Patotot


Madami siguro ang nagbabasa nito ay hindi umabot sa panahon under Martial Law ang Pilipina. Yun naman nakaka-relate dito, umamin na kayo, tayo-tayo lang naman eh.

Bata pa ako noon (well, medyo), tapos nagkakagulo sa village namin.  Nag uusap-usap ang mga fathers and mothers sa kalye at seryoso sila.  Di naman namin maintindihan kung bakit sila parang kinakabahan.  Ang natatandaan ko ay masaya aking magkakapatid dahil walang pasok. 

Isa sa mga hindi ko malimutan noon may Martial Law pa ay yung mga taong nagbubunot ng damo sa gitna ng ESDA (yup, may island pa noon sa EDSA).  Sabi ni Erpat yung daw ang  mga nahuhuling nag jay walking.  Parusa sa kanila iyon dahil hindi sila tumawid sa tamang tawiran.

Buti pa noon medyo tumino ang mga tao.  At least hindi sila nakikipag patintero sa nga jeep at bus, di tulad ngayon.  May mga overpass na ngang pwedeng tawiran, pilit pa din sa daan tumawid.  Pagnasagasan ikaw pa ang may kasalanan.  Ang tititgas ng ulo ng ibang tao, talaga naman ang sarap nilang ibitin sa puno.

Businahan mo, ang sama ng tigin sa iyo.  Yung iba lalo pang babagalan ang pagtawid.  Di ba nakakaasar talaga?  Kung ako lang ang masusunod gusto kong bigyan ng lesson ang mga pasaway na ito. 

1.  Walisin ang runway ng NAIA - gamit ay tootbrush.

2.  Palakarin ang haba ng ESDA - na naka paa.
3.  Pintahan ang tren ng LRT - habang ito ay umaandar.
4.  Painumin ng 10 pitchel ng tubig - galing sa Manila Bay
5.  Busugin at pasakayin sa Anchor-Away sa Enchanted - ng 3 oras.

Ewan ko lang kung hindi pa naman tumino ang mga patotot na ito.



Takot

Mayroon ba kayong kinatatakutan? Tawag ng iba dito ay phobia.  Bakit tayo nagkaka-phobia?  Eh kung alam ang sagot eh di sana wala na akong kinatatakutan.  

Marami akong kilala na takot sa ahas, daga, at ipis.  Mayroon akong kilala takot sa pusa, takot sa aso (kahit ako matatakot lalo na kung nag aala-Cujo ang walang hiya - sa mga di kilala si Cujo, manong i-google nalang ninyo).  Pati nga tao kinatatakutan minsan.

May mga kilala naman akong may kakaibang takot.  May takot sa uod, may takot sa kuko - hindi yung nakakabit sa kamay, yung bang pira-pirasong kukong bagong putol.  Ang ibang tao painagtatawanan ang isang may phobia, akala mo wala silang kinatatakutan.  Hindi ko maintindihan kung bakit sila natatawa, eh pare-pareho lang naman tayo ng nararamdaman kapag papalapit ang bagay na ating kinatatakutan.

Lumalamig ang buong katawan, para kang lumulutang, imiikot ang buong paligid, bumabaligtad ang tiyan, pinapawisan at gustong sumigaw (well, yung iba talagang sumisigaw at kumakaripas ng takbo).  Literal na nanginginig at napapaluha.  Hindi ba ninyo nararamdaman ito?

Ganito ang nangyayari sa akin kapag nakakakita ako ng ibon.  Kahit anong klase.  Iniiwasan ko sila, kahit sila ay nakakulong.  Pero pinakatakot ako sa manok.  Oo, manok, as in chicken, tumitilaok man siya o hindi.  May balahibo man o wala.  Sisiw man o mother hen, ayoko.  Di ko sila gusto.  Ang gusto ko sumigaw ng Darna kapag papalapit sila.

Alam ko ang iba sa inyo nagtataka at napapangiti.  Wala akong magagawa, sorry, pero hindi ko talaga kayang hawakan o tignan man lang ang manok.  Siguro kung gusto ninyo akong i-torture ay ilagay ako sa isang kwuartong puno ng manok.  Sigurado pag labas ko sa kulungan ako didirecho.  Kasi ang taong gagawa sa akin nito ay siguradong aking papatayin.

Kaya naman hindi ako masyadong nagluluto ng mga putaheng manok.  Kung breast fillet na walang balat pwede pa pero hindi ko ito hahawakan ng walang balot ang aking mga kamay.  Pag tumutulong akong mag luto ng chicken wings dapat may gamit akong tongs kung wala -  magutom ka.  So kung gustong kumain ni Kulas ng manok (favorite pa naman niya ito), siya ang nagluluto.

Pero okay naman ako kapag luto na ang manok. Dito hindi ako takot.  Atay at balun-balunan kinakain ko pero hindi chicken feet, chicken butt, lalung-lalo na yung ulo (inay ko po).  Sa totoo lang addict ako sa proven (proben? - basta iyon).  Hindi kasi siya mukhang chicken, muka siyang cure na fishballs na malutong.  Masabi sa akin kung saan galing ang proven pero wala akong balak alamin kung totoo ito o hindi. 

Kayo, saan kayo takot?  Kung sasabihin ninyo sa akin na wala kayong kinatatakutan isa lang ang masasabi ko pabalik - sinungaling ka.





Kulas:  Gusto mo chicken?
Kulasa:  Ikaw magluluto?

Kulas:  Oo, gusto mo?
Kulasa:  Anong luto gagawin mo?

Kulas:  Pwede fried chicken, pwede adobo.
Kulasa:  Pwede chicken wings?

Kuas:  Pwede tinola, pwede nilaga?
Kulasa:  Pwede chicken wings?

Kulas:  Pwede roast, pwede ......
Kulasa:  PWEDE CHICKEN WING???!!!

Kulas:  Hindi pwede.
Kulasa:  Bakit?

Kulas:  Dalawa lang kasi ang pakpak ng binili mong manok! (ngyek, buong chicken pala.)

Dekada 80

Kakapanood ko lang sa TV ang tungkol sa sikat na artista noon dekada 80. Swak na swak dahil yung ang panahon namin ni Kulas. Ilan beses ba din namin napagusapan ang tungkol dito. Di pa kasi kami magkakilala noon, pero nalaman na di nagkakalayo ang mga pinaggagagawa at pinapupuntahan namin.

Wala ngang ukay-ukay noon, pero ang presyo ng mga damit at sapatos halos pareho lang. Biro mo makakabili ka na ng pumps sa Via Venetto, 200 pesos lang. Uso noon ang Espadrilles, Crayons, Haruta, at ang all time favorite - Sperry Topsiders. Hindi pa hit ang badminton pero madami ng nagsusuot ng Dragonfly, pati na din K-Swiss at Tretorn.

Walang DVD - Ang 500 o L750 ay hindi sasakyan, ito ay etamax. Walang cable TV, local channels at FEN lang. Sikat ka pa kasi pagkalaki-laking antennae ang nakakabit sa bubong ng bahay ninyo (isang channel lang naman)Kung iisipin mo nga, ilan lang ang channels noon pero ang dami mong gustong panoorin.

Ako ay certified couch potato noon. Kaya pagdating sa mga TV shows, madami akong naalala. Flor-de-Luna at Anna-Lisa ang mga tele-seryeng inaabangan. Mga babae sinusundan ang Knot's Landing at Dynasty. Sa Discorama at Penthouse Live natutong sumayaw. Ang Spin-a-Win naman ang nagbibigay noon ng dagdag kaalaman sa tao (agree o disagree?). At na mangha naman ang lahat sa That's Incredible.

Hit na Pinoy shows noon ang T.O.D.A.S., Champpoy, John and Marsha, Chicks to Chicks at That's Entertainment. TV Series pa noon ang Charlie's Angels at Starsky and Hutch. Sinundan ito ng C.H.I.P.S., A-Team, Little House on the Prairie, Mc Gyver, at Eight is Enough. Madaming nabaliw kila Shawn Cassidy, Scott Baio, at kay Leif Garrett, pati na rin sa Menudo (bata pa noon si Ricky Martin. Inaabangan din ang Battle of the Network Stars kasi halos lahat ng napapanood mong US stars ay nasa isang show.

Sino naman ang makakalimot Sesame Street (Take the golden AN, to the tan truck, and give it to horse) at Electric Company (Hey you guys.....). Mahal na ang TF ngayon ng ibang kasama noon sa Kaluskos Musmos at Pen Pen de Sarapen.

Natatandaan nyo ba yung "The Preppy Book". Kung ano-ano ang nakasulat doon. Pati mga pangalan ng tao, mga damit na dapat isuot kasama. Sayang lang nga at hindi ko alam kung saan ko nailagay yung libro. Maganda sanang balikan.

Masarap ang alalahanin ang nakaraan. Alam ko na hindi lang ako ang laking 80's marami tayo. Aminin mo man o hindi, halata, lalo na kung nakaka-relate ka.


Kulas: Nagpupunta ka ba sa disco noon?
Kulas: 'Bat no naman natanong 'yan?
Kulasa: Wala lang, kasi inis na inis ka pag nakikinig ako ng mga kanta ng 80's
Kulas: So?
Kulasa: Bakit nga?
Kulas: Maingay kasi.


Kulasa: Sus, nagsasaway ka sa ledge noon ano?
Kulas: Hindi ah.
Kulasa: Siguro nalaglag ka. Bad momories ba?
Kulas: Sobra ka.

Kulasa: Ito naman. Saan ka ba nagpupunta noon?
Kulas: Kung saan-saan.
Kulasa: Sa Tibs nagpupunta ka?

Kulas: Aha! Tambayan mo yon ano?
Kulasa: Hindi ah, mas gusto ko pa sa gasolinahan, yun sa Makati Ave.
Kulas: Sus, cheap mo!
Kulasa: Cheap? Excuse me, matipid lang ako.

Kulas: Doon ka lang nagpupunta?
Kulasa: Hindi, pag walang lang pera, pag meron sa Tia.
Kulas: Naku ha, siguro laging kang lasing noon.
Kulasa: Hindi ano, kahit na minsan hindi ako nalaglag sa hagdan ng Tia.

Kulas: Siguro ang taas ng bangs mo noon ano?
Kulasa: Hindi naman, pero gumamit din ako ng Aqua Net.
Kulas: He he he, naka shoulder pads?
Kulasa: Yup, uso eh.

Kulas: Bumabalik naman daw an uso di ba?
Kulasa: Oo naman, pero matagal pa siguro.
Kulas: Bakit, type mo ba uling magdamit ng ganoon?
Kulasa: Kung uso naman 'bat hindi?
Kulas: Yuck!
Back to Top