa kotse.
Kulasa: And?
Kulas: And kung magkano aabutin ang pagawa ng kotse niya.

Kulasa: Kaw naman, di na ka nasanay.
Kulas: He he he. Basta ako, looking forward ako sa sasabihin ni Pavarotti pag humirit.
Kulasa: He he he. Intayin mo ang banat sa kanya ni Mata Hari!

Tama kami ni Kulas. Di nagtaggal sumisipol na ang hangging sa paligid ng mesa. As usual, kahit na kaarawan niya, di siya pinalagpas ni Pavarotti. Sumakit ang tiyan namin lahat, di lang sa dami ng aming nakain pati na rin sa katatawa. Happy Birthday ulit sa iyo Big B!
Back to Top